Epilogue

550 13 1
                                    

AERIN'S POV:

"Aerin." lecheng 'to! Marunong pala s'yang humabol. Matapos n'ya akong paiyakin dahil sa pag-aakalang iniwan na n'ya ako! Tapos andito lang pala s'ya at kausap yung parents ko, aba'y ang hilig talagang paglaruan ng feelings ko.

"Wag na wag kang lalapit sa akin, Olivia kung ayaw mong masampal na naman. Bwisit ka, nagdrama pa ako sa airport! Nagplano pa nga ako na sundan ka don, pero hindi ka naman pala talaga umalis! Ano ba talagangN problema mo? Ano bang gusto mong mangyari? Mabaliw ako?!" nanggigigil pa rin ako. Kulang pa yung sampal ko sa kanya sa ginawa n'ya sa akin no!

"Will you let me explain first?" narinig ko pang sabi n'ya. Halatang hindi nga s'ya lumalapit dahil medyo malayo yung dating ng boses n'ya. Aba'y duwag naman pala talaga.

"Explain mo mukha mo! Ako, ang pagkakamali ko lang, hindi ko agad sinabi sa'yo yung totoo, at ilang beses na akong humingi ng tawad don, pero ikaw? Masyado naman yatang sumosobra yung ginagawa mong pananakit sa akin? Masarap ba sa pakiramdam, ha, Olivia?" sumbat ko sa kanya.

"Look at me." naramdaman kong nakalapit na s'ya sa akin.

Ayokong tumingin sa kanya dahil alam kong kapag tumingin ako, talo agad ako. Bibigay agad ako. Ganon ko s'ya kamahal eh. Yun bang kahit anong galit yung nararamdaman ko, isang lambing lang n'ya, mawawala na agad na parang bula.

Ganun siguro talaga kapag mahal na mahal mo no?

Nagulat ako nang biglang kunin n'ya yung kamay ko at sinubukang isampal ulit sa kanya.

Agad ko naman itong binawi. Hindi ko naman sinasadya yung kanina, nabigla lang ako. Ayoko namang saktan s'ya talaga.

"Go ahead. Slap me again. I deserved that. Kulang pa nga siguro yan sa lahat ng mga ginawa ko. I'm sorry kung pinaniwala ka naming aalis ako. Na iiwan kita. Pero believe me when I say na never kong gagawin yon. We just need some time na wala ka dito sa bahay n'yo para makausap ko yung parents mo." noon lang ako tumingin sa kanya.

"Makausap? Tungkol saan?"

Tumango s'ya sa akin.

"About us."

"Us? Meron bang tayo?" unti-unti nang nawawala yung inis ko at napapalitan na ng kalandian ko. Emeged, tungkol sa aming dalawa daw. Meron palang kami? Hihi.

See? Ang bilis magbago ng emosyon diba? Kanina, galit ako, pero konting lambing at pa-cute, nakukuha na n'ya ako.

"Meron nga bang tayo, Aerin?" ewan ko kung nagpapacute s'ya o ano habang tinatanong yon, pero nadadala ako, promise. Lintek!

Gaano ba talaga ako karupok?

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko alam." pinipilit kong itago yung mga ngiti ko. Bakit ba? Pa-demure dapat muna diba?

"Gusto mo ba?" ayan, nang-aakit na yung boses n'ya, wala na, talo na ako. Hulog na naman. Rupok level 100.

"Ikaw ba, gusto mo?" balik-tanong ko.

"Depende sa'yo." sagot naman n'ya.

"Ehhh, ikaw kasi yung maunang sumagot." gusto ko pa sanang dagdagan ng 'hihi' na tawa yung sinabi ko pero parang ang landi naman yata. Dalagang Filipina ako no?

"Pag sinabi ko bang oo, sasabihin mo rin na oo?" pinipilit ko pa ring hindi ngumiti. Shet, ang hirap, promise.

"May magagawa ba ako?"

Sasagot pa sana si Olivia pero biglang may nagsalita sa may likod namin. Si Klarisse, sino pa ba?

"Pota! Ibang klase yung kaharutan! Oo na, kayo na ulit, pwede ba, iba naman yung pag-usapan n'yo? Nakakakilabot yung kalandian n'yong dalawa. Mga TSE!" yun lang at isinarado na n'ya ulit yung pintuan sa garden.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now