Mga Posibilidad

41 4 1
                                    

Kay daming mga posibilidad

Nang mga daang pwede nating hakbangan

Pwedeng sa ibang paaralan ka napunta

Pwede ring hindi na ako nagtapos pa

Pwedeng magkaiba ang mga kurso natin

Pwede ring magkaiba ang sinasampalatayanan nating Diyos

Pwede namang hindi na nagkatinginan ang mata nating dalawa

Pwede ring naduwag na lang ako at nawala noong gustung-gusto na kita.

Kaso hindi,

Sa kani-kaniyang paghakbang natin, nagtagpo tayong dalawa

Sa unang pagsasalit-salit pa lang ng ating mga daliri

Sa unang pagpapalitan pa lang ng pawis ng ating mga palad

Alam ko na agad kung hanggang saan kita sasamahan

At kahit saan ka humakbang, ang kamay mo ay hahawakan.

Kay daming posibilidad

Pero na-tsambahan pa rin kita

Sobrang malas ko na lang talaga siguro

Kung sa dulo ay bibitiw ka pa

No RhymeWhere stories live. Discover now