Kabanata III

5.4K 243 36
                                    

"You have to take care... The passage is... The passage is about to open," pagbabasa ni Miracle sa trinanslate niyang mga salita mula sa espanyol na natatandaan niyang sinabi ni Lola Elma noong isang araw. Hindi kasi siya pinatulog ng mga iyon. Madalas namang nagsasalita ng kung ano-anong espanyol na hindi niya maintindihan si Lola Elma pero iyon ang unang pagkakataon na binalot ng kakaibang takot at kaba ang buong katawan niya.

Napailing si Miracle bago tiningnan ang oras sa suot niyang relo. May thirty minutes na siyang naghihintay kayna Sarah sa loob ng isang coffeship pero hindi naman siya naiinip. Ubos na rin ang kape na in-order niya pero halos wala pang bawas ang cake sa platito na nasa tabi ng kape. Ngayon kasi nila pag-uusapan ang mga expenses na paghahati-hatian nila para sa out of town na gagawin. Muli niyang inabot ang notebook niya kasunod ang Spanish-English dictionary. Nang makauwi siya ng bahay ng araw na tila nagwala si Lola Elma ay kaagad niyang isinulat sa notebook ang mga salitang narinig mula sa matanda bago niya pa iyon makalimutan. Sayang nga lamang at hindi niya nai-record ang mga sinabi nito. "La ciudad maldita – cursed city... Muerte - death... Luna sangre - blood moon." Nakagat ni Miracle ang labi nang makaramdam ng kakaibang lamig dahil sa mga salitang binabasa niya. Ano ba itong mga sinasabi ni Lola Elma. Nakakakilabot. Bumuntong hininga muna siya habang pilit na pinapakalma ang sarili.

Kilala si Lola Elma sa pamilya nila na may kakayahang makakita ng hinaharap ng isang tao. Paano kung nakita na pala nito ang hinaharap niya at iyon ang gusto nitong sabihin sa kanya? Muli siyang bumuntong hininga bago ibinalik ang tingin sa notebook at nagpatuloy sa pagta-translate ng iba pang salitang naisulat doon. "Blood Moon... The passage to the cursed city is about to open. Fear.... Fear of Moon..." Kumunot ang noo niya. Hindi na niya gusto ang kabang nararamdaman ngayon. Paano nga kung may kinalaman sa mangyayari sa hinaharap niya ang sinasabi ni Lola Elma. "Miracle, pwede ba... paranoid ka na naman!" kaagad na kontra niya sa sinasabi ng sarili. Naalala niya kung paano mainis si Angel sa kanya noong ikinwento niya ang nangyari kay Lola Elma. Nainis ito dahil nagpa-panic na siya noon habang nagku-kwento.

"Paano kung nakita ni Lola Elma na mamamatay na pala ako sa future tapos hindi ko lang maintindinhan ang sinasabi niya?" halos maiiyak tanong ni Miracle.

"Paano kung ang sinasabi lang ni Lola Elma ay nadye-jebs siya noon pero hindi mo lang maintindihan?" pabirong sagot na tanong din ni Angel. Hindi na rin kasi bago sa kanya ang mga ganoong ginagawa ni Lola Elma dahil mas madalas na siya ang kasama nito. "Kaya pwede ba cuz, relax ka lang... Masyado mo lang talagang ginagawang O.A. 'yung nakita at narinig mo kay Lola Elma. Wala lang 'yun, okay? That was not the first time na nagwala siya ng gano'n. Baka binangungot lang siya kaya paggising niya akala niya, binabangungot pa rin siya. Kaya h'wag mo nang guluhin 'yang isip mo dahil baka madala mo pa 'yan sa bakasyon mo."

Muling bumuntong hininga si Miracle. Napasandal siya sa upuan bago hinilot-hilot ang sintido niya. Ang iba sa mga sinabi ni Lola Elma ay pamilyar sa kanya. Hindi niya lang alam kung saan niya iyon nabasa o narinig pero sigurado siyang pamilyar na iyon sa kanya.

"Tienes... Tienes que cuidarte."

Pakiramdam niya tuloy ay muli niyang naririnig ang boses ni Lola Elma sa isipan niya. Nagsisimula na ring bumigat ulit ang pakiramdam niya. Tumatayo ang mga balahibo niya sa batok. At tila pinanunuyuan na siya ng lalamunan. Sa pagkakataong ito, hindi niya na talaga nagugustuhan ang kung anuman itong nararamdaman niya ngayon.

Muli niyang inilibot ang paningin sa loob ng coffeeshop. Lahat ng mga tao sa paligid niya ay abala sa kanya-kayang pagkain o pakikipagkwentuhan sa mga kasama. Ang ilan sa mga customer ay nakasuot ng maiksing short, naka-spaghetti strap o kaya ay offshoulder. Walang bakas na nilalamig ang mga ito hindi kagaya niya. Muli siyang napalunok ng laway sa kabila ng panunuyo ng lalamunan. Bakit parang may nakatingin sa kanya? Parang may nanonood sa mga kilos niya ngayon. Napahinto ang tingin niya sa isang lamesang nasa may bandang sulok ng coffeeshop. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi upang mapigilan ang pangangatal noon. Tuluyan nang binalot ng kakaibang lamig ang buong katawan niya. Kumurap-kurap siya. Hindi siya namamalikmata.

Miedo de Luna (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now