Kabanata XXII

2.4K 160 18
                                    

Ramdam ni Kevin na malalim na ang tulog ng kanyang mga kasama habang siya naman ay dilat na dilat pa rin ang mga mata.

"Babe... Babe, hindi ako makatulog. Gising ka pa? Babe?" Ilang tawag pa ang ginawa niya sa katabing si Joyce bago napagtantong hindi nga pala siya nito maririnig dahil sa maliit na bagay na nakatakip sa butas ng mga tainga nito. Napabuntong hininga na lamang siya bago muling ipinikit ang mga mata. May ilang munito pa ang lumipas ngunit sadyang hindi pa rin siya makatulog kaya nagdesisyon siyang bumangon na lang muna.

Saglit niyang inilibot ang paningin sa mga kasamang ramdam niyang kababakasan ng pagod dahil sa malalim na pagtulog. "Babe... Babe..." Kinulbit-kulbit pa niya si Joyce pero ni hindi man lang ito kumilos sa kinahihigaan kaya naiinis na tuluyan na siyang bumangon kasabay ang pagkalaglag ng isang bilog na tumutakip sa butas ng isa niyang tainga. "Shit!" Hindi siya masyadong naniniwala sa mga ikinuwento nina Kakang Temyong kanina, ngunit may kung anong kaba siyang nararamdaman kaya kaagad niyang hinananap ang mallit na bilog. Pero parang huli na ang lahat.

"Lalalala.... Lalalala... Lalalala..."

Isang tinig ng babae ang narinig niyang umaawit na saglit na nagpatulala sa kanya. Sadyang napakaganda ng boses na tila nais niyang makita ang mukha ng babaeng umaawit.

"N-no... N-nahi-hypnotize lang ako..." Malakas niyang ipinilig ang kanyang ulo bago muling nagpatuloy sa paghahanap ng maliit na bilog. Napanood niya na ang ganitong klaseng eksena sa isang horror film na tungkol sa mga sirena.

"Lalalala... Lalalala... Lalalala..."

Ang kanina na isang tinig lang na babae na naririnig niya, ngayon ay nadagdagan na ng isa o dalawang pang mga tinig.

"Tang-ina!" Napamura na siya ng halos may sampung tinig na ng mga babae ang naririnig niyang umaawit ngayon. Mas naging kaakit-akit tuloy iyon sa kanyang pandinig. Sadyang napakaganda kasi talaga ng mga tinig na at ang sarap pakinggan. Ilang ulit pa siyang nagmura upang kontrahin ang kakaibang nararamdaman bago tuluyang hindi na napigilan ang sarili na magpatuloy sa paglalakad upang hanapin kung saan nagmumula ang mga tinig. Sa bawat hakbang na ginagawa ng mga paa niya, pakiramdam niya ay lumulutang siya. Lalo na sa tuwing mas lumalakas pa ang mga tinig.

"Lalala... Lalalala... Lalalala...."

Malapit na... Nararamdaman niyang malapit na siya sa kinaroroonan ng mga babaeng umaawit. Malapit na niyang makita at makilala ang mga ito. Kung kanina ay labis ang kabang nararamdaman niya, ngayon ay wala na siyang pakialam pa sa kung ano man ang mga ibinilin ni Kakang Temyong tungkol sa mga magindara. Oh kung totoo mang magindara ang nga umaawit na iyon.

"Oh my God..." Napalunok siya ng marating muli ang ilog kung nasaan sila kanina ng mga kasama, at makita ang may halos labing limang babae na nakaupo sa may batuhan at napahinto sa pag-awit habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Napakaganda ng mukha ng bawat isa na tila napakaperpekto nang pakakalikha. Singkitin ang mga mata, manipis ang tungki ng ilong at makipot ang hugis ng mapupulang labi. Walang sinoman sa mga ito ang nakasuot ng pang-itaas kaya kitang-kita ni Kevin ang makikinis at malulusog na dibdib ng bawat isa.

"Magindara..." namamanghang sambit niya ng ibaling ang tingin niya sa ibabang bahagi ng mga babae na tila isang malaking buntot ng isda. Tuluyan ng nawala ang takot na nararamdaman niya at napalitan ng pagkamangha.

Sabay-sabay namang naghagikhikan ang mga magindara habang nakatingin kay Kevin bago tumalon ang iba sa ilog at nagpatuloy sa pag-awit.

Miedo de Luna (Published under PSICOM)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang