Kabanata 1

282 86 296
                                    

Kabanata 1

La Luna Academy

"Nababaliw ka na ba ha? Annistyn?!" Napatakip na lamang ako sa aking dalawang tainga nang umalingawngaw ang boses ng kaibigan ko.

Nakataas ang kilay nito't nakapameywang na nakaharap sa akin. Kung oras ito ng biruan ay baka natawa na ako sa itsura nito. Ang maliit ngunit matangos nitong ilong ay hindi na madepina dahil sa nanlalaking butas nito, marahil ay sa sobrang pagpipigil sa panenermon sa akin. Maging ang singkit nitong mga mata ay halos lumuwa na sa panlilisik sa sobrang inis.

Hindi ko ito pinansin at pasalampak na umupo sa sofa at inihilig ang batok.

"At talagang itutuloy mo iyang plano mo ha?" Ito pa rin si Kali na hindi tumitigil hangga't hindi ako magsasalita.

"Sabi ko naman sa iyo, buo na ang plano ko," nakapikit kong tugon.

"Ha!" bulalas ni Kali, tila nahihirapang iproseso ang mga salitang binitawan ko kani-kanina lang.

"Tingin mo magugustuhan ng mataas na opisyal ang plano mong iyan kapag nalaman nila? Mag-isip ka naman, Tyn!"

Nagsalubong ang aking kilay at diretso siyang tiningnan. Nababakasan ng pagkadismaya ang buong mukha nito.

"Wala kang nalalaman sa nararamdaman ko Kali, kaya pwede bang manahimik ka na lang?" Tumayo ako sa kinauupuan at dumiretso sa hagdanan. Lalo akong napapagod dahil sa bibig nito.

"Hindi ako mananahimik, Annistyn! Inilalagay mo ang sarili mo sa panganib. Pinapasok mo ang mundong hindi naman para sa iyo," muling habol ni Kali nang makapasok na ako sa 'king kwarto.

"Alam ko ang ginagawa ko, Kara Livia. Hindi ba't parang mali na tila wala lang sa kanila ang nangyari samantalang ako... hindi ko malimutan." Hindi ko na napigilan pa ang pagbabadya ng mainit na likido sa paligid ng aking mga mata at hinayaan ko iyong kusang tumulo.

"At kailangan ba talagang ulitin ko sa iyo na nasasaktan pa rin ako... sa pagkawala ng mga magulang ko?" Patuloy na dumadaloy sa aking pisngi ang mga luhang ngayon na lamang ulit nagbagsakan habang binibigkas ko ang mga salitang iyon.

Napahawak pa ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang lalong pagbilis ng pagkabog nito.

Nataranta naman si Kali na halos mapamura pa dahil sa muntikang pagkatalisod. Pilit nitong inaabot ang baso ng tubig sa ibabaw ng lamesita na katabi ng kama ko.

Sa loob ng pitong taong pagtitiis, ngayon lang ako nagpakita ng kahinaan. Walang tumulo ni isang butil ng luha noong nakaraang pitong taon, noong nasaksihan ko mismo ang ginawa nila sa pamilya ko. Hindi ko nagpakita ng kahinaan sa mga oras na dapat ay mahina ako. Hindi ko malilimutan ang pangyayaring nagbago sa aking pagkatao, ang pangyayaring nagbigay ng daan sa akin para maghiganti.

Wala akong laban kaya't nagtago lang ako noon dahil iyon ang utos sa akin ng papa ko at hinalikan lamang ako sa noo habang si mama nama'y nangingilid luhang ngumiti bago ako iginiya para makapagtago.

That day was my nightmare, and it keeps on haunting me every now and then.

Naramdaman ko ang marahang haplos sa pisngi na nakapagpamulat sa akin. Bumungad ang nakangiting ginang na si Olivia, nanay ni Kali.

"Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" Agad akong bumangon at ipinakitang ayos lang ako. Kapansin-pansin din sa likod si Kali na halos mamutla sa pag-aalala.

Ang pamilya ni Kali ang naging ikalawang pamilya ko. Malaki ang naging tulong ng mga De Leon sa pag-ayos ko sa aking sarili. Simula rin nang mangyari iyon ay dito na ako tumira kasama nila at hindi na bumalik pa sa bahay na kinalakihan ko.

VendettaWhere stories live. Discover now