Kabanata 2

208 77 244
                                    

Kabanata 2

White Shirt

"There are rules that you need to abide. As you can see, La Luna Academy strongly implements discipline most especially to non vampire students," diretsong sambit ni Samuel Evans habang naglalakad kami papuntang North Wing.

Tila pa-krus kasi ang istruktura ng mga gusali sa academy na ito. Mayroong apat na wing sa main building. East at West Wing ay nagsisilbing dorm ng mga estudyante habang ang North at South Wing ay nakalaan para sa iba pang pasilidad.

Kung teritoryo pa namin ito ay baka pinalagan ko na ang mestizong ito. Tingin ko'y hindi makatarungan na sa amin mas maghihigpit ang paaralan na 'to. Paano kung mga bampirang estudyante ang manguna sa gulo?

I rolled my eyes for the fifth time today. I even heard Kali whisper soft curses whenever we hear a rule.

It reminded me of our escapades before we got here. We broke countless rules at La Venatura Academy that our only salvation back then was Dravin Roux Foster. Being a friend of one of the members of the committee favored our shits... especially Kali's.

"Since you're still new, I would like to inform you that you are not allowed to go outside your dormitory once night shift starts," paalala ni Samuel.

"Kapag nahuli kami?" kuryosong tanong ni Kali.

I already know each rules because I read my own copy of student's manual. But my most concern is that I might break those soon and somewhat I feel giddy about it.

"Then you have to face the consequences," sagot naman ni Samuel.

"What consequences?" interesadong tanong ni Kali.

"You'll know when you break it." Samuel smiled but Kali, on the other hand, frowned on his statement.

Nagpatuloy sa orientation si Samuel na si Kali lang naman ang nakikinig.

"Don't worry dahil separate ang building ng dorms for every creatures. You'll be on building A, girls occupy the rooms on the right and boys for the left."

"You mean, hunters and humans ang kasama namin?!" excited na tanong ni Kali.

Tingin ko kaya magkasama ang hunters at mga tao dahil kami ang pinaka kaunti na enrolled dito. There are bunch of exclusive schools for humans and hunters kaya't ang mga estudyante na pumapasok dito ay paniguradong gusto talaga mag-aral dito or  it can be other personal reasons like mine.

"Yes, we implement preemptive measures in case."

"Here's the students' committee office. If you want to find me, I'll be inside," pagpapatuloy ni Samuel.

Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang itinuturo niya. Tiwala naman akong matatandaan ito lahat ni Kali. Sa halip na ituon ang atensyon sa pinagsasasabi ni Samuel ay itinuon ko na lang ang atensyon sa paligid.

Hindi pa ganoon kadami ang mga estudyante malamang ay unti-unting dadating ang mga ito sa Biyernes. Tanaw mula rito ang iilang estudyante na nakatambay sa mga benches at bleachers na nakahilera sa gilid ng parihabang field na nalililiman naman ng mga naglalakihang puno sa paligid. Mayroon din kaming nakakasalubong ngunit bago kami lagpasan ng mga ito ay binabati muna nila si Samuel.

Nangangalay na ang mga paa ko sa kakalakad. Halos isang oras na rin kasi kaming nililibot ni Samuel ngunit na sa North Wing pa lamang kami. Mukhang pagod na rin si Kali dahil panay ang bulong nito sa akin na gutom na raw ito. Wala namang nakakuha sa interes ko sa unang gusali maliban sa tanaw ang buong field kapag naroon.

Dito rin matatagpuan ang mga silid-aralan para sa mga estudyante. Nadaanan na rin namin ang aming magiging silid. Ito'y naroon sa ikalawang palapag kaya't nakahinga kami nang maluwag. Dahil bukod sa malapit lang kami sa cafeteria ay pinaka-ayaw namin ang umakyat-panaog sa hagdan dahil sayang sa oras at nakakapagod.

VendettaWhere stories live. Discover now