Chapter 2

273 6 1
                                    

Hayley's POV

Hindi ko muna isusumbong si Aron sa pulisya kasi alam ko namang babalik yun at... ehemm... baka malaman ni papa eh. Maraming connections yun.

I'm on my way home na right now. Actually I don't live with my father kasi kasalukuyan akong naninirahan sa studio ko. Doon ko ginagawa ang lahat ng aking mga art works, projects sa school at pati na rin for my postponed exhibit.

Hayy just remembering na maaantala ang art show ko sobra akong nalulugmok. Bakit ba sa lahat-lahat ng tao ay ako pa ang napili niyang nakawan? Baka kasi alam niyang mapapatawad ko din siya! Syempre best friend ko yun eh! Naligaw lang ng landas....

WAHHH!!! Wala palang pagkain sa studio. Tingin naman ako sa wallet...

"Oh I'm broke... hindi pala ako nakapagwithdraw. P50.00 nlang laman nitong pitaka ko" sabi ko with a pout. Syempre kahit na parang nagunaw na ang mundo right in front of you ay syempre dapat cute parin.

Bumili ako ng dinner sa isang fast food chain at nagmadali nang umuwi sa aking studio dahil dumidilim na. Nang may makita akong dalawang anino sa may alley... at mukhang yung isa ay umiiyak.

"D BA SABI KO SAYONG AYAW KO NG PUSA SA BAHAY! PERO DINALA MO PA RIN YANG LINTIK MONG KUTING!!!!" galit na galit ang lalaki at sinampal ang umiiyak na babae.

Gago toh ah! Ang simple simpleng bagay... kailangan bang manakit pa? Dahil sa pusa lang parang papatayin na niya itong babae ah!! Mga lalaki talaga ... walang mga kwenta. Ginagamit lahat ng babae para may mapagbuntungan lang ng galit.

Eh tanga din naman si ate! Teh, inaabuso ka na ayaw mo pang umalis? Kaya may mga lalaking ganyan dahil din may mga babaeng mga tanga. TANGA!

Akmang sasampalin ulit ni kuyang mukhang baboy ramo si ateng tatanga-tanga ng sinipa ko na si kuya sa binti. Hindi na kasi ako makapagtimpi. Kanina pa nangangati ang aking kamao... at mabuti na nakita ko tong dalawa. YESHH!!! MAY PUNCHING BAG NA RIN AKO!!!

"Put@!!! Sino kang gag..."

HIHIRIT KA PA EH!!! HOY HINDI AKO BASTA-BASTANG NAGPAPAMURA SA KUNG SINO SINO AH!!! Kaya naman bago pa niya maituloy.... I silenced him with a punch. K.O!

"Bakit mo siya sinuntok?" mukhang galit ata si stupid sa akin. Lumapit siya dun sa baboy ramo then hugged him.

The Hottie and The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon