Dedicated to makis24 :) Hello Friend! Thanks for reading… hahaha… pasensya na kung hindi nerdy si Liam (>_<) Hope you’ll like him pa rin
Hayley’s POV
“Be Liam’s bodyguard”
Mga ilang minuto ding katahimikan ang bumalot sa amin. Then nang tuluyan nang magsink in sa akin ang narinig… bigla nalang ako nakaramdam ng panic.
“WHAT?” narinig kong sigaw namin ni Liam.
At sabay pa talaga ah? Gaya-gaya!
“Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko? Hayy nako mga kabataan nga naman” – Dean
“Ako po? Magiging bodyguard nito?” sabay turo ko sa nakangangang paring katabi. “Eh ni minsan ho di ko pinangarap maging kaibigan toh… tapos ngayon magiging bodyguard pa po niya ako!?” di ko mapigilang lumakas ang aking boses.
Kung ano ano kasing pinagsasabi nitong matandang ito sa harapan ko eh. Parang baliw! May pinagmanahan nga si Liam sa kabaliwan!
“HOY! Simula nang makilala kita… nagkandaleshe-leshe na ang buhay ko! At sino bang nagsabi sayo na pumapayag akong maging bodyguard kita??? Kung magkakaroon man sana ako nun… pipili ako ng hindi hamak na mas maganda at mas sexy kesa sayo!” tapos tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Abay subosobra na tong gungong na eto ah! Namemersonal na eh! Ngating-ngati na kaya ang kamao ko… kung di lang ako takot makick out siguro kanina pa nakahandusay to!
“Ang kapal ng mukha mo!” - ako
“Mas makapal yung sayo! Hindi pa kaaya-aya!” aynakoo… malapit na talaga maubos ang pasensya ko. Dean pigilan niyo po ako! Baka mapatay ko tong pamangkin niyo. PIGILAN NIYO AKO! >:\
“ANONG SABI MO? DI KAAYAAYA? MAS PANGET KA!” –ako
“Hindi naman. At least hindi kasing panget mo!” kalmado niyang sagot sa akin with a smirk on his face. Hindi ako nagsalita pa muli… nasa hangganan na kasi ako ng aking pasensya. At magsisisi talaga itong lalaking ito pag nakita niya kung paano ako magalit. Tinitigan ko nalang siya ng masama, para to give him the message na isa pa niyang maling galaw…. He’s dead.
Pinapanood ko ang labi niya, sobrang ganda at mukhang kissable naman. Shocks! Ano ba yan Hayley? Galit ka kaya! Naglalandi ka naman diyan! Mamaya na for now galit ka! GALIT! Okay edit natin yung last line kanina…
Pinapanood ko ang labi niya… kapag bumuka kasi ay…
“BLEEHHH!!!” biglang belat niya. Yun na ang sign! Sige Hayley! FIGHTING!
Sinunggaban ko siya at agad kong hinawakan ang kanyang leeg. NGAYON MAMAMATAY KA NA LIAM BALTAZAR!! BWAHAHAHAHA!!!
Rinig ko pa nga si Dean sa likod namin na pilit akong pinipigilan pero continue parin ang lola niyo! Di ko na papalagpasin ang pagkakataong ito. (^_^)
“T-tama… na—h!” halos wala nang boses na bulong ni Liam.
Tama nah? Anong ibig sabihin non!? Eh ayoko ngang tumigil! DIE LIAM! DIE!!!!!
---- (tingnan sa side ang napakakawawang itsura ni Liam)
After five minutes…
Una akong lumabas ng Dean’s office, still hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kamuntikan na akong makapatay ng tao? Hehehe… sayang di natuloy. Si Dean kasi pinigilan ako eh! Kakahiya naman kung di ako magpapapigil di ba?
Siya na ata ang pinakahambog… pinakamakasarili at pinakawalang modong lalaki sa buong mundo! Umm… erase na pala natin yung ‘ata’.
Biruhin mo! Sinabihan ako ng panget at hindi sexy? Sexy ko kaya! Marami kaya diyan ang may balak ako habulin… Kaso lang natatakot sila sa akin. Pero kahit na! MAGANDA AKO AT SEXY! Wala siyang taste kung di siya nabibighani sa akin. Urghh! Magpakita pa talaga yun sa akin tatadyakan ko na talaga sa ‘alam niyo na’.
BLLLAAAGGG!!!
Ramdam kong may bumangga sa likuran ko at infairness masakit ah! Napaharap pa nga ako ng onti eh… Kaya lumingon ako at nakita ko si Liam na nakatingin sa akin.
WOW! Nananadya talaga tong lalaking toh ah!
“Hindi ka ba magsosorry? Ang sakit kaya nun!” sigaw ko sa kanya.
He smirked and said “At bakit naman ako magsosorry sa iyo eh paharang harang ka dyan sa harap ng pintuan. At sinasadya ko so I’m not gonna apologize. Blehh!” sabay belat. Grabe! Isip bata lang? Bwiset! Hindi naman siya mahilig sa belat ah! Hindi obvious!
Patuloy pa rin siya sa pangaasar sa akin. Alam niyo yung pagbata yung nangaasar? Yung belat na napaka tagal with pagalaw-galaw ng ulo from side to side? Ganun ang ginagawa niya ngayon. Exactly like that!
“FVCK!!!!!!” pagmumura niya sa sobrang sakit… namimilipit na nga eh! Hahaha! Sinipa ko na kasi sa ‘alam mo na’! Hay salamat naman at nagawa ko na! Hehehe…kudos to me… I’ll never be his bodyguard… I’ll never serve him! OVER MY DEAD SEXY BOOOODDDEEEHHH!!! BOW! (_ _)
Naglakad na ako palayo sa kanya habang rinig ko parin ang pagmumura niya. Lumingon ako for the last time and waved at him. Nangaasar lang! hahaha… nakahiga na kasi siya sa sahig habang sapo sapo ang kanyang… you know na!
Liam’s POV
“Grabe dude! Mukha kang galing World War III” sabi ni Fonso sa akin. Kasalukuyan kasi kaming nasa rooftop. Binigay niya sa akin yung cold compress pero sa sobrang inis ko ay inihagis ko yun ng malakas sa may pintuan.
“Chill” – Fonso
Binatukan naman siya ng isa pa naming kabarkada na si Jake. “Paano magchichill yan? Tingnan mo nga ang itsura… may sugat sa noo, bali ang braso at gasgas pa ang mukha. Tapos ngayon nadagdagan pa… sa leeg tapos dun sa umm… alam na natin! And to think na lahat ng yan ay kagagawan lang ng isang babae!”
“Fvck! Tinawag ko kayo dito para damayan ako hindi kaawaan!” sabi ko sa kanila. Mabuti naman natahimik na! Hindi na kasi kailangan pang sabihin nang malakas eh… alam ko na… hindi na kailangang dagdagan pa ng asin ang napakalalim na sugat ko sa pride.
“So? Anong balak mo?” – Fonso
“Hindi ako papatinag kay tito! Gagawa ako ng paraan para makick out yung babaeng yun dito sa university!”
Narinig ko naman si Jake na nagbuntong hininga. “Ang di ko lanng maintindihan sayo ay bakit ka pa umaayaw diyan at nagaalburoto? Hindi mo ba nakikita ang advantage dun?”
“Advantage?”
“Eh paano naman niya makikita eh bulag yan! Dagdag mo pang may pagkabobo pagdating sa mga ganyan!” – Fonso
“SINONG BOBO?” hala! At baka gusto nitong dalawang mahulog sa building!
“Hindi naman kami ni Fonso… baka ikaw?” sarkastikong sagot ni Jake.
Hinayupak! Bigla akong tumayo at nagulat sila… more like natakot! Mabilis akong lumapit kung nasaan sila… hindi ko ininda ang pilay ko o ang sakit sa leeg ko.. basta ang goal ko lang ay magantihan etong dalawang ito. Tumakbo na palayo si Jake pero nahuli ko naman si Fonso. Pinaghahampas ko siya... yung hindi naman gaanong kasakit.
“Mag hunusdili ka Liam!” sigaw ni Fonso habang tumatawa.
“Oy! Tantanan mo na si Fonso. Kung ako sayo dude! Hindi na ako aangal pa sa gusto ng Dean”
Paano niya nasasabi yan? Hindi niya alam kung gaano nakakatakot yung babaeng yun. Oo.. you heard me right… nakakatakot siya!
“Ano bang pinagsasabi mo diyan?”
“Pahirapan mo kaya! Instead of ikick out lang dito. Diba mas maganda kung nakikita mo siyang naghihirap. Kasi kung papatalsikin mo lang siya.. yun na yun then wala na! Gamitin mo nga yang kokote mo! Tinuring ka pa namang math genius dito sa university!” – Jake
Oo nga noh! Bakit ba di ko naisip yun!? Bigla nalang lumiwanag ang langit! Bwahaha!!!
YOU ARE READING
The Hottie and The Beast
RomanceHot & cold... yan si Liam sa mata ng lahat. Cool dating niya at siya yung tipong makalaglag panga! Pero anong nangyari? All of a sudden... lagi nalang siya napapahiya! His ever-present perfect image is slowly being tarnished by a... 'girl'? Not just...