Chapter 5 ~ Condition

242 5 1
                                    

I dedicate this to @miharuchii

My first fan! WAHHH!!! Sorry kung ngayon lang nakareturn nng favor. Hope you like my story J

------> Business Department Hottie : Liam Scott Baltazar

Hayley’s POV

“HAYLEY! HAYLEY!”

Sino ba yun? Kabwiset! Tawag ng tawag sa akin… super kulit. Ayokong lumingon… ayokong makipagusap sa kahit kanino… AYOKO! Baka kasi masaktan ko lang kung sino man yang imbyernang nangiistorbo sa aking maglilinis.

“HAYLEY NAMAN EH! Wag ka na ngang magbingi-bingihan diyan!” sabi nung nakakairitang boses. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at hinarap ako sa kanya.

“Ano ba Dame wala ako sa mood makipagkulitan sayo? Kita bang busying busy ako dito?”

Pero imbes na matakot siya sa akin ay ako pa ang pinagbuhatan ng kamay. “ARAY NAMAN!” Grabeng best friend noh! Aakalain mo bang behind that prim  & proper look ay isang sadista? Mas bayolente pa sa akin!

“Sorry sis kung nahurt kita… kasi naman ikaw eh! Nakailang tawag na ako sayo di ka naman lumilingon! Hey! Anong nangyari dyan? Parang dinaanan ng tornado!”

Kailangan ko ba talagang ulitin ang nakakaasar na nangyari sa akin kanina? Ayaw ko na ngang matandaan eh! Nakakapang-init ulo!

“Tanong mo dun sa mga chismosang yun!” sabay nguso ko sa direksyon ng dalawang babaeng nakatingin sa amin at very obvious naman na ako ang topic nila.

“Ehhh! Sabihin mo na! Sige ka! Hindi ako titigil sa pangungulit sayo hanggang di ka nagkukwento” tapos pout naman tong si Dame. Kala niya cute… hindi naman. Tumalikod na lang ako sa kanya at tinuloy ang ginagawa kong paglilinis ng aking working station.

“Hay! Hay! May good news ako sayo. Sure na sure na magbabago yang pagkabad mood mo!”

Hindi pa rin kita papansinin.

Kasi pag pinansin ko yang si Dame, di na ako iiwan! And believe me, sa pagkabadtrip kong ito… wala nang makakapagbago.

“Pero sayang naman, paano ko kaya masasabi sa kanya yung ‘GOOD NEWS’ ko kung ayaw niyang mamansin. Tsk. Tsk.”

Di pa rin ako mamamansin.

 Pero ano kaya yung ‘GOOD NEWS’ niya?

“Well, you just have to live life without knowing na…” hindi ko na siya pinatapos kasi sumigaw na ako.

“ANO NGA YUN!? Sabihin mo na nga!” niyuyugyog ko siya. Can curiosity really kill? OO. It just killed my pride. WAHHHH!!!

“Mag-please ka muna” she’s obviously enjoying this.

The Hottie and The BeastWhere stories live. Discover now