Chapter 16

75.8K 1.1K 102
  • Dedicated to TO ALL READERS :)
                                    

Chapter 16

Sheila's POV 

"Okay. I'm sorry! Gusto ko lang talaga maging perfect 'tong bahay. Para sa babaeng pinakamamahal ko 'to." bakit ganun? Parang may tumurok sa puso ko. Hala! Ano ba 'tong nararamdaman ko. Para kay Marcella talaga 'tong bahay na 'to? Naks! Ganda lang ni Marcella ha? 

Natahimik ako saglit sa sinabi niya. Hindi ko mahanap kung ano ba yung isasagot dun. Nakakabwisit naman! Ano naman kung para kay Marcella yun diba?!!

"Gusto ko din namang maging satisfied ang client ko sa trabaho ko lalo na sa designs ko." sabi ko. 

"Bakit hindi na lang tayo magkasundo? Tulungan mo kong makahanap ng matibay na materyales na hindi makakasira sa naiisip mong design ng bahay? What do you think?" he asked calmly.

Napataas yung kilay ko kasi ngayon lang kami nag-usap ng 'civil'. Sabagay trabaho lang naman 'to pero pesonalan. Ayoko na ngang matawag na bitter ni Luigi kaya papayag na lang ako. Tumango lang ako sa kanya at nakita kong sumilay ang isang ngiti sa kanya. Actually it's a grin. Okay? Masaya siya? May binabalak ata 'tong King na'to. Arghh!! Basta gagawin ko lang ang trabaho ko. Pumikit ako ng mariin para makapag concentrate. Bakit ba kasi ang gwapo niya lalo na pag nakangiti?!!

"Good. Mainam na yun para mas maging maganda yung trabaho natin." sabi niya at lumawak pa yung pagkakangiti sa akin. Ngumiti lang ako ng peke pero siyempre ano ko baliw? Bakit naman ako papayag na maging okay kaming dalawa?! Bwahahaha. Papahirapan ko pa din siya no. 

"Pwes simulan na nating magtrabaho ngayon." tumayo at kinuha na yung bag ko pati na din yung drawing tube.

"H-ha?! Trabaho na agad? Ni hindi pa nga tayo kumakain ng lunch eh." napatayo siya sa upuan at hinarap ako na palabas na sa pintuan. Hinarap ko siya at nagkibit balikat.

"So?" patay malisya kong tanong sa kanya. Ang totoo niyan nag early lunch na ko kaya wala akong pakialam sa aknya kung hindi pa siya kumakain.

"Wala ka bang balak na kumain man lang?!" nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa wrist at iginiya palabas ng opisina ko.  Nagpapatangay lang ako sa kanya dahil nakatuon yung atensyon ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Bakit ganito yung pairamdam?!! Ramdam ko yung init ng katawan niya. Naalala ko yung mga kamay na yun! Walang pinalampas na parte ng katawan ko ang nahawakan nun. 

Ilang saglit pa ay natauhan din ako kaya naman napatigil ako sa paglalakad at mabilis na binawi ang kamay ko. Natigilan din siya sa ginawa ko. Hinarap ko lang siya na may galit sa mga mata ko.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now