Chapter 23

71.4K 993 55
                                    

Chapter 23

Sheila's POV

Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw na sumisilaw sa mga mata ko. Sinubukan kong igalaw ang sarili ko ngunit may mabigat na bagay na nakadagan sa may baywang ko, nanlaki ang mga mata ko ng maalala yung nangyari noong nakaraang gabi. Mabilis akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang gwapong mukha ni King na natutulog pa din. Lalong humigpit yung pagkakayakap niya sa baywang ko at isinubsob pa ang mukha nito sa leeg ko.

Oo nga pala, nagka-usap kami kagabi at nangyari ang hindi dapat mangyari. Napapikit ako ng mariin sa dami ng iniisip ko. Una narinig ko na ang side niya at pangalawa mag-asawa pa pala kaming dalawa. Tama nga ba? Kailangan kong makausap yung court ng America para malaman kung may bisa pa ba yung kasal namin o hindi. Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang mukha ni King, hinawakan ko ang pisngi niya papunta sa mga labi niya.

Ang bilis ng mga pangyayari, nalilito pa din ako. Ibinigay ko na naman kay King yung sarili ko na hindi ko aasahang mangyayari. Never kong inisip na mapupunta muli ako sa ganitong sitwasyon. Heto na naman ako, mahal na mahal si King. Ilang beses ko na bang inalis sa isip yung ganitong sitwasyon pero bakit bumabalik at bumabalik pa din ako? Ano na nga bang mangyayari sa pagsasama namin ni King? Hindi kasi biro yung pinagdaanan naming dalawa sa loob ng limang taon. Limang taon kaming nabuhay sa galit at hinanakit sa isa't-isa ngunit ang hindi ko mapaniwalaan ay sa kabila noon ay patuloy pa din naming minahal ang isa't-isa?

Hinalikan ko na lamang ang pisngi ni King at dahan-dahang inalis ang braso nito mula sa pagkakayakap sa akin. Masakit man ang katawan ko ay pinilit kong bumangon para makapag-shower na.

Ilang minuto din akong nagtagal sa banyo buti na lamang at tuyo na parehas ang mga damit namin ni King. Pagka labas ko ng banyo ay nakita ko si King na nakaupo sa kama at sinalubong ako ng matamis nitong ngiti, gumanti rin ako ng ngiti sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Maligo ka na ng makabalik na tayo sa Manila." sabi ko sa kanya at iniabot ang tuwalya dito ngunit nagulat ako ng hilahin niya ang braso ko at inihiga sa kama. Sinimulan niyang halikan ang leeg ko na nagdulot na naman ng kakaibang pakiramdam sa akin.

"Hahaha. Ano ba King! Uuwi na tayo eh." natatawa kong sabi habang pilit na nilalabanan yung nararamdaman ko.

"Maaga pa naman eh atsaka gusto ko makasama ka pa ng mas matagal." sabi niya habang hindi pa din tinitigilan ang pagpapak sa leeg ko.

"Marami pa namang time. Madami pa kong trabaho." marahan ko lang siyang itinulak palayo sa akin at inayos muli ang sarili ko.

"Love naman eh. Naglalambing lang." natawa ko ng parang batang nagtampo si King. Namiss ko 'to. Ganitong ganito kami noon eh.

"Maligo ka na!" itinuro ko yung banyo sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla niya kong hinalikan ng ilang beses sa mga labi ko bago tuluyang hinablot ang tuwaly sa kamay. Natawa na lang ako ng para siyang batang tumakbo sa loob ng banyo.

Sumandal ako sa kama at inabot ang pantalon ni King, nakita ko na may isang pack doon ng sigarilyo at lighter. Kailan pa siya natutong manigarilyo? Anyway kumuha na lang ako ng isang stick at sinindihan ito. Humitit ako ng isang beses at dahan dahan itong ibinuga. Minsan nakakarelax din talaga 'tong sigarilyo. Pinitik ko gamit ng daliri yung sigarilyo at humitit na naman dito. Ganito talaga ang ginagawa ko pag hindi ako mapakali. Hindi ko naman talaga bisyo pag kailangan lang talaga.

Hindi lang talaga ko mapakali kakaisip sa mga nangyayari. Okay na ba talaga kami ni King? Ganun ganun na lang ba ang lahat? Naguguluhan ako! Alam ko sa sarili ko na may issues pa kaming hindi napag-uusapan at ang hirap magsimula ng ganito na hindi pa klaro ang lahat. Hindi ko lang kaya talaga na malayo pa sa kanya ngayon lalo pa't nalaman ko na ang katotohanan.

Paubos na sana yung sigarilyo ko ng biglang lumabas si King, mabilis akong humitit sa sigarilyo at inilagay ito sa ashtray. Ibinuga ko ng dahan dahan yung usok at umayos ng upo. Mahahalata sa mukha ni King yung pakagulat sa nakita niya. Hindi naman talaga kasi ko naninigarilyo noon nitong mag nakaraan lang pag stress ako natutunan ko kay Jackie.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" tanong ni King habang sinusuot ang pantalon nito. Mababakas ang bahid ng disgusto sa boses nito.


"Marami ka ng hindi alam sakin love. Ikaw kailan ka pa nanigarilyo?" I asked.

"Simula ng nawala ka." napalingon ako sa kanya noon at makikita yung sincerity sa mga mata niya. Dinampot niya yung pakete ng sigarilyo at itinapon ito sa basurahan.

"Lahat ng bisyo natutunan ko nung nawala ka. Alam mo na ikaw lang naman ang sinusunod ko kaya parang nawala yung kalahati ng buhay ko ng nawala ka." seryosong sabi niya habang nakatitig sa akin. Masuyo akong tumingin sa kanya at nilapitan siya. Hahalikan ko na sana siya sa labi ngunit bigla niyang inilapat yung daliri niya sa labi ko.

"Ayoko nga!" at sabay kaming dalawa na tumawa ng malakas, pabiro ko siyang pinalo sa kanyang dibdib.

"Ah ganon. Ikaw na umaayaw ha?" niyakap na lamang niya ko ng mahigpit ganun din ako.

"Sana mapawi ng yakap na'to lahat ng sakit na napadama ko sayo love. Bakit ganun? Ginawa ko yung lahat ng makakaya ko para di ka masaktan dahil ipinagkatiwala mo sakin yung puso mo pero bakit nasaktan pa din kita?" mas hinigpitan ko pa yung yakap ko kay King at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya. Ramdam ko kasi yung guilt sa boses niya.

Bakit nga ba kung kailan happily ever after na kami saka pa nasira yung pangarap namin sa isa't-isa? Natatawa na lang ako sa sarili ko noon na isipin na ako si Cinderella, kahit na ulila ako ay alam ko na darating yung Prince Charming ko para sagipin ako sa lahat ng pain at miserable na nararamdaman ko sa buhay pero bakit kung kailan okay na saka pa dumating yung TRUE TO LIFE WICKED MOTHER-IN-LAW ko.

Paano ko nga ba haharapin muli yung consequences makasama lang si King? Isa lang ang masisiguro ko. Hinding hindi na ulit ako magpapa-api sa mother-in-law ko. I swear!

to be continued...



Anyare sa update ko? Puyat na kasi ko niyan. Hahaha.

Bawi bawi din next update.


VOTE COMMENT AND RECOMMEND

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now