Chapter 18

73.4K 1.1K 188
                                    

Chapter 18

Sheila's POV

Pagkatapos ng eksena namin kanina ng mama ni King ay muli na naman akong nanghina. Ang galing mong umarteng matapang Sheila pero ang totoo naman mahina ka talaga. Umiiyak na naman ako ngayon. Binuksan ko yung drawer ko at inilibas ang isang picture. Hinimas himas ko iyon habang patuloy pa din ang pag-iyak. Tangina! Ang sakit pa din talaga eh! Lalo na pag nakikita ko yung mama ni King. Kasalanan niyang lahat 'to eh. Kinuha na nga niya si King pati ba naman yung kaisa-isang kayamanan ko inilayo pa niya sa akin.

Sariwa pa din sakin yung ala-ala kahit limang taon na ang nakakaraan. At kahit kailan hindi maghihilom yung sugat na ibinigay nila sa akin. Parang pinatay na din nila yung puso ko sa ginawa niya.

FLASHBACK

 

Labag man sa loob ko pinirmahan ko yung divorce papers. Ano pa bang laban ko? Ayaw na sakin ng asawa ko este ayaw na pala samin ng asawa ko. Hinipo ko yung impis ko pang puson. I'm 2 weeks pregnant. Hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak sa isipin na lalaking walang ama ang dinadala ko. Hindi ko pa man nasasabi sa kanya na magkaka-anak kami eh hiwalay na kami. Sinubukan ko namang sabihin pero nauuna talaga yung galit niya.


Masyadong ng maraming masasakit na salita yung natanggap ko, napapagod din naman ako.

 

Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsimulang mag-impake ng mga damit ko. Wala naman ng dahilan siguro para manatili pa ko sa lugar na'to. Hindi naman na ko parte ng buhay niya. May bago na nga siya diba?


Matapos mag-impake ay kinuha ko na yung passport ko sa lamesa, naiwan doon ang divorce papers na pirmado ko na pati na din yung spare key nitong bahay. Masakit mang iwan ang lahat lalo na si King pero wala na kong magagawa. Hindi nga lang siguro ganito ang nababagay sa akin. Muli kong hinawakan ang impis kong puson at huminga ng malalim.

 



"Hindi ko naman kailangan matakot. Hindi na naman ako nag-iisa. Diba baby? Di mo iiwan si mommy diba? Tayo lang ang magkakasama sa susunod pang mga taon. Mabubuhay naman tayo kahit wala ang daddy mo eh." lumabas na ko ng condo unit at hinila ang maleta ko patungo sa elevator.

 



Malamig sa labas ng building pero dahil kakarampot lang naman yung pera ko ay pinili ko na lamang maglakad patungo sa bus station kahit na malamig ang simoy ng hangin.


Muli na namang bumalik sa akin yung ala-ala nung makita ko si King at Marcella sa isang restaurant, yung masasakit na salita at ang pakikipag hiwalay niya sa akin. Nasa malalim akong pag-iisip ng makarinig ako ng malakas na busina mula sa kanan ko. Napahiyaw ako ng makita ang parating na kotse. Nakakasilaw yung liwanag. Nakakabingi ang busina. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko paalis sa gitna ng kalsada. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now