EPILOGUE

1.9K 61 2
                                    

Dapit-hapon ay makikitang nag-aabang si Mang Gusting sa dalampasigan sa likurang bahagi ng Isla Asul habang hawak sa tali ang alagang aso na kulay ng pinaghalong brown at puti. Nakasuot ng sumbrerong pangmagsasaka, maruming kamisa de tsino at maong na shorts. May katandaan na ito, kulubot ang maitim na balat na halatang galing sa mahirap na pamumuhay. Wala itong pamilya at tanging ang pagiging caretaker lang ng bahay sa isla at minsang pangigngisda ang pinagkakabuhayan nito. Pawisan ang kanyang mukha at tila hindi mapakali, bakas dito ang kabang nararamdaman habang paulit-ulit ang pagsipa sa maliit na alon na humahampas sa kanyang mga paa. Ilang minuto pa ay natanaw niya ang isang bangkang de motor. Lulan nito ang isang magandang babae at isang taong nakasuot ng blue hooded jacket.

Nang makadaong na malapit sa dalampasigan ay kaagad na kinuha ni Mang Gusting ang malaking lubid na para itali sa bangka upang hindi into anurin ng dagat. Bumaba ang dalawang lulan nito. Ngumiti ang babae sa kanya bago tumakbo sa buhanginan patungo sa loob na bahagi ng isla samantalang ang kasama nito ay may inabot sa matanda.

"Ma-maraming salamat po." Wika ng matanda bago ilagay sa bulsa ang makapal na perang papel. Tumango ang misteryosong tao bago sundan ang kasama nito.

***********

"What place is this babe? This gives me the creeps!" wika ni Christina nang pumasok sila ng isang taong nakasuot ng blue hooded jacket sa isang animo'y safe house sa gitna ng Isla Asul sa bayan ng San Julian. Nakapulupot ang kanyang kaliwang braso sa bewang nito habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat naman nito. Pinagmasdan ni Christina ang buong lugar. Yari sa kahoy ang nasabing bahay subalit napakalaki nito na tila isang mansyon. Naamoy agad ni Christina ang kalumaan no'n. Maayos na nakahanay ang pito hanggang sampung silya sa gawing kanan na tila ginamit sa isang pagpupulong. Sa kaliwang bahagi ay naroon ang isang lumang fireplace at sa itaas nito ay nakahanay naman ang mga lumang larawan ng iba't ibang lalake na nakalagay sa pare-parehong frame. Binilang niya ang mga ito, siyam lang na dapat ay sampu dahil napansin niyang sa pagitan ng ikawalo at ikasampu na larawan ay bakante. Ang unang dalawang larawan ay black and white pa ang kuha samantalang ang mga natitira ay may kulay na. Sa palagay niya'y wala pa noong magandang camera. Lahat ng mga lalake sa litrato ay hindi nakangiti. Halatang pormal na pormal na pormal ang mga ito. Makikita rin ang pagbabago ng kasuotan ng mga ito mula makaluma hanggang moderno, mula long sleeves at coat na tila mala-Abraham Lincoln na suot hanggang striped long sleeves na lamang. Sa ibaba ng bawat larawan ay mga taon mula 1972 hanggang 2015 na range.

Si Christina, 5'8" ang tangkad, mahaba ang may pagkablonde na buhok, mestisa at makinis ang kutis, mahahaba ang pilikmata na bumabagay sa medyo malaki nitong mata. Makapal ang pulang lipstick sa labi at medyo may pagkapink ang pisngi dahil sa blush on na nilagay. Nakasuot siya ng maikling bestida na may imprenta na mga bulaklak. Silang dalawa ay naglakad sa isang mahabang pasilyo, sa kaliwa't kanan ay hanay ng mga pinto na tila isang dormitoryo. Pumasok sila sa isang kwarto. Tila naexcite si Christina at kaagad na tumakbo sa malambot kama at umupo. Pinagpag nito ang kama na sumesenyas na umupo sa tabi niya ang kasama. Lumapit ang taong kasama niya at tumayo sa harap niya. Lalong lumaki ang ngiti ni Christina. Tinulak siya nito at napahiga ang babae. Napahagikhik ito pagkatapos ay hinubad ang suot na maikling bestida. Lumantad ang magandang hubog ng katawan nito resulta ng araw-araw na exercise at pagiging mapili sa pagkain. Pumaibabaw sa kanya ang taong iyon at hinawakan ng mahigpit ang kanyang dalawang kamay.

"Ouch! Sandali nasasaktan ako." Wika ni Christina.

Hindi nakinig ang taong iyon at lalong hinigpitan ang hawak. "Sandali! Ano ba! Nasasaktan ako!" pagrereklamo nitong muli. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christina. Nagsimula na itong humagulhol. Lalong nanlaki ang mga mata nito nang makita na itinaas ng taong iyon ang kamay nito hawak ang isang matalim na kutsilyo.

"Waaaaaaagggggg!!!!!!!!"

Sa kabila ng malakas na sigaw ay walang nakakarinig sa panaghoy niya maliban na lang sa mangilan-ngilang ibon na napalipad dahil sa biglang ingay na iyon.

Makikita na lamang ang duguang bangkay ni Christina na hila ng killer nito.

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon