Chapter 7: "Benefit Of The Doubt"

877 34 1
                                    

"I did it. It's my fault." Paninisi ni Carl sa sarili habang nakaupo sila sa salas. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

"No Carl. Wala kang kasalanan." Pagpapakalma ni Jake habang hinihimas ang likod nito.

"Alyssa committed suicide because of me. Huhuhuhuhu"

"Wag mo sisihin ang sarili mo."

"No sir, sana noon ko pa sinabi sa kanya."

Madilim na ang buong paligid nang makarinig sila ng malakas na pagkulog kasunod ang mga kidlat at matinding buhos ng ulan.

"Wow! Perfect! Talagang makakaalis tayo rito!" sarkastikong wika ni Jeffrey.

"Relax Jeff, siguro naman bukas ay maayos na ang panahon." Sabi ni Nico.

Kaagad na kumilos ang mga bagong myembro at isinara ang pinto at mga bintana samantalang nakaupo lang at tulala sina Julie at Cheska.

"Gerald, huminahon ka nga." Sabi ni Joseph nang mapansing hindi mapakali ang sinabihan.

"Anong huminahon? Sa tingin mo magagawa ko iyon? Apat na ang patay dito sa isla. Nobody knows kung madagdagan pa!"

"What the heck are you saying? Nobody's going to die anymore!" sabad ni Jarwin.

Nang sunud-sunod ang pagkidlat ng malakas ay biglang nawalan ng kuryente. Maririnig ang pag-angal ng lahat ng mangyari iyon.

"May generator sa basement." Wika ni Aldrin mula sa kadiliman. Tanging ingay ng pagkukumahog, mga yabag ng paa at pag-urong ng mga upuan ang naririnig.

Ilang saglit pa ay narinig ang pagtusok ng kung anong bagay kasabay ng pag-ungol ni Jeffrey.

"Anong nangyayari?!" sigaw ni Cheska.

Ilang minuto pa ay narinig nila mula sa basement ang pag-andar ng makina ng generator kasunod ang pagbukas muling mga ilaw.

"Okay na 'yung kur-----" napahinto si Aldrin sa pagsasalita nang makabalik sa salas.

"Aaaaahhhhhhh!!!!" halos sabay-sabay na sigaw ng lahat.

Katabing upuan ni Carl ay si Jeffrey subalit nakalaylay na ang kamay nito at ulo habang may nakatusok na kutsilyo sa gawing kaliwa ng leeg nito. Umaagos ang dugo mula sa sugat na natamo.

"Who the heck did that to Jeff?????" bulalas ni Glenn.

"Obviously, one of us. Sinamantala ang pagkawala ng kuryente." Konklusyon ni Andrew.

Nagkatinginan sila sa isa't isa.

"Son of a b*tch! Umamin na kung sino!" galit na sabi ni Jarwin habang hinihimas ang kamao.

"I think I know who." Mahinang wika ni Glenn.

Tiningnan siya ng lahat. "Sino ba ang nakaaway rito ni Jeffrey a while ago?"

Napatayo sa kinauupuan si Carl. "Are you referring to me?"

"You have the obvious motive."

"Tarantado ka!" bulalas nito at akmang susugurin si Glenn subalit pinigilan lang siya ng ibang kasama.

"Oh my... everything's f*cked up." Pag-iiling ng ulo ni Joseph.

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon