Chapter 5: "Some Reasons Why"

970 38 1
                                    

Makikita ilang sentimetro lang ang layo mula sa puno ng niyog ang isang mukha na nakalitaw mula sa lupa. Halos kulay asul na ang buong mukha nito samantalang ang mga labi nito ay napakaputla. Mapapansin ang tila bungkal na lupa sa paligid ng nakabaong bangkay. Sa may di kalayuan ay makikita ang grupo na hindi mapakali. Ang mga babae ay umiiyak samantalang ang iba ay tahimik lang at ang iba ay pauli-uli ng lakad lalo na ang tatlong lider. Makikita sa mukha nila ang pagkabalisa at takot.

"We – we should do something!" sambit ni Jeffrey.

"Of course, pero wala dapat tayong gagalawin sa bangkay. Bahala na ang mga pulis para sa imbestigasyon." Wika ni Jake.

"We should call the police! Nasa inyo ang cellphone ni Angelo." sigaw ni Ralph.

"Yeah. You also have our cellphones Aldrin, 'yung sa amin ni Sir Jake." Sabad ni Nico.

"There-there's no signal here." Sagot ni Carl.

"What the f***! You confiscated the cellphones and kicked out Angelo and then you're saying that there's no signal here?" What the f**** is wrong with you people?!"

Mabilis na sinugod si Ralph ni Brian at malakas na itinulak ito. Kaagad namang natumba ito sa lupa. "You don't need to talk like that! You're just a pledge!" galit na panduduro nito.

"Come on guys, Hindi solusyon sa problema ang pag-aaway na ito!" sigaw ni Jake.

"Screw that! I'm out! I don't want any involvement here!" galit din ito at tumakbo palayo.

"Sandali Ralph! Saan ka pupunta?" tanong ni Nico.

" I'm going back home! Screw this fraternity! Screw all of you!!!!"

Naiwan silang nakatulala habang pinagmamasdan si Ralph na naglalakad papalayo. Ilang minuto pa ay napansin nila ang usok sa may dalampasigan.

"What the heck is that?"

Lahat sila ay napatakbo patungo sa kung saan nanggagaling ang usok. Lahat sila ay nagulat. Tumambad sa kanila ang nasusunog na lantsa.

"Oh my God, is this really happening????" di makapaniwalang sabi ni Alyssa.

Sinubukan pang apulahin ng dalawang guro ang apoy subalit malaki na ang sunog at wala na silang nagawa.

"Paano na tayo makakaalis dito? Paano pa tayo makakapagsumbong sa pulis?!" si Jarwin naman ang nagsalita.

"Ralph! You're so stupid! Siya ang may kagagawan nito! Gusto niya siya lang ang makaalis!" wika ni Glenn.

"No, imposible. Lantsa lang ang ginamit natin papunta. Ibig sabihin, hindi pa siya nakakaalis ng isla." Sagot ni Nico.

"Narinig naman nating lahat di ba? Aalis siya! Bakit naman niya susunugin ang lantsa kung gusto na niyang umalis unless----?" sambit ni Joseph.

"Unless siya ang may kagagawan ng lahat. Unless siya ang pumatay sa babaeng 'yon. Unless gusto niyang walang makaalis dito. He wants us....dead." konklusyon ni Aldrin.

"HELP! TULOOONNNGGG!" sabay-sabay nilang sigaw pero tila wala iyong nagawa.

Tanging isang malayong isla lamang ang abot ng kanilang paningin maliban sa buong paligid na asul na karagatan. Wala ni isa man lang na bangka ang naglalayag ang kanilang natatanaw.

"It's no use, no one will save us. Huhuhu" pag-iyak ni Julie.

"Pwede tayong gumawa ng S.O.S. sa buhangin." Suhestiyon ni Gerald.

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon