Chapter 3: "Getting To Know Them"

1K 39 5
                                    

Ang Isla Asul ay isang pribadong isla na matatagpuan sa bayan ng San Ildefonso na pagmamay-ari ng nagtatag ng Arlington University. Humigit kumulang nasa tatlumpung hektarya ang laki ng isla kung saan maraming puno ng buko ang tumutubo at iba pang mga puno. Mahigit tatlong oras ang layo mula sa port kung gagamit ng lantsa o bangkang de motor. Ang mga karatig na isla ay malayo na kung pupuntahan mo ay aabutin ka ng limang oras. Pero bakit Isla Asul ang tawag rito? Maraming teorya kung bakit. Sinasabi na noong unang madiskubre ang isla ng mga manlalayag na Espanyol ay napansin nila ang tila bughaw o asul nitong buhangin na sa kasalukuyan ay malayo sa sinasabing naunang kulay dahil pino ang halos kulay puti nitong buhangin kaya perpekto ito sa mga taong gustong mapag-isa at pagbakasyon sa panahon ng tag-init. Ang sabi naman ng iba ay dahil asul ang paboritong kulay ni Don Simon Arlington na siyang nagtatag ng unibersidad. Kung ano man ang rason kung bakit Isla Asul ay walang nakakaalam kahit na ang mga sumunod na henerasyon sa mayamang Don.

Habang naglalayag sa gitna ng karagatan ay nagring ang cellphone ni Jake. Tanging siya, si Nico at ang tatlong senior members ang may dalang gadgets. Nakita niya sa screen ang isang numero lamang.

"Hello? Who is this?" tanong niya.

"Oh hello Jake, this is Dr. Villamayor."

"Oh yes sir?"

"I got a news na babalik sa bansa si Mr. James Ram Lopez kaya to do some personal business and I will tell him to also check on you."

"Really? Oh thank you sir."

"Welcome, bye."

Kaagad naman niyang ipinaalam sa mga kasama ang nalamang balita. Natuwa sina Brian at Carl subalit tila nag-iba ang ekspresyon ni Aldrin na mukhang nadisappoint subalit ipinagkibit-balikat na lamang niya ito. Makikita naman sa mga mukha ng mga bagong myembro ang kaba.

Pagtapak pa lamang nila sa mainit na buhangin nang dumaong ang Bangka ay naamoy na agad nila ang simoy ng karagatan at tiyak na masarap magbabad sa napakalinaw na tubig-alat. Naglakad sila sa buhanging daan na sa tigkabila ay maraming puno na iba't ibang uri pero mga puno ng niyog ang pinakprominente. Ilang metro pa ay tumambad sa kanila ang isang napakalaking bahay na yari sa kahoy. May dalawang palapag ito at ang mga bintana ay yari sa salamin, sa tingin nila ay ito ang lugar sa bahay na iyon na hindi yari sa kahoy. Hindi moderno ang hitsura kaya sa tantiya nila ay malamang na panahon pa iyon ng mga Hapon ginawa. Walang pintura ang buong kabahayan kaya kitang-kita mo ang malalapad na kahoy na bumubuo rito. Ito lang ang nag-iisang malaking istruktura sa buong isla.

"Okay pledges, nandito na tayo sa harap ng fraternity house. Dito tayo mamamalagi ng isang linggo." Bugad ni Aldrin nang ibaba ang dalang gamit. Nang papasok na sila ay may napansin silang mga bakas ng sapatos sa may pintuan na halos mabura na. Yumuko si Jake at tiningnang mabuti ang mga bakas.

"Sino sa inyo ang kagagaling lang dito?"

Walang sumagot sa kanila pero lumapit si Aldrin. "Mahigit ilang buwan na simula nung huli kaming pumunta dito dahil sa fraternity party naming." Paliwanag nito.

"Kailan iyon?" tanong naman ni Nico.

"Matagal na, lampas dalawang buwan na ang nakakaraan, katapusan ng March iyon."

"Base sa mga bakas na ito, mukhang ilang araw pa lang ang nakakaraan."

"Ah baka po si Mang Gusting ang may gawa niyan." Wika naman ni Carl.

"Sino 'yon?"

"Siya po ang caretaker ng bahay na ito na nakatira sa may likuran lang. Mahirap nang pasukin ng mga trespassers ito kaya may nangangalaga sa lugar na ito."

The Case of Christina OrquezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon