CHAPTER 10

2K 93 22
                                    

CHAPTER 10


LUCKY'S POV

Natapos ang unang linggo ko sa academy na puno ng assignments at activities. Sa awa ng diyos buhay pa naman kami ni Andi bloated lang siya kakakaen. Stress eating daw dala ng major heartbreak niya. That week napagtagumpayan naman naming iwasan ang mga bagay na makakadagdag ng stress sa school.

Iniwasan nameng masalubong o makita ang Pink Rangers. Lalo na nag magpinsang Kenneth James Ang at Wesley Ongpauco. Sa awa ni Wonder Woman na patrona ng mga bakla nakapag survive kami ng isang linggong mapayapa.

Nasa SM North Edsa ako ngayon dahil usapan nameng magkita ni Andres para samahan siyang mag shopping dahil na stress siya this week. Sosyal ni negra na stress lang nag shopping na, kapag ako ang stress, stress lang walang shopping. Stress eating meron masarap kasi magluto si Tita Jack.

Nasa Sky Garden ako at naninigarilyo habang nag aantay sa kanya. I'm turning 18 this year kaya legal na akong manigarilyo kaso patago. Kame lang ni Tita Jack at Kuya ang nakaka alam.

"S-SESSHHIIEEE!!" malakas na sigaw niya habang tumatakbo papalapit. As usual late yung bakla.

Napairap lang ako dahil pinagtinginan kami ng mga tao. Ang totoo nag alala ako sa mga tiles baka mabiyak habang tumatakbo siya.

"Sorry i'm late!" Humihingal na sabi niya at nagulat siya sa hawak ko.

"I know Andres trade mark mo yan!" singhal ko paglapit niya.

"Naninigarilyo ka talaga?!" Gulat na gulat yung itsura niya.

'Hindi teh, hindi. Nakikita na nagtatanong pa. May sapak din to eh.'

"Oo diba nakita mo kong nagyosi nung nasa Hugot Cafe tayo?" Huling hithit ko bago ko pinatay sa trash can sa tabi ko.

"Grabe ang bata bata mo pa nag aadik ka na." Nandidiring komento niya.

'Nag a-adik ano to droga?' Pumintig ang sintido ko ng pumasok sa isip ko ang imahe ng payatot na yun.

"Hiyang hiya naman ako sayo, ang bata bata mo pa pero palagi kang late sa mga usapan natin."

"Oo na late nga eh, sagot ko na lunch naten laters."

'Yown, libre kaen! Pa late ka lang palagi masaya yan.'

"Tara na sa Department Of Store muna tayo seshie. Wala ng laman ang wardrobe ko hindi ko ugaling umuulet ng damit."

'Ano raw Department of Store? Department Store lang yun diba? Kingenang 'to pauso!'

"Pansin ko nga.. mukha mo lang paulet ulet 'no?" siniko ko siya at bigla niya akong hinampas sa braso.

"A-Aray!" daing ko sabay kamot. "Makahampas Andres ang gaan ng kamay?!"

"Salbahe ka rin eh 'noh?"

"Honest lang ako."

"Sayang ipag sho-shopping pa naman sana kita.." at nauna siyang naglakad papasok ng Department of Store. Yan pati ako nahawa na sa kanya.

'Shopping? Sayang yun.. Hoy hintayin mo ko!'

Mabilis akong humabol papasok sa loob ng mall.

"May bibilhin ka ba Lucky? Medyo matagal akong pumili ng damit baka mainip ka." Paalala niya habang panay ang kuha ng mga damit na isusukat.

"Wala akong maisip. Don't mind me sanay ako mag window shopping." Sagot ko habang sinisipat ang mga damit na pinipili niya. Infairness kay negra may taste pagdating sa mga damit. Mahal lang yung presyo at pakiramdam ko kumakam ang sikmura ko. Ang totoo niyan wala akong pera para magwaldas sa ukay lang kasi ako namimili ng damit.

Lucky Me (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang