CHAPTER 59

1.9K 76 40
                                    

CHAPTER 59

WESLEY'S POV

I know it wont take long before he confess about his feelings. Dati ko pa kasing napapansin ang kakaibang chemistry nila ni Lucky. Para silang aso at pusa. Madalas mainit ang ulo niya at wala siya sa mood kapag magkasama sila. Pero ang ikinatutuwa ko ay ang madalas niyang pag ngiti o pagtawa ngayon.

Mga bata palang kami serious type na kasi siya at madalang siyang magbiro o ngumiti sa harap ng ibang tao. Nakikihalubilo na rin siya sa iba bukod sa basketball team niya. In other words he's changed at dahil yun kay Lucky Gonzaga.

Isang Lucky Gonzaga lang pala ang makakapag pabagsak sa kaniya. Funny but i never thought that we'll admire the same person. Malungkot lang ako dahil yung kauna unahang taong minahal ko (aside from my parents & grandparents) hindi ako gusto sa paraang gusto ko. Pero masaya naman ako dahil yung taong guso niya ay malapit sa puso ko. He deserved to be happy. Kahit hindi naman niya sinasabi sa akin ang lahat ng problema niya alam ko naman halos lahat ng pinagdadaanan niya.

After naming makapagbihis ni Kenneth tumuloy na kami papunta sa suite nila Andi. Hanggang ngayon ang weird parin ng feeling ko lalo na ngayon aware ako na pareho kami ng taong gusto. Hindi pa ako handang i-share si Lucky sa iba lalo na sa pinsan ko.

"Bro, wala ka pa rin namang planong sabihin ngayon ang totoo kay Lucky diba?" Usisa ko habang naglalakad kami sa hallway.

"Wala pa but it doesn't mean i'm allowing you flirt with him whenever you like."

"That's unfair!" Reklamo ko.

"And you're being fair? You're kidding right?" sarkastikong sagot niya.

"No i'm serious. As long as you didn't tell him the truth i'll do whatever i want." iniwan ko siya mag isa at nauna ako sa pinto ng suite nila Lucky. Kumatok ako ng tatlong beses at maya maya bumukas ang pinto.

Na excite ako agad ng makita kong si Lucky ang nagbukas ng pinto kasama si Ytchee.

"Lucky! I miss you!" Bigla akong sumugod para yakapin siya pero bigla akong nasakal sa jacket na suot ko. Paglingon ko hawak ni Kenneth ang kwelyo ng jacket ko kaya hindi ako makagalaw at makalapit kay Lucky.

"Ha ha ha! Yan ang malupet na Puppet, life size at pogi!" Bulalas ni Ytchee ng makita ang itsura ko.

"Behave." Mahinang usal niya bago bitiwan ang jacket ko.

"Panira ka ng moment, alam mo ba yun?" Singhal ko. Umikot lang ang mata niya.

'He's too obvious.'

"Whatever." At nakapamulsa siyang pumasok sa loob ng suite.

"Juice ko kaya pala biglang bumango ang loob ng kwarto may mga bisita tayong mga gwapo!" Salubong ni Andi sa amin ni Kenneth.

"Maupo muna kayo, anong gusto niyo juice, kape, tubig, strawberry wine, gatas ng kalabaw, gatas ng ina o gatas ni Lucky?" Nakangiting alok ni Marlon saming mag pinsan pag upo.

"Coffee would be fine." Nakangiting sagot ng pinsan ko pero sa iba siya nakatingin. Nakita ko yun kaya nagkunwari akong umubo at nilingon niya ako.

"Tss." Nanunukat ang tingin niya.

"Inday ipagtimpla mo ng coffee si Ser mo!" Sigaw ni Marlon kay Lucky na nasa mini bar at umiinum ng tubig sa baso.

"Yis Meym!" Ngiting sagot niya.

"Ikaw Ongpauco anong sayo?"

"Si Lucky na lang kahit huwag munang ibalot iuuwe ko na yan sa bahay bukas." Nakangiting biro ko.

Lucky Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon