CHAPTER 29

2.1K 85 13
                                    

CHAPTER 29

LUCKY'S POV

Matapos ang madramang paalamanan namin ni Jasper mabagal akong naglakad patungo sa malaking bahay ng mga Trinidad. Mabigat ang bawat pagkahbang ko at tila tamad na tamad akong kumilos. Mukhang naubos ang lahat ng sustansiya ko sa naging sagutan namin kanina.

Palagi na lang bang ganito ang eksena namin ni Jasper sa tuwing magkikita kami at parati siyang may pasabog na dala dala? Litsing buhay 'to. Ano na naman kaya sa susunod na aaminin niya sa susunod na malayong kamag anak niya si Spiderman? Batman? o isa siyang Mutant at member siya ng X-MEN?

'Lintik na lalaking yun hindi nauubusan ng surpresa sa katawan.'

Huminto ako malapit sa labas ng malaking gate nila Marlon. Umupo ako sa gutter at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa tuhod at saka ako yumuko. Nagsindi ng sigarilyo at naramdaman ko nalang na namasa ang pisngi ko.

Masakit mang isipin

Kailangang tanggapin

Kung kelan ka naging seryoso

Saka ka niya gagaguhin

Di ko mapigilang mapakanta sa kagagahan ko. Nababaliw na talaga ako. Hindi pa pala natatapos ang drama ng buhay pag ibig ko may continuation pa pala.

O, Diyos ko, ano ba naman ito

'Di ba, 'lang hiya, nagmukha akong tanga

Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to

Diyos ko, ano ba naman ito..

Nagsisisi ba ako? Kinakapa ko ang sarili kong nararamdaman kung meron pa ba. Kung meron handa akong maghabol kung kinakailangan. Pero wala talaga akong maramdamang iba. Namanhid na ata ang puso at utak ko. Tuwing naaalala ko ang panloloko ni Jasper bumabalik ang lahat ng sakit at parang tinatakasan ako ng katinuan.

Wala akong makitang dahilan para maghabol pa sa kanya. Hindi ko lang talaga siguro napaghandaan ang biglaang pamamaalam niya ng ganito kaaga. Nasanay lang akong palagi siyang nandiyan. Hithit buga lang ang ginawa kong paninigarilyo, ganito talaga ako kapag sobrang na-stress.

Nagulat ako sa pares ng kulay pulang Chuck Taylor shoes na nakatayo harap ko. Sino naman kaya 'tong ungas na abala sa pang MMK na pag mo-moment ko? Dahan dahan akong nag angat ng tingin at nagtama ang mata namin ng isang lalaking madalas painitin ang ulo ko.

Ang masungit, hambog, isnabero at feeling gwapong si Kenneth James Ang.

Dali dali akong namunas ng luha. "Anong kailangan mo?"

"Dapat ba laging may kailangan muna ang isang tao sa tuwing lalapit sayo?" sarkastikong sagot niya bago siya gumaya ng umupo sa tabi ko.

"Malamang.. kung wala 'e ano yang itinatayo tayo mo dito?" Pambabara ko.

"Nakita kasi kita kaya lumapit ako." Dumampot siya ng maliit na bato sa semento at mahinang ibinato sa di kalayuan.

"Sa pagkaka alam ko doon ang party hindi dito?" turo ko sa bahay nila Marlon at pasimple akong namunas ng luha at sipon.

"A-Are you crying?" ramdam ko ang pag aalala niya.

"Ako umiiyak? Hindi ahh pawis yan pawis. Ganyan talaga ako pagpawisan intense." Natatawang sagot ko.

"Kahit kailan hindi kita nakausap ng matino." naiinis na tugon niya.

"At kailan naman tayo nagkausap ng matino? Sa tuwing nagkakausap tayo sumusugod ang ex mo." Napapangiting sagot ko.

Lucky Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now