*^▁^*December 30, 1995.
'Yan ang araw na ipinanganak ang napakagandang sanggol na pagkalabas pa lang ay bumibirit na ng POWER OF LOVE! 'Yan kasi sikat ng time na yun eh!
Syempre, tuwang-tuwa ang magulang niya kasi ine-expect na nila na ang kanilang munting Prinsesa ay lalaking maganda, matalino, mabait, masipag, maganda ulit, mapag-mahal, mapag-bigay, may takot sa Diyos at last but not the least, maganda ulit!
Wag na kayong kumontra kasi maganda talaga ako! Mamaya bigay ko sa inyo INSTADRUM account ko! para makita nyo. Basta wag kayo mai-inlove, huh!
At ang magandang yon ay walang iba kundi, ako.
My name is YHANDREI ALYSA A. ALJAS, I'm 22 years old. I live at d'yan sa puso mo, working at MAKING YOU MINE, de joke, sa call center po.
'Yan kasi profile ko sa EPBI ! Naku, I se-search n'ya yan! Hihi.
Nakapagtapos naman ako ng college kaso two years course lang kasi nga life is unfair, kung sino pa yung mahal mo, iba ang minamahal. Ay anong konek? De totoo, Kasi nga financial problem. Kaya nagpaka-wais ako at nag-work ako sa call center kasi ang laki ng offer nila, kaya nabubuhay ko naman ang sarili ko nang maayos.
Parents ko?
Tyaka ko na iku-kwento, napaka-aga pa kasi para magdrama ako.
Nag-lalakad ako ngayon papasok sa building kung saan ako nagtatrabaho. Three years na akong nagpapa-uto sa kanila pero okay na din kasi malaki bigayan dito.
Naka-earphone ako habang nakikinig ng mga love songs nang may batang humarang sa daan ko.
"Hello ate kong maganda since birth!"
Nag-wave pa siya sakin."Ay! Ang sweet mo talaga bebe ko! Alam mo talaga kung pano ako pasayahin!" Tinanggal ko earphone ko at lumuhod sa harap nya.
"Ate, gutom na ako," Tapos lumungkot yung mukha nya, naawa naman ako. Kaya inabot ko sa kanya yung biskwit na dinaanan ko pa kagabi sa may kanto namin dahil naisip ko siya. Araw-araw siyang ganito eh.
"Oh ayan! Lagi ka namang gutom eh! But don't worry andito si ate para pakainin ka everyday," Di ko alam kung bakit pero parang naiiyak na ako. At unlike sa mga nakaraang araw, hindi nya ito kinain at ibinulsa na lang.
"Oh, bakit? Ayaw mo ba ng dala ko?"
"Ate, aalis na kasi ako," Nalungkot ako, mababawasan na kasi yung fans ng kagandahan ko. I mean, mababawasan na yung mga taong nakaka-appreciate sa existence ko.
"Sige lang, hindi malulungkot ang maganda mong ate, promise! Kailangan umalis ka na agad. Doon, maraming biscuit tapos may juice pa! Okay!" Hinimas ko ang pisngi nyang nababalutan ng dugo.
Opo. Multo po ang batang kausap ko. Yung biskwit na binigay ko ay galing sa burol doon sa kanto namin. Tropa ko na kasi yung may-ari ng punerarya. Nakakakita kasi ako ng multo, pero hindi ako kagaya ng iba na musmos pa lang ay nakakakita na. Yung akin kasi may nangyari kaya nagulat nalang ako na bigla ko na silang nakikita.
Of course, nung una takot na takot ako. Kasi nga kung anong itsura nila nung namatay ganun na talaga pag multo na sila. So kaya dapat pag mamamatay ka make sure na maganda ka parin para hindi naman mahirapan yung mga tulad kong makakakita sa inyo! Hahahaha
BINABASA MO ANG
My Ghost Lover || K.TH Ft SANA
Fanfiction( completed) "Gusto ko lang naman maka-kuha ng justice at maka-akyat sa langit pero nakilala kita kaya HANDA akong kalimutan kung bakit nananatili ako sa LUPA basta lang MAKASAMA kita " KT.H