END

159 8 59
                                    

*^▁^*

Malumanay na naupo sa mahabang upuan ang isang matangkad na lalake kalakip ang isang malaki't matamis na ngiti. Tinitigan niya ng may pagmamahal ang panauhin na dumating.

Huli man na ang lahat, at hindi na niya maibabalik ang mga buhay na nawala, maitama ang maling nagawa. At least, kahit sa pagsisisi at pagbabayad sa mga kasalanan niya ay kahit papapano ay mabawasan ang poot. Matutunan siyang mapatawad ng taong nagawan ng pagkakamali at mapatawad din niya ang kanyang sarili.

Mabilis na sinunggaban ng ginang na maganda nguni't halata sa mukha ang ilang gabing pag-aalala at kulang sa pahinga. Na tila, hindi siya dinadalaw ng antok sa bawat gabing nalamig.

"Anak, okay ka lang ba dito? Bakit mo ginawa iyon ? Sabi ko naman sa'yo ay ako na lang ang aako ng lahat. Matanda na ako, at isa pa. Hindi mo naman lahat iyon gagawin kung hindi para sa akin hindi ba ?"

Sabay niya sabay sa pagpisil ng kamay ng binata. May luha ding naglandas sa kanyang mga mata.

"Mom, please. Let me pay for my sins. Ayokong tumandang gabi-gabing binabangungot ng mga kasalanan ko. At, gusto ko ding, mapatawad ako ni Taehyung, kahit hindi ngayon. Maghihintay ako sa tamang panahon."

Hindi na nakapagsalita ang Ginang at patuloy na lang sa pagluha.

"Kumusta naman sila ? Si Yhaly ? "

Pinahid nung babae ang kanyang mga luha at tyaka ngumiti.

"Wag kang mag-alala, kung nasan man siya ay alam kong. . . Masaya siya."

*^▁^*

"Punyeta ka Yoongi! Pagkatapos mo akong utuin na nandyan si Fafa Jimin, yun pala uubusin mo lang yung pagkain!"

"Gago ka ba! Kasalanan ko bang uto-uto ka!"

Akmang sasakalin ng multong nakasuot ng bestida yung isang multong maputla nguni't mabilis itong nakaiwas kaya nasubsob siya sa semento. Lalo itong nagalit sa isa.

"Kingina mo talaga eh! Lagot ka sa'kin pagdating ni Yhaly!"

"Bakit ! Papakamp---"

Nakarinig sila ng kalampag sa pader. Napalingon sila ng sabay at nakita nila si Yhaly na hinahampas ng kawali yung pader.

"Pag di kayo tumigil, ihahampas ko ito sa inyo! Ingay-ingay nyo aba! Di naman kayo makakatulong para mabilis ako matapos magluto!"

Natahimik ang dalawa at sabay na inirapan ang isat't isa. Bumalik sa kusina ang dalaga.

Nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan. Yung panahong siya'y nakatulog sa kanyang katawan ay naging daan sa kanyang pagbabalik. Nagising siyang nakabalik na siya sa kanyang katawan. At ngayon ay hilom na ang kanyang sugat at today, ay ang anniversary nila ni Taehyung kaya abala siya sa pagluluto dahil napagdesisyonan nilang sa bahay niya mag dinner.

Masayang nagluluto sa kusina ang dalaga nang hindi niya namamalayang sinundan pala siya ni Yoongi. Niyakap siya nito mula sa likod na bahagyang ikinagulat niya.

"Kailangan ko ng umalis."

Sabi ng multong si Yoongi at awtomatikong napatigil sa paggalaw si Yhaly. Tinaggal niya sa pagkakayakap sa kanyang bewang si Yoongi at hinarap nix ito.

"Aalis ? Saan ka pupunta ?"

Kinakabahan man ang dalaga ay may ideya na siya sa mangyayari nguni't nais niyang makasigurado.

"Kailangan ko ng tumawid. Salamat sa lahat. Sa pagkain, sa tirahan, sa tawanan, lokohan, sa lahat ng masasayang ala-ala. Babaunin kong lahat iyon, Yhaly."

My Ghost Lover || K.TH Ft SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon