Chapter 5

19.1K 297 5
                                    

"Ako na ang bahala sa mga yan Nolan, ihatid mo nalang itong si Krayol sa hacienda."

Napahinto si Nolan sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin.

"Naku hindi na aling Libeth. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Tsaka.. nakakahiya naman sa kanya." napasulyap akong muli kay Nolan.

"Tatapusin ko lang ang mga ito." aniya at bahagya lang akong tinapunan ng tingin.

"Nakakahiya naman. Huwag na. Ayos lang ako. Nakapagtext na rin naman ako kay mang Igme na pasusundo na ako."

"Ihahatid na kita." wika niya at tumalikod na.

"Magpahatid kana senyorita. Hindi ka pwedeng maglakad kaya naman sasamahan kana ni Nolan para may umalalay sayo."

"Hindi na ho talaga." I peeked on his back while he's doing the dishes.

I really wanted, but it's too obvious. And I might run out of breath if he'll bring me home.

Ang totoo niyan ayokong magpahatid dahil naghihintay rin sila Lyra sa pag-uwi ko. At kapag nakita nilang "Epic failed" ang pagpunta ko dito kina Nolan, siguradong mang-aasar na naman ang mga iyon.

"Naku mapapagalitan ako ng mommy ninyo senyorita, dahil dyan sa pilay mo."

"Bakit naman ho kayo ang mapapagalitan? Ako naman ang may kasalanan."

"Kahit na senyorita Krayol. Dito sa bahay pa rin kayo nadisgrasya."

"Wala ho ito, simpleng sprain lang." pasimple akong napasulyap sa tahimik na si Nolan na mukhang nakikinig lang sa amin.

"Kahit na Krayol. Malalagot pa rin ako sa daddy at mommy mo."

"Huwag kayong mag-alala. Wala pa sina mommy at daddy sa bahay." mahina akong napatawa.

Nang matanaw ko na ang aming bahay agad akong nakaramdam ng panghihinayang. Hindi man lang kasi kami nagkaroon ng oras na magkausap ni Nolan.

"Salamat sa pagsundo sa akin mang Igme. Ako na ang bahala kina mommy at daddy."

"Ako na ang bubuhat sa kanya."

Tatanggi sana ako pero nakababa na si Nolan para makapunta sa gilid ko. Kaya ko namang maglakad, sa totoo lang hindi naman talaga masakit ang paa ko. Noong una sumakit pero ngayon, wala na.

Napakagat labi na lang ako nang buhatin na niya ako palabas ng sasakyan.

"Kaya ko namang maglakad." mahina kong sabi. Nakakailang sobra ang presensya niya.

"Lagyan mo ng mainit na bimpo para hindi na mamaga pa. O pagkatapos ng ilang araw."

"Salamat."

"Krayol!!" napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Quinna.

"Anong nangyari?"

"I got sprained ankle." rolling my eyes on them.

"Ohh, I see.."

Sandaling napahinto si Nolan dahil sinalubong kami ng isang kasambahay. At syempre ng aking mga kaibigan.

"Ibaba mo na ako."

"Ihatid mo na lang siya sa itaas. Sa kwarto niya."

Masama kong tinapunan ng tingin si Lyra. "Hindi. Dito na lang."

"Saan ang kwarto mo?"

Napatanga ako sa kanya at hindi kaagad nakasagot.

"Sa unang pinto sa itaas." si Shilin na ang sumagot para sa akin.

Pumihit si Nolan at naramdaman ko na naman ang aming paggalaw. Nasa hagdan na kami nang matauhan ako. At naririnig ko rin ang hagikhikan ng mga kaibigan ko, na kasunod lang namin.

His 18 Year Old Wife Mistress (Completed)Where stories live. Discover now