Chapter 06: Glimpse

85.6K 2.4K 1.3K
                                    

While you live, death is walking behind you. When you chase after death, death is walking in front of you. The only time death will turn your way to face you, is when it is coming to get you.

***

Kinabukasan, hirap akong gumising at bumangon. Mabigat ang katawan ko kahit wala naman akong lagnat. Nag-text ako kina Doktora na hindi ako makakapasok at pumikit uli.

Mag-a-alas nueve nang kumatok si Prof. sa pinto ko. Dinig ko ang pag-ulan sa labas.

"Are you awake?" Prof. asked from outside my door.

Balot na balot pa 'ko ng kumot. Namamaluktot.

Why is it that when the heart is heavy, the body follows through? I want to sleep a thousand years. I also have the perfect weather.

"Get up. You need to eat," he said.

"Hindi naman po ako nagugutom, Prof.," mabigat ang boses na sagot ko sa kanya.

Hindi agad siya nakakibo. Then he said, "Nagugutom ako."

Nangunot ang noo ko. Eh 'di kumain siya kung gutom siya. Bakit niya pa 'ko kakatukin? Alangan namang hinihintay niya 'kong magising bago siya mag-almusal?

Natigilan ako sa naisip ko. Napatitig sa saradong pinto.

Hindi nga? Hindi pa siya nag-aalmusal? Naghihintay siya sa'kin dahil sanay na siyang magkasabay kami?

"Hindi pa po kayo kumakain?" tanong ko at naupo sa kama.

"Hindi pa."

Now, I feel sorry.

"Sandali lang po. Mag-aayos lang ako," sabi ko at parang kuhol na kumilos.

Narinig ko ang yabag niya pababa.

***

Iniusog ni Prof. Henry sa harap ko ang bowl ng pumpkin soup.

"Eat," sabi niya.

Sandali lang akong sumulyap sa kanya bago kunin ang kutsara ko at humigop. Masyadong mainit ang soup. Inilabas ko ang dila kong napaso.

Kumunot ang noo ni Prof. at napatingin sa'kin. Binawi ko ang dila ko. Pinakiramdaman. Wala nang paso. Napunta na sa iba.

Sorry, dumb death god. Napaso kita.

"It's obviously hot. Hipan mo muna," sabi niya sa'kin. Kunot ang noo.

Hindi ako umimik. Umuusok pa ang bowl ng soup. Obvious ngang mainit. Pero hindi naman niya kailangang magsungit na naman sa'kin in six words! Humahaba lang siyang magsalita kapag manenermon, magbabawal, o magsusungit.

Hinalo-halo ko ang soup habang hinihipan. Nanood naman ako sa pagsubo ni Prof. Nakatikwas na naman 'yung ilang hibla ng buhok niya sa tainga at sa batok. I wonder kung okay lang sa University na pinagtuturuan niya 'yung buhok niya. Medyo makapal kasi 'yun.

"Why are you staring?" sita niya at tumingin nang diretso sa mga mata ko.

Tumungo ako sa soup. "Wala po."

Kubyertos na lang ang maririnig sa pagitan namin.

"Wala kang pasok ngayon?" tanong niya kapagdaka.

Now, that's new. Nagtatanong talaga siya sa'kin?

"Wala po. Mabigat ang pakiramdam ko," sagot ko.

"Are you sick?"

Umiling ako. "Mabigat lang po talaga ang katawan ko today. Pero wala naman po akong fever or anuman."

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Where stories live. Discover now