Chapter 09: Shift

29.5K 1.2K 652
                                    

An unbequethed celestial object weighs the flow and shift of power between the celestial being and the human-in-question.

***

Ubos na 'yung five minutes pero nakatanga pa rin ako sa kabinet ko. Bigla kasi akong na-conscious sa mga damit na mayro'n ako kahit na lagi naman akong nakikita ni Prof.

Kasi naman. Why were my clothes screaming of poverty? Halatadong luma at kupas ang lahat ng mga damit ko kahit na maaayos pa. Dadalawang blouses lang ang nabili ko last year; isa, no'ng nag-birthday party si Eunice at 'yung isa pa ay no'ng interview ko sa internship kay Doktora. 'Yung mga pants ko, hangga't maayos at kasya pa sa'kin, hindi ko binibilhan ng kapalit. I don't wear skirts nor dresses because it was easy for predators to lift it up.

Dahil wala naman akong choice, humugot na lang ako ng murang dilaw na soft blouse at dark grey na pants. Nag-sandals ako. I looked at myself in the mirror and felt...

What the eff. Mukha akong masunuring estudyante na magpapa-check ng thesis.

Tinanggal ko ang pagkaka-ponytail ng buhok ko at nagsuklay. Hanggang kalahating braso na ang haba ng buhok ko. Dati, hindi ko gusto ang mahabang buhok kasi madaling i-grab ng mga demonyo. Lately, I've been feeling okay to let it grow. I fixed it to a half-updo.

The updo added more years to my face. Mas baby face ako kapag naka-pony. If not for the size of my breast, everyone would mistake my age.

Lalabas na dapat ako ng kuwarto pero bumuwelta pa 'ko para magpahid ng lipgloss.

Pagbaba ko, nakakunot na ang noo ni Prof. Nginitian ko siya pero tumalikod lang siya sa'kin at umunang maglakad.

I hurried beside him but he halted.

"Ano 'yun, Prof.? May nakalimutan tayo?" tanong ko habang nasa tagiliran niya. I barely reached his shoulders.

"Nothing," sabi niya at humakbang nang malaki. Nang sobrang laki.

Humabol ako sa paglalakad niya nang makalabas na kami ng bahay. Pero gate pa lang, hinihingal na 'ko.

Bakit para siyang nagmamadali? Ayaw niya ba 'kong kasabay? Sabi niya, maglalakad kami sa labas ng bahay pero parang allergic na naman siya sa'kin.

Tha gate opened to a dewy morning. Manipis ang sikat ng araw na lumalagos sa maulap pang langit, pero dinig ang huni ng ilang ibon sa paligid. The tall trees lining up the streets were dripping with dew and raindrops. Kumikinang ang bawat bagay na may bakas ng ulan—ang mga dahon, halaman, at damo sa paligid; ang mga upuan at laruan sa park; ang mga bahay.

I was busy enjoying the morning and catching up to Prof.'s steps. Nang hindi ko na kaya ang hingal ko, kumapit ako sa braso niya.

"Wait lang, Prof. Ang bilis mo maglakad. Lalo akong nagugutom," sabi ko sa kanya.

Tinanggal niya ang kamay ko nang hindi man lang tumitingin sa'kin. But he did slow down.

The hell with my updo and lipgloss. Mukhang wala naman siyang balak na tumingin sa'kin. Parang may galit na naman siya samantalang ang gentle niya kanina lang. Mas gusto niya siguro talaga 'yung curvy na gaya ni Lua. Ang laki ng boobs n'on eh.

"Hey," sita niya sa'kin.

"Ano 'yun, Prof.?" tanong ko sa kanya at ngumiti.

Kumunot lang ang noo niya at umiling. "Wala."

Tss. Wala na naman. Wala. Nothing. Don't. Yes. No. Bilang na nga lang ang sinasabi niyang salita, kapos pa sa syllables.

Communication skill level: pang-baby.

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon