1 - Caballero

11.4K 156 5
                                    

AGAD lumipad pabukas ang mga mata ni Aesthen Blanco.

May malakas na puwersang pilit na humatak ng kaniyang sleep mask pahubad sa kaniyang mga mata. Kasabay nito ang pagbungad ng init ng araw sa kaniyang mukha.

Tila ba agad siyang sinunog sa impyerno.

Kasabay din ng pagdilat niya ng mga mata, sa paggising ng diwa, ay tila may kung anong invisible na kutsilyong napakatulis ang tumusok sa kaniyang ulo. Nahihilo siya at napakasakit ng tila binibiyak na niyang ulo.

Hangover.

Kailan ba siya lulubayan ng torture sa umaga?

"Stop it, Nix!" ngawa ng inaantok pang si Aesthen.

Ang gusto na lamang ng dalaga ay magpahinga sa sakit ng kaniyang ulo, sabay takip ng unan sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay tinutuklap na ng init ng araw ang kaniyang mga balat sa mukha.

"Ate naman 'e, wake up!" naubusan na ng pasensiya ang thirteen-year old niyang kapatid.

Si Nicole Artemis, ang nakababatang kapatid ni Aesthen. Agad ay niyugyog na niya ang dalaga upang gumising. Pero wala iyong epekto sa dalaga, dahilan para agad na hinila ni Nix palayo sa mukha ng kaniyang ate ang unan na nakatakip sa mukha nito at saka hinagis papunta sa kabilang dako ng kuwarto.

Tinabig ni Aesthen ang kamay ng kaniyang kapatid, at saka niya pinaulanan ang bata ng kaniyang famous death glare bago niya muling tinakpan ang kaniyang mukha ng isa pang unan na malapit sa kaniya, na agad niya rin'g inihagis palayo nang maamoy ang alak na umaalingasaw sa unang iyon.

Of course, naparami ang kaniyang inom kagabi kaya napaka lakas ng tama niya hanggang ngayon.

Napapikit na lamang ng madiin ang dalaga at tila ayaw nang isiping muli ang mga nangyari kagabi dahil para siyang lalagnatin isipin pa lang ang alak na nainom niya.

"Ate, wake up! May mama sa labas! Hinahanap ka!" sigaw naman ng kaniyang kapatid na matinis ang boses habang patuloy ang pagyugyog sa kaniya.

Naipaikot na lamang ng dalaga ang kaniyang mga mata sa inis sa kaniyang kapatid.

Aesthen groaned. She didn't want to be disturbed, especially when she's having a great sleep na tila kahit kailan ay hindi pa niya nakuha sa tanang buhay.

"Nix, please! Not now! Let me sleep!" naiiritang suway na ni Aesthen sa kapatid at saka ito tinalikuran upang makapagpahinga siya ng matiwasay.

Restless si Aesthen dahil magdamag na nagreflect sa pag-aaway nila ng bagong editor niya sa isang girl's magazine, na si Daiah Ariesana Bernardino. They were complete rivals since the beginning of the beginning. Aesthen can't actually tell when that started, since they're college block mates, the only thing she knew is that she despise the girl more than she despise her own mother.

Naiinis kasi siya sa ugali ni Daiah na sobrang inconsiderate at punong-puno ng yabang sa sarili. Palibhasa'y anak mayaman ito at sa isang manor lumaki, hindi lumaking pinagkakasiya ang limang daan sa isang araw.

Kagabi na talaga sumabog si Aesthen; hindi na niya napigilan ang sarili niya at nasabihan ito ng masasakit na salita. Dumagdag pa ang alak kagabi na nagpatindi ng pagkawala niya ng control sa kaniyang sarili. Idagdag pa na kaya sila nasa isang bar kagabi ay upang i-celebrate nila ang pagiging bagong Editor nitong si Daiah, at the same time ay farewell sa dati nilang editor na si Ching Soriano.

Dapat ay hindi na siya sasama dahil para na rin niyang sinaksak ang sarili niya kung sasama siya sa pagse-celebrate nito, pero napilitan siyang sumama nang mag-insist ang mga co-writers niya. Nakakahiya nang tumanggi dahil baka sabihin nilang bitter siya, although bitter naman siya dahil para sa kaniya ay sampal sa mukha iyon, pero siyempre hindi niya naman sasabihing bitter siya.

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon