26 - Embarrassed

3.3K 73 3
                                    

NAIMULAT ni Aesthen ang mga mata nang maramdamang may mabigat na nakadantay sa magkadikit niyang hita. Nagkusot muna siya ng mga mata bago sinilip kung anong mabigat iyon.

Binti pala ni Aries.

Napalingon agad siya kay Aries at nakitang tulog pa ito.

Ang amo ng mukha nito kapag tulog.

Tipid na napangiti na lamang siya bago hinawakan ang binti nito at saka hinawi.

Agad na tumunog ang pamilyar na ringtone ng kaniyang cellphone na nakacharge at nakapatong sa nightstand, kaya agad niyang napaikot ang tingin sa buong kwarto at saka nakita sa hindi kalayuang nightstand ang cellphone nga niya.

Agad niyang iniangat ang kalahati ng kaniyang katawan bago niya isinuporta ang kaliwang kamay sa kanang bahagi ni Aries at saka pinilit abutin ang cellphone niya.

Hindi sinasadyang nadanggit niya ang alaga nito nang iangat na niya ang kaniyang binti upang ipatong sa kabilang side ni Aries upang pangsuporta din sa kaniyang katawan.

Napapikit na lamang siya at mentally na nagsorry sa lalaki bago sinubukan ulit abutin ang cellphone.

“You’re sexually harrassing me, Ma’am. I asked where would you like to have me last night, and you answered on the kitchen. Now you’re harrassing me on my bedroom? That isn’t fair.”

Nanlaki kaagad ang mga mata ni Aesthen nang makita si Aries na wide awake at nakatingala sa kaniya. Hawak nito ang sariling cellphone at doon lamang narealize ni Aesthen kung ano ang nangyari, nang makita ni Aesthen kung sino ang tumawag sa kaniyang cellphone.

Napakunot na lamang ng noo si Aesthen bago tinuhod ang abdomen ng lalaki dahil sa inis.

“Aw!” ungol agad ni Aries, ngunit halatang peke lamang iyon. Kasunod noon ay ang biglaan niyang paghawak sa baywang ni Aesthen at agad na pagdala dito pababa sa kama.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na namalayan pa ni Aesthen na nakapatong na sa kaniya si Aries.

“Damn it, Aries! Nabitawan ko ang phone ko!" reklamo kaagad ng babae at pilit na kumakawala upang kuhain ang cellphone niyang naka-hang dahil nakasuot pa rin ang charger din, at hindi naman umabot sa flooring.

“No, woman. You’re sexually harrassing me. I should punish you.”

“I’m investigating something." ngisi ni Aesthen sa lalaki bago niya piningot ang tainga nito. “Kapag napatunayan kong sinadya mo ang nangyari, para magising ako. I swear to God!” nananakot na dagdag pa ng babae.

“You swear to God what?” pagtatanong pa ng lalaki.

“Ugh. Nevermind, damn it! Gusto ko pang matulog!” ngawa na lamang ng dalaga, dahil hindi ito nakakuha ng sapat na tulog kagabi at antok na antok pa talaga ang diwa nito ngayon.

“Okay, then, inspect my body now investigator.” napapangisi na lang din na tugon ng lalaki bago hinalikan ang baba ni Aesthen, “You want me naked? Para madali mo kong maimbistigahan?” dagdag pa nito na nagniningning ang mga mata.

Sinamaan na lamang siya ng tingin ng inaantok na babae. Wala itong ibang gusto ngayon kundi ang matulog lang.

Agad na gumulong si Aries paalis sa pagkakapatong kay Aesthen at saka ito nangalumbaba habang nakadapa sa tabi ng dalaga. Pinapanood ito sa pagpipindot ng kung ano-ano sa cellphone nang makuha na ang nakahang na cellphone.

“Damn it,” narinig niyang sambit nito bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Naglalagablab sa galit ang ekspesyon at mga mata nito.

“Aries!” gigil na gigil nitong sigaw sa lalaki at talagang naihagis na lamang sa kung saang parte ng kama ang cellphone niya. “You planned this, did you?! Pinatong mo yung bigat ng binti mo sa akin para magising ako! Not only that. You even called me multiple times para tumunog ang cellphone ko! Ugh!” nanggigigil na talagang sigaw nito bago sinabunutan ang buhok ni Aries sa galit.

The CEO's SchemeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon