✿ | 40

489 33 8
                                    

Gwapo ako: Xhineeee

Gwapo ako: Nagjogging ako kanina :D

Piggy ko: Oh?

Gwapo ako: Nagjogging ako pero hindi ako hiningal 😶

Piggy ko: Eh sanay ka sa karera, tinatanong pa ba iyan?

Gwapo ako: talaga? saan karera?

Gwapo ako: sa kama mo

Gwapo ako: o sa kama ko?

Piggy ko: qaqu

Piggy ko: triggered mo zi acoe

Gwapo ako: hahahahahahaha

Gwapo ako: Xhine.. sa susunod, magjogging tayo ha!

Piggy ko: yoko nga

Gwapo ako: bakit?

Piggy ko: nakakatamad

Gwapo ako: kaya ka nagkakabilbil eh. pig ka na kaya

Piggy ko: masarap kumain pero hindi ako mataba. ewan ko ba kung bulag ka eh.

Piggy ko: eh ang sexy sexy ko kaya

Gwapo ako: sexy lang, ang sexy sexy, stick na iyon

Gwapo ako: HAHAHAHAHAHA

Piggy ko: ewan ko sa'yo

Piggy ko: mag-out na nga ko, ma-late pa ko sa klase dahil sa'yo eh!

Gwapo ako: sabay na tayo pumunta sa school!

Piggy ko: 15 minutes na lang, hihintayin pa kita?!

Gwapo ako: sinabi ko bang hintayin mo ko? nandito na kaya ako sa tapat ng bahay mo

Piggy ko: ano?! kanina ka pa diyan?

Gwapo ako: siguro? bago kita ichat, nandito na ko ;)

Seen 6:45pm

  Kuno't noong naglakad si Xhine papunta sa kanyang bintana.

  Dumungaw ito at tama nga, nandoon na sa tapat ng bahay nila si Jozeph.

  Nakangising nakatingin sa may bintana si Jozeph na ngayo'y nakasuot na ng uniporme, nakataas ang buhok, at kumikinang ang sapatos habang nakasandal sa itim na kotse.

  Kumindat ito ng mapansin niyang salubong ang mga kilay ng kanyang piggy.

  "Stalker!!" sigaw ni Xhine na nagpatawa ng mahina kay Jozeph.

  Matapos isigaw ni Xhine iyon ay dali-dali ito bumaba at lumabas ng bahay.

  "Nagtatakbo oh. Excited, makita ako? Uyyy," mapang-asar na sabi ni Jozeph.

  "Bakit ka nandito?" bungad na tanong ni Xhine sa kanya.

  "Hala. Nakalimutan mo agad? Ang bilis mo naman makalimot, isang minuto lang naman ang lumipas," nakangising sabi ni Jozeph.

  "Ewan ko sa'yo. Dami mong satsat. Tara na nga," asik ni Xhine at lumapit sa itim na kotse na aakmang bubuksan ito nang biglang nagsalita si Jozeph.

  "Oh? Ano gagawin mo?" tanong ni Jozeph sa kanya.

  "Bubuksan ito, para maka-alis na tayo."

  "Tayo??" tanong ni Jozeph habang nakinang ang kanyang mata.

  "Tss."

  "Joke lang uy, 'to naman. Tiyaka hindi sa akin 'yan," seryosong sabi ni Jozeph na nagpanganga kay Xhine.

  "Gagu ba is you?"

  Napatawa ng mahina si Jozeph dahil sa reaction niya. Ang cute daw kasi maasar.

  "Tatakbo tayo, oy." asik ni Jozeph.

  "Tatakb-—hoy!" nakakabinging sigaw na naman muli ni Xhine nang biglang hinablot ni Jozeph ang bag niya at tumakbo... na hindi siya kasama.

  Maya-maya pa'y biglang bumalik muli si Jozeph at humarap sa kanya sabay peace sign. "Testing lang," aniya Jozeph habang natatawa ito at maya-maya pa'y hinawakan na nito ang kamay ni Xhine at sabay silang tumakbo.

  Sa hindi malamang dahilan sa nangyayari ngayon ay napapangiti na lang si Xhine.

  Naka-intertwined ang kanilang kamay. Hindi na nakapagreklamo si Xhine. At sa kabilang banda.. patagong kinikilig si Jozeph.

🌸🌸🌸

💭 wtf, ang korni ko talaga mag3rd pov, hindi ko talaga forte haha. pero sana ay maimagine at maramdaman niyo yung mga nakasulat hahaha <3

my destiny ❀ j.hsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon