❀ | 55

166 13 5
                                    

Jade: Ikaw ba yung girlfriend ng kapatid ko? 

Xhine: ha?

Xhine: wrong send ka po ata ate

Jade: Xhine,  right?

Xhine: kilala mo ko? 

Jade: Oo, ikaw nga.  Ikaw yung girlfriend ng kapatid ko

Xhine: Kapatid? 

Xhine: Si Jozeph.. 

Jade: Oo, alam mo sa tuwing binabanggit ka niya nakikita ko yung future niyong dalawa.

Xhine: ho?  at hindi ko po siya boyfriend..

Jade: MU?  palagi ka kasi niya kinekwento sa akin.  At dahil supportive ate ako,  naalala ko yung dati. 

Jade: Ganyan na ganyan kasi yung husband ko nung teenager pa lang kami.

Jade: Nagsimula kami sa pagiging stranger, hanggang sa pagiging stalker sa isa't isa tapos hindi namin namamalayan na napapalapit na ang aming mga puso. Na dumating sa punto na nagkakaawayan na akala mo magkasintahan na,  nagbabarahan at nagaasaran na walang bukas. 

Jade: Naalala ko non, yung husband ko may kasamang ibang babae sa araw pa ng birthday ko. Hindi ko alam na kapatid niya pala iyon na galing states,  hindi ko alam na lagi pala ako kinekwento niya nung nasa States pa ang ate niya.  Sa sobrang galit ko ay hindi ko siya kinausap ng isang buwang mahigit.  Pero dahil sa palaging panunuyo niya ay doon sa puntong iyon ay may nararamdaman na pala ako sa kanya at ayun doon ko napagtanto na supportive ng ate niya sa amin at alam niya kami ang magkakatuluyan sa huli at ito na kami ngayon ng husband ko.  7 years na kami :)

Xhine: bakit niyo po kinekwento sa akin yung buhay niyo? 

Jade: wala lang,  share ko lang. 

Xhine: ay...

Jade: ang mga pangyayari ay pwede maulit,  pwede mabago o pwedeng mapalitan.

Jade: pero ang pusong nakatadhana sa sa iisang tao ay hindi mababago at mapapalitan. 

Xhine: paano kapag nagbago

Jade: bakit, tinext ka ba ni kupido?

Xhine: tumawag lang

Jade: lol

Jade: you're funny

Jade: i like you

Xhine: thank you

Xhine: hehe

Xhine: i already like myself

Jade: like my brother too

Seen 3:15am

my destiny ❀ j.hsWhere stories live. Discover now