ARTCOMAG❤5: DEALING WITH THE TERROR TEACHER

1.1K 63 10
                                    

CHAPTER FIVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER FIVE


  
Trenth Kairo Faustine

Nakatapos na kaming kumain nang magpaalam si mama na uuwi na siya. Labag man sa kalooban ko na pauwiin siyang mag-isa pero wala naman akong magawa dahil kanina pa niya ako tinatanggihan. Kaya naman, kahit kanina pa nagngingitngit ang kalooban ko ay wala akong magawa kundi ang tahimik na lang na sundan siya.

"Ikaw Trenth, umayos ka, ah. Huwag mong sayangin ang nahuhuling taon mo sa school na ito," muling paalala nanaman nito sa akin.

Paulit-ulit na niyang sinasabi sa akin ang linyang iyan sa cafeteria pa lamang kami, hindi ko na nga mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko na itong narinig mula sa kanya.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong walang imik na nakasunod sa kanya. Nasa tapat na kami ng main gate ng Morgan Academy nang bigla siyang huminto sa paglalakad.

Dahil sa pagkagulat sa bigla niyang paghinto ay napatigil din ako sa paglalakad. Bahagya pa akong napapiksi nang lumingon siya paharap sa akin.

"Ano, bakit hindi mo ako sinasagot?" Nakapamaywang na siya sa harap ko at tila nagtitimpi lang ng inis sa akin.

Napahawak ako sa batok ko at pilit na ngumiti.

Ano ba ang gusto niyang isagot ko sa kanya? Minsan hindi ko rin maintindihan itong mama ko, eh. Kapag sumagot ako, sasabihin niyang nagagawa ko pang mangatwiran. Kapag naman hindi ako sumagot, bubulyawan pa rin ako.

Saan ba dapat ako lulugar?

"Eh, ma naman, wala naman kasi akong masabi, eh." Tuluyan na akong napakamot sa ulo ko nang maningkit na ng tuluyan ang mata niya sa sinagot ko. Naisip ko na lang na baguhin ang usapan, kasi siguradong mauuwi nanaman sa pangbubugbog ang pag-uusap namin na ito. Masyado pa namang gangster itong si mama.

"Ma, umuwi na lang din kaya ako? Sabay na ako sayo. Doon na lang tayo sa bahay mag-usap," turan ko. Sana lang talaga ay makalusot. Hindi ko talaga alam kung bakit parang ayaw ko na umuwi siyang mag-isa ngayon.

"Hoy, Kairo. Kung inaakala mong mauutakan mo ako ngayon, pwes nagkakamali ka. Bawas-bawasan mo 'yang katamaran mo sa pagpasok, ah."

Tsk. Sabi ko nga, hindi ako makakalusot, eh. Pero kasi...

"E 'di, huwag ka na lang muna umuwi, ma. Dalawang subject na lang naman ang lesson namin ngayon, eh. Hintayin mo na lang ako, tapos sabay na tayong umuwi," pagpupumilit ko.

Hindi talaga ako mapakali, eh.

"Anong, hintayin? Hindi! Papasok pa ako sa traba---"

Tsk!

"Huwag ka nang pumasok ngayon, 'ma. Wala na tayong halos oras na magkasama, eh. Ni hindi na nga tayo nakakapag-bonding. Tayong dalawa na nga lang ang magkasama sa buhay tapos..." Hindi ko nagawang maituloy ang sasabihin ko nang makita ang reaksyon niya sa sinabi ko.

ACADEMIA ROYALLE: The Chamber of Maid and Gentleman|☑ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon