Chapter 1:

35.7K 364 6
                                    

si Lloyd nasa multimedia...

--------

Lloyd's POV:

Pumailanlang sa ere ang melody ng sikat na singer na si Adelle.

Lumuluwag naman ang pakiramdam ko habang pinapakinggan ang awitin.

Maya maya ay narinig ko na ang boses ni Nichole na nagsasalita ay binati ang kanyang mga tagapakinig.

Napangiti ako.

Ang sarap pakinggan ng kanyang boses.

Malumanay at malambing magsalita na tila hinahalina ka na siya ay pakinggan.

Sigurado akong halos lahat ng pasahero ko sa eroplano, sakali mang nakikinig din sa stasyon ay nasasarapan sa boses ng paborito kong anouncer at broadcaster sa radyo.

Bago ko nga pala makalimutan, ako si Lloyd Ryouji Mercado. Isang commercial pilot sa sarili kong kompanya.

Mayaman ako at gwapo din naman. Kaya nga ako binansagang hottest bachelor in town and a cassanova.

Marami kasing umaaligid sa aking mga babae.

Lalo na siguro kapag nalaman nilang ako ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng ari-aria ni Don Marcelo Mercado na kilalang business tycoon sa larangan ng electronics, communication, brewery at refinery.

Pero walang nakakaalam ng tunay na pagkatao ko dahil gamit ko ang apelyedo ng aking mama mula pa ng bata pa ako.

Legitimate naman akong anak pero naghiwalay sina mama at papa matapos akong maipanganak kaya sa galit ni mama ay di niya ipinagamit ang apelyido ni papa.

Pero nagkaayos na kami bago pumanaw si mama. Di ko lang ginamit ang apelyido ni papa upang makaiwas sa magulong mundo ni papa.

Nagpundar ako ng sariling kompanya sa perang minana ko kay mama at ito nga ang airlines company kung saan isa ako sa mga piloto.

Back to present..

Napangiti ako habang pinapakinggan ang boses ni Nichole.

Para sa akin ay siya pa din ang may pinakamagandang boses kahit isama pa siya sa ibang sikat na anouncer sa ibang istasyon.

Araw-araw ko siyang pinapakinggan kahit pa nasa ere ako.

Lalo kasi akong nainspire kapag naririnig ko ang boses niya.

Napapatawa ako sa tuwing bibiruin si Nichole ng kanyang partner sa programa na maganda sana pero dalaga pa din at wala man lang nobyo.

Sa totoo lang ay natutuwa ako sa nalaman.

Tila ayokong may ibang lalaki sa buhay niya.

Bakit? Di ko din alam.

Siguro ay nagugustuhan ko na siya kahit di ko pa siya nakikita.

Pilit ko munang inalis si Nichole sa aming sistema at inatupag ang pagpapalipad ng eroplano.

Ayoko ng mainlove.

Ayokong muling magpakatanga sa pag-ibig na iyan.

Tama na ang minsang maloko ako at magpakahangal sa pag-ibig.

Sakali mang mainlove ako uli ay di ko na ibibigay ng buong buo ang aking loob.

Kaya ako naging cassanova.

At kaya din napapayag si papa na di ko muna gamitin ang kanyang apelyido.

Maraming press people ang humahabol.sa akin at dapat kong ingatan ang pangalan ni papa.

One Wild Night ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon