Chapter 7:

17.3K 258 3
                                    

"Saan ka galing? Alam mo ba kung ilang araw at oras na akong naghihintay pabalik-balik dito? Kung saan saan ka nagsusuot ng walang pasabi!" galit na singhal ni Ivan kay Chloe pagkababa pa lamang ng dalaga mula sa taksing kanyang sinakyan.

Di naman ito pinansin ni Chloe at binayaran ang taxi saka binujsan ang pintuan ng kanyang bahay.

"Hoy! Kinakausap kita!" singhal ni Ivan.

"Ano ba Ivan! Wala ka ng karapatang usisain ako kung saan ako nagpupunta.." inis na sagot ng dalaga.

"Anong wala. Boyfriend mo ko at magpapakasal na tayo.." giit ni Ivan.

Napailing naman si Chloe.

"It's over Ivan. Ayoko na... Kung wala ka ng sasabihin ay magpapahinga na ako." sabi ng dalaga at tinalikuran na si Ivan.

Nagtagis naman ang bagang nito at nagtitimpi sa galit.

"Babalik ako at mag-uusap pa tayo.." sabi nito at umalis na din.

Napasalampak naman ng upo si Chlpe sa sofa.

Masyadong magulo na ang relasyon nila ni Ivan.

Mas nadagdagan pa ang pag-alinlangan niya dahil kay Lloyd.

Kahit di man niya aminin sa sarili ay alan niyang mahal na niya ang binata.

Pagal ang katawan na pumasok siya sa kanyang silid para umidlip.

Mamaya nalang niya aasikasuhin ang article ng interview niya kay Lloyd.

***

Samantala, pasipol-sipol naman si Lloyd sa kanyang opisina.

Masaya siya at sa wakas ay nakilala na din niya ang babaing mamahalin niya at dadalhin sa harap ng altar.

"Oi si Sir happy..." panunukso ng kanyang sekretarya.

Nginitian naman ito ng binata.

"Very much, RoRa.. Sa wakas nakita ko na din siya.." tila hibang na sambit niya sa sarili.

Napailing na napangiti naman ang sekretarya.

Matagal na panahon na din siyang nagsilbi kay Lloyd at ngayon lang niya nakita na ganoon ito kasaya.

"Anyway, magpadala ka nga pala ng bulaklak sa address ni Ms. Rivas.. Ilagay mo sa card ito." bilin ng binata at inabot ang papel sa sekretarya.

Napangiti naman ito pagkabasa sa nakasulat.

Pumasok na sila ni Lloyd sa conference room at may board meeting na gaganapin.

Inspiradong-inspirado ang binata sa pakikipag meeting kaya napapangiti naman ang mga myembro ng board.

***

Hapon na ng magising si Chloe at agad niyang inasikaso ang article upang maisubmit na sa publication kinabukasan.

Abalang-abala siya sa pagtitipa ng keyboard ng kanyang computer ng marinig niya ang doorbell mula sa labas ng kanyang bahay.

Inayos muna niya ang sarili bago labas.

"Flower delivery po mam para kay Ms. Nichole Rivas.." nakangiting sabi ng delivery boy.

"Ako po yun.." sagot ng dalaga.

Agad inabot ng lalaki ang boquet ng long stemmed white roses.

"Kanino galing ito?" tanong ni Chloe.

"Pakibasa nalang po ng card.." sagot ng lalaki.

Tinanggap naman ito ni Chloe at pinirmahan ang papel.

Nagpaalam na ang lalaki sa kanya.

Isinara muli ng dalaga ang pintuan at inilapag ang bulaklak sa mesita.

Wala siyang balak tingnan ang card.

Marahil ay si Ivan lang ang nagpadala nito.

Muli siyang naupo sa harap ng computer at sinimulan uli ang report.

Pero kusang tumigil ang mga daliri sa pagtitipa ng may pumasok na ideya sa kanyang utak.

Kung si Ivan ang nagpadala, hindi white roses ang ibibigay nito kundi tulips.

Hindi kaya....?

Mabilis na tumayo ang dalaga at muling kinuha ang bulaklak.

Agad na tiningnan ang card na nakasingit rito.

*Chloe Nichole,

I just want you to know that i couldn't forget what we have shared at the island.

Im happy that i get the chance to know you..

Thank you..

I will see you soon..

Lloyd

Nailapat ni Chloe ang bulaklak sa dibdib at sinamyo ang bango nito.

Napangiti siya sa nabasa.

Lloyd...

Sana nga totoo ang mga sinasabi mo..

Inayos muna niya ang bulaklak sa vase at nilagyan ng tubig at gamot upang di agad malanta bago binalikan ang ginagawa.

Napapngiti pa siya habang ipinagpatuloy ang pagtitipa.

Mas pinag-igi pa niyang pagandahin ang article na ginawa.

Matapos ito ay nirepaso muna niya at nang naayon na sa gusto niya ay ipinadala niya ang kopya kay Lloyd through E-mail nito gaya ng napag-usapan nila.

Nagprint na rin siya upang maisubmit sa publication kinabukasan.

Halos hatinggabi na pala ng makatapos siya at di pa siya nakapaghapunan o tanghalian kaya kumukulo na ang kanyang sikmura.

Nagluto nalang siya ng instant noodles at yun ang kinain niya.

Wala na siyang oras para maghanda ng hapunan at pagod na pagod pa siya.

Matapos kumain ay muli siyang nagbalik sa silid at natulog ng may ngiti sa kanyang labi.

-------------

A/N: sorry guys for such a short update..

Next well be the epilogue.

Short story lang po kasi ang one wild night that supposed to be a one shot..

Thank you for reading.

Ill post tomorrow the epilogue.

Dont forget to vote and comment... -_^

Love:Malditang_nurz

One Wild Night ( Completed )Where stories live. Discover now