Chapter 6:

20.1K 285 7
                                    

Hindi agad nakatulog ang dalaga nang pumasok siya sa kanyang kwarto.

Kung ano-ano ang naiisip niya partikular na kay Lloyd.

Ni hindi man lang sumagi sa isipan niya ang kanya kasintahang si Ivan na iniwan niya sa Manila at may alitan sila.

Pakiramdam niya ay parang walang nangyari.

"Aissh! Di dapat ako magpadalus-dalos sa aking nararamdamang atraksyon, di ako ganoong klaseng babae." sita ni Chloe sa sarili.

Pinilit niyang pumikit hanggang sa tuluyan siyang nakatulog muli.

Subalit ilang minuto pa lang ang nakaraan ay bigla siyang napabangon dahil sa narinig na kalabog sa may sala.

Agad siyang bumalikwas.

Nagsindi siya ng ilaw pero wala palang kuryente.

Takot pa naman siya sa dilim.

Mukhang masama pa ang panahon sa labas dahil malakas pa din ang ihip ng hangin at buhos ng ulan.

Pati generator ay tinamaan kaya wala silang ilaw.

Nangangapa-ngapa siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang sala.

Madilim din sa buong kabahayan.

Sinita pa niya abg sarili kung bakit di man lang nagdala ng flashlight o celfon bago lumabas.

Hindi tuloy niya makita ang dindaanan.

Marahil ay mga natumbang gamit lang sa sala ang narinig niyang ingay.

Di na niya tinawag si Lloyd at naisipang bumalik nalang sa silid.

Pabalik na siya ng biglang kumulog at kumidlat.

Napasigaw siya sa gulat at tinakpan ang magkabilang tainga.

Patakbo niyang tinungo ang pintuan ng silid.

Dahil sa takot at pagkagulat ay di niya namalayang makakasalubong pala niya si Lloyd.

Nabangga niya ito at pareho silang na-out balance at natumba sa sahig.

Bumagsak siya sa ibabaw ni Lloyd.

"Anong nangyari?" tanong ni Lloyd sa dalaga.

Ang lakas ng kaba ng dalaga.

Hindi dahil sa kulog at kidlat kundi sa magkadikit na katawan nila ni Lloyd.

Halos gadangkal nalang din ang layo ng kanilang labi.

"M-may ingay kasi akong narinig kaya lumabas ako para tingnan." pabulong na sagot ng dalaga.

At dahil madilim pa din ay pareho silang nangagapa.

Pagtayo ni Chloe ay di sinasadyang napahawak siya sa dibdib ni Lloyd.

Parang kidlat na sumagitsit sa kanyang katawan ang kakaibang sensasyong dulot ng magkadikit nilang balat.

Di sinasadyang mapasinghap si Chloe.

Narinig naman ito ni Lloyd.

Dahil sa muling pagkidlat at gulat na napayakap si Chloe kay Lloyd.

Hindi na niya alintana kung ano ang iisipin ni Lloyd sa posisyon nilang iyon.

Ngunit iba na din pala ang nararamdaman ni Lloyd ng mga sandaling iyon.

Pilit nitong nilalabanan ang sensasyong bumabangon.

Napalunok siya ng ilang beses.

Hindi na nakayanan ng binata ang pagpipigil kaya itinaas niya ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ni Chloe.

One Wild Night ( Completed )Where stories live. Discover now