Chapter 14

73 3 4
                                    


The Blood
Written by : MJGuinto14

Chapter 14



Matapos ang klase ni Ana kay Vincent ay nagpaalam na ito sa nobyo niya. Simpleng sulyap ang kanilang ginawa.

Nang makita iyon ni Gin bigla itong lumapit kay Vincent.

" bye bye my love " mahinang bulong ni Gin kay Vincent.

Masamang tumingin ito kay Gin . Habang si Gin tuwang tuwa lumabas sa silid na iyon.

Nagmamadaling naglalakad si Mari upang madali niyang makita ang kaibigan niyang si Ana , dahil may nais itong dapat din niyang malaman.

Hindi naman nagkamali si Mari nakita niya agad ito.

" Ana !! " sigaw nito habang kumakaway sa kaibigan.

Kumaway din si Ana dito.

" bakit Mari ? " tanong agad ni Ana dito nang makalapit na ito sa kanya.

" wag kang magugulat sa sabihin ko ahh " aniya ni Mari sa kaibigan.

Napakunot ang noo ni Ana sa sinabi nito.

" ano naman yun ahh Mari? " tanong niya dito.

Bigla dating ni Gin sa pwesto nila. Tumingin lang ito sa dalawa.

" si Lily nakita ko siya kanina " sabi nito pero malungkot ang mukha nito.

" talaga? " nakangiting sabi ni Ana. Tumango si Mari dito.

" nasaan siya ? Anong room niya ? Tara puntahan natin ? " sunod sunod ang tanong nito . Labis ang tuwang ni Ana nang malaman nandito na ang kaibigan nila. Matapos ang limang taon nilang paghihiwalay.

" Ana kinausap ko siya pero... " hindi na natuloy pa ni Mari ang sasabihin dito baka hindi maniwala si Ana sa kanya. Tinignan niya ito.

" bakit busy ba ? " sagot ni Ana.

Umilling si Mari. Hinawakan nito ang mva kamay ni Ana.

" hindi niya ako nakilala Ana at hindi niya talaga ako nakikilala " malungkot niyang sabi dito .

Nalungkot si Gin sa narinig niya kay Mari.

Natawa si Ana.

" ikaw Mari ahh ang hilig niyong mang goodtime. Gawain niyo yan ni Lily eh " natatawang sabi ni Ana dito.

Pero malungkot pa din ang mga mata ni Mari.

" parang nag iba na siya Ana " aniya dito sa dalaga. Napatingin siya kay Gin at nahuli niyang nakatitig ito sa kanya.

Bigla napaiwas si Mari dito habang si Gin ay nagulat sa naging reaksyon nang dalaga sa kanya.

" naku hindi ako naniniwala hangga't hindi ko pa siya nakaka usap nang personal " ngumiti ito.

Hindi na sumagot si Mari dito.

Umalis na silang tatlo doon at patungo na sa susunod nilang subject. Na sabay naman sa pag akyat ni Lily sa hagdan at patungo ito sa silid ni Vincent.

Naka upo si Vincent sa silya nito nang dumating si Lily dito. Abala ito nagbabasa ng libro.

" hi sir goodmorning " sabi ni Lily dito nang dumaan ito sa harap ni Vincent.

" uhmm goodmorning " sagot ni Vincent dito pero nakayuko ang binata dito.

Ngumiti si Lily at nag hanap nang mauupuan na malapit sa binata.

The Blood ( Ongoing And Editing )Where stories live. Discover now