Chapter 18

42 2 0
                                    


  The Blood
Written by:
MJGuinto14

Chapter 18

Hindi na nakapaghintay ang dalaga bumangon ito kahit na hindi pa lubos magaling ang mga sugat nito sa katawan.

" teka Ana wag kang makulit mapapahamak ka " inis na sabi ni Gin dito. Natigil tuloy ang paggagaling nito sa dalaga.

Hindi iyon pinansin nang dalaga kaya dahan dahan ito bumangon. Inalalayan na lang siya ni Mateo.

" Ana makinig ka kay Gin " payo nito.

" hindi ako pwede magtagal kailangan ako ni Vincent " sabi nito. Bigla ito napaluhod , hindi kinaya ni Ana buhatin ang sarili nito.

Dahan dahan hiniga muli ni Gin ang dalaga at muli nilapad ang mga kamay nito sa katawan nito.

" lalo tayong tatagalan sa ginagawa mo , kaya makinig ka sakin " tumingin ito ng masama sa dalaga. Napapikit na lang si Ana dito.

Makalipas ang ilang minuto naghilom na ang mga sugat sa katawan ni Ana. Pero hindi pa siya ganun ka galing . Kakailanganin ni Gin ang kapangyarihan niya mamaya sakaling may hindi magandamg mangyari.

Naunang pumasok sina Mateo at Gin sa loob at nakikiramdam habang si Ana ay inaalalayan nina Bot at James.

Isa isa na silang pumasok sa loob.

" ang daming pinto , saan tayo dadaan ? " tanong ni Gin sa mga kasama nito sa loob.

Napatingin si Ana sa harapan niya. May isang pinto doon at nakikita niya si Vincent roon at tinatawag siya.

" doon ang daan " turo ni Ana sa mga kasama sa pinto na tinutukoy nito.

Dahan dahan lumapit si Gin dito.

Nang mabuksan na bumungad sa kanya ang isang hagdanan na patungo sa ikalaliman ng bahay na iyon.

" tara tama si Ana mukha nandito si Vincent , nararamdaman ko na aura niya " agad na sabi ni Gin at ito na din ang namuno mauna maglakad.

Gumawa ng isang liwanag si Mateo para makita nila ang madilim na daan.

Tahimik silang bumaba roon. Habang papalapit na sila palakas ng palakas ang bilis ng tibok ng puso ni Ana. Nakakaramdam na siya ng kaba para sa nobyo nito.

Ilang minuto pa ang lumipas bumungad sa kanila ang isang malaking kweba roon. Nilibot nila ng tingin ang buong lugar. Nagliliwanag ang buong lugar sa dami nang itim na kandila roon.

" Vincent " salita ni Ana nang makita nito ang hinahanap.

Masayang nakangiti si Lily sa kanila habang tila tuko na nakayakap kay Vincent dito.

" nandito na pala ang mga panauhin ko " nakangising sambit ni Lily sa mga ito.

Maya pa tila may binulong ito sa tenga ng binata. matapos yun dahan dahan na umangat ang kaliwang kamay niyo .

Sa isang iglap isang malakas na pagsabog na nagpayanig sa buong kweba.

Tinira ni Vincent ang kinatatayuan nila Ana , buti na lang mabilis ang mga ito naka iwas.

" mukhang magiging masaya ito " nakangiting sabi ni Lily sa mga ito.

Nagkahiwalay hiwalay sila kahit ganun pa man ay nasa mabuting kalagayan sila ngayon.

" anong ginawa mo kay Vincent Lily ? " malakas na sigaw ni Ana dito mula sa kinatatayuan nito.

" wala naman akong ginawa sa kanya ? " patay malisya nito sagot kay Ana.

" Lily !!! " galit na sigaw ni Ana dito. Pero hindi siya nito pinansin.

May isang malaking upuan na malapit sa kanila ni Vincent at naglakad patungo roon at na upo.

The Blood ( Ongoing And Editing )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora