Chapter 34

37 1 0
                                    

The Blood
Written by : MJGuinto14

Chapter 34

Nagising sa katotoohan si Lily kung ano talaga ang pakay niya bakit siya nandoon. Tinulak niya ang binata.

" Lily ? " halata sa mukha nito ang pagkakagulat sa ginawa sa kanya nito.

" pwede ba Lawrence wag mo kong hahalikan hindi naman tayo at lalong hindi kita boyfriend ! " pinipilit ni Lily na magalit ito sa binata ngunit hindi niya magawa. Nasasaktan siya pero kailangan niyang gawin iyon.

" Lily ... " tawag niya dito.

" kung iniisip mo yung nangyare sa atin kagabi ... " napatigil ito ng maalala niya kung paano binigay ni Lily ang sarili nito sa binata. " walang ibig sabihin yun sakin ! " sigaw nito.

" hindi totoo yan Lily naramdaman ko ... alam kong mahal mo rin ako " sabi nito sa dalaga. Kinuha ni Lawrence ang mga palad nito. Na agad naman binawi ni Lily rito.

" pwes mali ang iniisip mo sakin ... hindi kita kilala at lalong hindi mo ko kilala. Dito lang sa eskwelahan lang tayo magkakilala pero ang pagkatao ko hindi mo pa alam ! " tumaas na ang boses ni Lily rito.

" kilala kita Lily ... " bigla nasabi ni Lawrence dito.

Nabigla naman ang dalaga sa sinabi nito sa kanya pero ...

" tumigil ka Lawrence ... hindi mo ko kilala . Pinagsisihan ko napinagkatiwalaan ko sarili ko sayo ! " umiiyak nitong sabi sa lalaki.

" Lily ?! ... " nagulat itong sa sinabi nang dalaga.

" pwede ba Lawrence tigilan na natin ito ? Walang patutunguhan ito eh hindi kita kilala ! " deretsong sabi ni Lily dito pero hindi niya alam sa sarili kung tama bang sabihin niya iyon sa binata , ang alam lang ni Lily nasasaktan siya ngayon.

Tumakbo na pababa ang dalaga at naiwan si Lawrence na tulala roon.

Nasaktan ang binata , hindi niya akalain na ganto ang pakiramdam na masaktan.

" Lily ... " bangit ni Lawrence sa hangin.

Dumiretso sa C.R si Lily at nagkulong roon sa bakanteng cubicle. Doon nilabas ni Lily ang sakit na nararamdaman niya kanina habang pinipigilan nito nang kaharap pa niya ang binata.

Hindi alam ni Lily bakit siya nagkakaganun samantala kailan niya lang ito nakilala at naging kaibigan , pero iba ... iba na ang nararamdaman niya para dito.

" patawad Lawrence... natatakot ako ... " sambit niya sa pagitan nang kanyang pag iyak.

Doon binuhos ni Lily ang sakit nararamdaman niya ngayon.

Nagsisi si Lawrence ngayon dahil sa bigla bigla niyang pinakita sa dalaga ang nararamdaman niya rito. Iniisip nito na marahil nabigla ito sa ginawa niya sa dalaga kahapon.

" hindi kaya ... " nanlaki ang mata ni Lawrence nang maalala niya ang nangyare kahapon sa mapunong lugar kung saan pinatay niya ang mga taong may tangka gahasahin si Lily.

" nakita ba ako ? " sabi nito sa sarili.

Naisip isip ni Lawrence na hindi marahil kung nakita siya nito dapat tinanong na siya nang dalaga tungkol rito.

Agad niyang sinundan ang dalaga at nakita nito na pumasok ito sa C.R ng mga babae. Papasok na sana siya nang marinig nito ang lakas nang pag iyak nang dalaga.

" Lily ... " malungkot nitong sabi.

Paalis na sana siya nang marinig niya na...

" patawad Lawrence ... natatakot ako ... " narinig niyang sabi nito.

The Blood ( Ongoing And Editing )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora