Chapter 25

911 26 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nakatambay ang lahat sa garden.. Si kath at liz nagdidilig ng mga halaman, si zoe, sab at mikko naman nag uusap tungkol sa magaganap na kasal nung dalawa at yung tatlong lalaki naman na natitira ay naglalaro ng basketball.. Meron kasi silang mini court sa may garden nila mahihilig kasi sila maglaro ng basketball kaya nagpalagay sila..

"No! Sab! I think this would suit you better! Look oh! Plain but beautiful.."

Tumango tango naman si sab sa sabi ni zoe kasalukuyan kasi silang tumitingin ng gown para kay sab..

"Eh.. Zoe what if gawan mo nalang kaya ako ng damit? *u* Para unique.. Hihi.. Pleeaaasseeee??"

Napatawa nalang si mikko at zoe dahil sa inasta ni sab.. Nagpuppy eyes kasi ito at nagpout.

"Tumigil ka nga dyan sab. Haha.. Meron naman akong nagawa eh.. Wait lang kukunin ko."

Hindi pa man nakakasagot si sab ummalis na si zoe at nagpunta sa kwarto..

"Excited na ko boo. ^__^ Ano kaya magiging itsura ng anak natin? Gusto ko lalake ang magiging panganay kung sakali.. Ikaw ba ano gusto mo?"

Tanong ni sab kay mikko.. Sumandal siya sa balikat ni sab at pinalupot ang kaliwang kamay sa beywang nito at ung isa naman ay hawak hawak ang kamay nito..

"Kahit ano.. Basta galing sayo."

Hindi naman maitago ni sab ang kilig dahil sa sinabi ni mikko..

"Wow. Sweet. Hmp.. Bi oh! Gaya tayo sa kanila.."

SAB'S POV

"Wow. Sweet. Hmp.. Bi oh! Gaya tayo sa kanila.."

Napabitaw kame ni mikko sa pagkakaakap sa isa't isa at tumingin sa bagong dating.. -___- Psh.. Si kuya charles lang pala kasama si ate mich at si... *O* Kyaahhh.. Agad akong tumayo at lumapit kay miles tsaka binuhat.. Hihihi.. Ang cute cute talaga ng batang ito..

"Hoy! Sab! Wag mong ganyanin si miles! Kakakain lang niyan"

Agad ko rin naman tinigil ang paghagis kay miles sa ere.. Baka masukahan pa ko nito.. -_- Mahirap na ayokong maligo sa suka..

"Hmm. Kuya ano nga palang ginagawa mo dito?"

Tanong ni zoe na papalapit saakin na may hawak hawak na folder.. *O* Baka yun yung mga designs niya. Iniabot niya ito sakin kaya agad ko itong kinuha at tiningnan ang mga designs niya.. Unang design palang ang ganda na tatlo ang ginawa niya at.... T_____T Ang hirap pumili.. Huhuhu.. Lahat napakaganda..

"Huhu.. Zoe.. Pwede bang itong tatlong to piliin ko?? Magpapalit palit ako.. Ang hirap kasi pumili eh.."

Lumapit siya sakin at bigla akong binatukan.. T^T Meanie!

"Baliw ka talaga.. Isa lang dapat! Or pwede ring dalawa para makapag palit ka kapag reception na.. Pero yung pangalawa mong pipiliin gagawin ko nalang siyang cocktail dress para hindi ka mahirapan masiyado."

Yes! Ayos na rin yun. Hihi.. Pumili na ako ng dalawa pero sadyang nahirapan ako kaya nagpatulong ako kay kath at liz bawal daw ipakita kay mikko dahil surprise na daw yun. Ang dami ngang arte eh.. Hahaha

"KAAAAAAAAATTTTTTTTTTHHHHH!!!!!!!"

Napalingon kaming lahat sa bagong dating nanaman.. Seriously bakit ang daming dumadating ngayon?  Una sila kuya charles tas ngayon sila jean.. -___- Masiyado na kaming crowded dito sa garden.. Buti nalang at malaki ito.. Hahaha

"Problema niyo jean at mukha kayong hinabol ng sampung aso.."

Tanong ni kath habang papalapit ito at inabutan ng inumin.. Kung tatanungin niyo kung san niya yun nakuha mayroon kaming mini ref dito sa garden..

"Thanks."

"Welcome.. So now.. Bakit kayo nandito?"

Umupo sila sa may mga bato bato na nasa gilid.. Sinadya talaga naming magpalagay niyan para pag marami kami dito eh may mauupuan yung iba.. Katulad nalang ngayon..

"Kase.. Nakagawa na ng plano sila nathaniel at kyle.. Approval niyo nalang ang kailangan para kung may idadag dag kayo o may iibahin... Napag isipan naming mabuti yan at inisip namin ang magiging conclusion based on what kath has told us kaya medyo natagalan kami sa paggawa dahil nga inisip namin ito mabuti.."

Seryoso lang na nakatingin si kath sa papel na ibinigay sa kaniya ni jean tumatango tango pa ito habang hawak hawak ang baba..

"Pwede na to.. Dadag dagan nalang siguro natin ng konting pasabog.. Haha--- Hey.. Zoe.. Tinitingnan ko pa eh.."

Reklamo ni kath dahil bigla itong kinuha ni zoe at siya naman ang tumingin.. Makalipas ang ilang minuto ibinigay niya muli ito kay kath pagkatapos tumalikod ito at pumasok sa loob pero bago siya tuluyang makapasok may sinabi siya sa amin..

"Ibahin niyo yan kung ayaw niyo pang mamatay.."

Magtatanong pa sana kame kaso tuluyan na siyang nakapasok.. Kaya naiwan kami ditong nagtataka.. Bakit niya pinapaiba saamin? Eh.. Ano ba ang nalalaman mo zoe? Ugh! Eto nanaman siya pinapagulo ang mga isip namin.. Tuluyan na bang bumalik ang ala ala niya? Or not? Pero.. Kung bumalik na ang ala ala niya panigurado siya na mismo ang gagawa ng plano para matapos ang kalaban..

"Ang ewan talaga minsan ng girlfriend mo pre. -__- Katulad nalang ngayon may sinabi siya saatin at iniwan tayong gulong gulo.. Tsk.. Kausapin mo nga yon! Hindi ako mapakali dito eh!"

Tiningnan ni kevin si xander ng masama pero hindi naman ito pinansin ni xander dahil inakbayan niya llang ito at sinama papasok ng bahay..

"Haha.. Zoe's right kath.. You should change your plan.. I'm guessing she's gonna come back to the old zoe by this month.. I guess.."

Isa pa tong si kuya charles.. Ugh! Ang gulo nilang magkapatid! NAPAKAGULO! -_____- Pumasok nalang ako sa loob ng bahay at nakita ko doon sa salas si zoe na nanonood ng tv habang katabi si kevin at si xander naman ay nasa kabilang sofa.. Kaya nakisali nalang ako sa kanila.. Dun ako umupo sa tabi ni zoe.. Nagsipasok narin ang iba umupo sa tabi ko si liz tapos si kath dun sa tabi ni xander malamang tapos si carlo at mikko naman nasa tapat namin ni liz so it means sa lapag sila naupo pati narin si jean sa lapag narin umupo at sila kuya charles at ate mich.. Nag movie marathon lang kame.. Hindi ko alam kung nakakailang movie na kame pero tumigil muna kame para makapag dinner.. Tatayo na sana kaming lahat pero napatigil kame dahil sa sinabi ni zoe..

"Everything is going to change.."

Tiningnan namin siya ng nakakunot ang noo.. Ano ibig niyang sabihin? Everything is going to change? Tumingin ito saamin at ngumiti..

"Haha.. Wala yun wag niyo kong pansinin masiyado lang akong nadala sa pinanood natin kaya ayun lumawak ang imagination ko.."

Sabi niya sabay tayo at punta sa kusina.. At kame naiwan nanamang puzzled.. at gulong gulo.. Zoe.. Why you so magulo. =___=

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Waahhh.. Sorry kung lame siya.. (_ _") Sana magustuhan niyo.. And dont forget to

VOTE.COMMENT

GL Book 2: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon