five ; other side

694 48 27
                                    

"Jihoon-ah! San pa dito yung gagawin?"

"Yung may mga nakaipit na bookmark! Hanapin mo nalang!"

Kasalukuyang nasa sala nila Jihoon si Soonyoung. Tinutulungan nya kasing gumawa si Jihoon ng assignment nito. Or mas maganda sigurong sabihin na, sakanya pinapagawa ni Jihoon ang assignment nya. Si Jihoon naman ay nasa kusina at naghahanda ng kakainin nila. Atleast diba? Kesa naman nung mga nakaraan na nasa sala lang sya at nanonood ng kung ano habang nasa kwarto nya si Soonyoung at ginagawa ang assignment nya, kesa naman nung mga pagkakataon na pumupunta lang sya kila Soonyoung para iwan ang assignments nya dahil gagawa daw sila ng project kasama sila Seungkwan. Atleast ngayon may silbi sya kahit papaano.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin sya sa ginagawa nya, pinuntahan nya si Soonyoung sa sala. "Mamaya na yan babe, kain na muna tayo" Malambing na sabi ni Jihoon habang nakayakap mula sa likod ni Soonyoung na kasalukuyang nakaupo parin sa sofa.

"Okay lang.. patapos na rin naman 'to" Nakangiting sagot ni Soonyoung sakanya.

Tumango naman ang nakababata atsaka lumipat para tabihan si Soonyoung sa sofa.

"Activity ano na yan?"

"Panghuli na"

Isinandal ni Jihoon ang ulo nya sa balikat ni Soonyoung habang nakalulupot ang mga braso nya sa braso ni Soonyoung. Naglalambing.

"Soonyoungie.. thankyou ha"

"Para saan?"

"Hmm.. sa pagtulong sakin na gumawa ng activities ko?"

lol jihoon.

"Anything for you Jihoonie" Sabi ni Soonyoung sabay halik sa noo ng kasintahan.

Gagawin lahat ni Soonyoung para kay Jihoon, para mapasaya si Jihoon. At ang kabayaran sa lahat? Okay na sakanya yung presensya ni Jihoon. Okay na yung mananatili si Jihoon sa relasyon nila. Basta wag lang syang iwan ni Jihoon. Tho hindi nya naman masyadong iniisip yon kasi naniniwala sya na mahal rin sya ni Jihoon, at kung mahal mo ang isang tao, hindi mo 'to iiwan ng walang malalim na dahilan. Kaya naman hindi sya gumagawa ng mga bagay na maaaring maging toxic sa relasyon nila.

Pitiful

"Nga pala, may gagawin ka ba bukas?"

"..hmm.. bakit?"

"Gusto ko sanang lumabas ng tayo lang. You know, date. Naisip ko lang, antagal na kasi simula nung nakapasyal tayo"

"..pag-iisipan ko" Seryosong usal ni Soonyoung. Pero syempre nagbibiro lang sya. Hinding-hindi nya kayang tanggihan si Jihoon sa ganitong bagay kahit pa may experiment (film) silang gagawin bukas para sa chemistry nila. Kahit pa kailangan nyang magreview para sa incoming test nila sa isang major subject na meron sya. Grades lang yun, si Jihoon ay si Jihoon. Pero syempre, mahalaga parin ang studies nya. Top student sya at hindi nya hinahayaang mawala sakanya yung titulong 'yon. Kung kailangang hindi matulog, edi hindi.

Hindi naman makapaniwala si Jihoon sa isinagot ni Soonyoung. First time kasi. Mas hinigpitan nya pa ang pagkakayakap nya sa braso ni Soonyoung at mas siniksik nya pa ang mukha nya sa leeg nito.

"Please.. i miss you"

Sa hindi malamang dahilan, nagsasabi sya ng totoo. Oo, namimiss nya talaga si Soonyoung. Kasi.. ewan. Feel nya lang.

"Okay. Lalabas tayo bukas"

Hindi nanaman mawala ang mga ngiti ni Soonyoung mula sa kanyang mga labi. Ang lambing kasi ni Jihoon sakanya. Lahat ng tampo nya these past days, nawala. Mas lalo kasing naging cold at masungit si Jihoon, days after nyang magkasakit. Pero ngayon? Parang wala nanamang nangyari. Sa isang iglap, nakalimutan at nabura nanaman ang lahat. Minsan hindi nya na rin maintindihan si Jihoon dahil sa pabago-bagong pakikitungo nito sakanya, pero kahit kelan, hindi nya ito kwinestyon o pinagdudahan. Siguro nga ganon lang talaga ang ugali ni Jihoon. At tanggap nya yun.

"Great. Pero Soonyoungie.. mamaya na yan.. nagugutom na 'ko"

"5 minutes?"

"Okay. 5 minutes lang. Ayokong malipasan ka eh"

lol jihoon pt 2. ikaw yung gutom.

--

"Here. Tikman mo" Sabi ni Jihoon habang naglalagay ng mga pagkaing niluto nya sa plato ni Soonyoung.

"Ikaw talaga nagluto nito?"

"Naman." Proud na sagot nya. "How was it?"

"Hmm.. okay lang" Sagot ni Soonyoung. Hindi naman kasi masarap magluto si Jihoon. Pero nasanay na rin sya. Kahit anong itsura at lasa pa basta luto ni Jihoon, go lang.

Nang tikman ni Jihoon ang ginawa nya, halos maduwal na sya mailuwa lang ang pagkain na isinubo nya.

Pa'no nya kinakayang kainin 'to? Ts.

"Order nalang—"

"Ngayon pa? Mauubos ko na oh?" Nakangiting aabi ni Soonyoung habang hawak ang kamay ni Jihoon. Pinigilan nya kasi ito sa paglipigpit ng mga plato.

"Maupo ka na. Ako na yung magluluto" Sabi ni Soonyoung. "Nawalan na 'ko ng gana.." Nakangusong sagot ni Jihoon.

"Haha. Bakit? Masarap naman 'tong niluto mo ah? Tho mas masarap yung lips mo.." Biro ni Soonyoung sabay kindat.

Napangisi naman sya nang makitang namumula si Jihoon.

"Jihoon kumain ka na. Medyo okay naman 'tong sausage na sinunog mo"

"..ugh! Ayoko—"

"Come here. Tikman mo. Okay naman talaga.. medyo mapait lang. Pero mas okay na yon kesa hindi ka kakain. Hindi healthy yung take outs"

Tumuhog naman si Soonyoung ng sausage para isubo kay Jihoon. Taena bakit natatawa ako lololol

"Tikman mo" Sabi ni Soonyoung.

Lumapit naman si Jihoon para kainin ito. Ngunit, bago pa masubo ni Jihoon, hinatak na ni Soonyoung yung bewang nya at hinalikan sya.

Sa kabila ng pagkagulat, humalik parin si Jihoon pabalik.

Dahan-dahan nyang ipinikit ang mga mata nya at mas lumapit pa lalo para maalis ang distansya sa pagitan nila.

Humigpit pa ang pagkakayakap ni Soonyoung sa bewang nya. Hanggang sa umupo na si Jihoon sa lap ni Soonyoung para hindi sila mahirapan. Walang malisya. Never silang nakaramdam ng anything na sensual sa isa't-isa. Wala pa yun sa isip nila. Kayo lang naman talaga readers eh ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Humiwalay sila sa halik at yumakap sa isa't habang naghahabol ng hininga.

BOOK OF LIES √ soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon