fourteen ; stalk?

612 44 55
                                    

"Feeling ko tuloy mga ninja tayo"

"Hihihi. James Bong lang ang peg"

"Tungaw. James Bang yun"

"Ah.. sorry naman.."

"Pag di kayo nanahimik, gigilitan ko kayo ng leeg" Pagbabanta ni Jihoon, dahilan para manahimik yung dalawa. At kelan pa naging ninja si James Bond?

"Hyung nangangati na 'ko"

"Pakamot ko kay Hao"

"Pakyu. Kadiri"

"Mas kadiri ka naman!"

"Pag hindi kayo tumigil-"

"Omg hyung.. sila na ni Chan?"

"Ang bilis naman?!!"

Kasalukuyang nasa likod ng puno sa park ang tatlong itlog. Bale anim na itlog at tatlong hotdog. Dejoke. Sina Ji, Hao at Kwan. Hindi naman talaga nila intensyon na mang-stalk, e kaso nakita ni Kwan si Soonyoung na mag-isa sa park. Para bang may hinihintay? Edi ayun, sinundan at naghintay sila. At ang ending, ilang minuto lang dumating si Chan.

Medyo malayo naman sila sa dalawa kaya hindi nila masyadong naririnig yung pinag-uusapan nung dalawa. Siguro masaya kasi nagtatawanan eh.

"Bagay sila" Sabi ni Minghao. Napatahimik sya nang mahagip nya ang nakasimangot na si Jihoon. Halos magdugtong na ang kilay nito dahil sa sobrang kunot ng noo. Nakakuyom rin ang mga kamay nya na para bang manununtok na ano mang oras.

"G-guys kain na pala muna tayo. Hehehe. Nagugutom ako.. treat ko guys.." Sabi ni Hao.

"Sa mini stop tayo! Kahit anong kainin nyo.." Dagdag nya pa. Hindi nya matignan ng diretso si Jihoon, pero kasi hindi nya naman sinasadya.

"Tara na" Cold na sabi ni Jihoon sabay tumayo at naglakad papalayo.

"Ikaw kasi!" Inambahan ni Seungkwan si Minghao.

"Hindi ko sinasadya!"

"Alam mong nagddrama si hyung.. tsk."

"Hindi nga sinasadya eh!"

Tumayo na rin sila at sinundan ang kaibigan.

Nang makasunod sila, napahinto si Jihoon. "Bakit antagal nyo?"

"E-eh kasi hyung-"

"Gutom na 'ko punyeta. Tara na. Ililibre mo pa kami sa mini stop" Sabi ni Jihoon bago sila talikuran.

"Hyung joke lang-"

"Mini stop? Hehehehe. Ayan yung sabi ni Mickey Mouse habang kinikiliti sya ni Minnie Mouse!"

"Ingat pauwi. Si Jihoon hyung lang ililibre ko"

Meanwhile, si Soonyoung at Chan naman ay nakaupo sa bench habang nag-uusap.

"Hyung.. feeling ko may nakatingin satin"

"Ramdam mo rin pala"

"Haha."

"Actually nandun sila sa likod ng puno kanina" Nakangising saad ni Soonyoung. Nakita nya kasi sila Jihoon beh. Pero ayun nga. He doesn't give a fck anymoment, lol, kaya hindi nya na ito pinansin.

"Nagugutom ka ba?"

"Hyung kadadating ko lang eh"

"Kain tayo. Hindi pa 'ko kumakain" Nakangiting sabi ni Soonyoung.

"San tayo?"

"May nakikita akong mini stop dun.." Turo ni Soonyoung sa malayo.

"Dun nalang tayo?"

"Tara"

BOOK OF LIES √ soonhoon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon