Chapter One

10.1K 133 22
                                    


Everything was in place. "Sun block, check! Swimwear, check! Clothes, check!" kumpleto na ang lahat ng dadalhin niya. She glanced at the wall clock, it was almost ten 'o clock in the evening. Kailangan na niyang maligo at mag-ayos ng sarili. Baka mahuli pa siya sa bus kung hindi pa siya magmamadali.


Ito ang unang pagkakataon na magta-travel siyang mag-isa, as in solo backpacking lang. Excitement, iyon ang nararamdaman niya. Halos isang linggo siyang hindi nakatulog ng maayos dahil lang sa lakad na ito. And this was a dream come true!


"Baler, here I come!" Sigaw niya habang nag-eenjoy sa malamig na tubig na dumadaloy sa kanyang katawan habang naliligo.


From her excitement, a voice occurred. "Leigh," isang boses, bumubulong sa kanyang teinga. Tumigil siya sa ginagawa, ano iyon? Multo? Imposible! Matagal na siyang nakatira dito, ngayon lang nangyari ito. She shook up her head, ginigising ang sarili. Baka sobrang excited niya kaya nagha-hallucinate na siya. Malamang iyon nga. Ipinagpatuloy na lang niyang maligo.


Isang oras, natapos na din siya sa lahat, pag-aayos ng sarili, nang kanyang mga dadalhin at kung anu-ano pa. Masaya siyang lumabas ng bahay at naghintay ng masasakyan. Everything went well, nakasakay na siya kaagad. Wala ding naging hassle sa daan. Sakto lang ang dating niya sa terminal ng bus sa Cubao. Nakasakay siya kaagad at sa ilang minutong lumipas, umalis na din sila.


Wow! Hindi pala masyadong mahirap mag-isa.


Napagtanto niyang ayos palang mag-solo backpacking. Hawak niya ang sariling oras at walang hassle na mangyayari hindi tulad kapag may kasama.


"This is life!" isinandal niyang mabuti ang mga paa, komportable siya sa pagkakaupo dahil sa reclining seat. Mabuti na lang talaga special bus ang kanyang napiling sakyan. Imbis na anim na oras ang bubunuin niyang byahe, magiging apat lamang.


Sa sobrang komportable sa kanilang byahe, hindi niya namalayang isang oras na pala silang umaandar. Halos lahat nang pasahero ay pawang mga tulog na, pwera lang sa kanya. Tinatablan na din siya ng antok, nilalabanan niya lang dahil sa gusto niyang makita ang kanilang dadaanan kahit madilim. Sa pagitan ng pakikipaglaban niya, ang boses na nadinig kanina n'ong naliligo siya ay nagparamdam na naman.


"Leigh," iyon na naman. Mas naging klaro ito ngayon na waring nandidito lang sa kanyang tabi ang nagsalita.


What the hell's going on?!


Nasisiraan na ba siya ng ulo? Sobra naman na ang hallucination niya. Tumindig ang kanyang mga balahibo, hindi alam kung ano ang gagawin. Tumayo siya, humanap ng puwedeng malilipatan ngunit wala na siyang makitang bakante. There was something that caught her attention, she didn't hear any sound. Weird, naturally may maghihilik sa mga ito, kahit kaunting kilos wala. Parang sa kanyang nakikita, parang patay ang mga kapwa pasahero.


Dead? Grabe na talaga ang kanyang imahinasyon, kanina multo, ngayon naman mga patay. Hindi naman Halloween season para mag-isip siya ng ganito. Kung hindi pa siya titigil sa kakaisip ng mga nakakatakot na bagay, masisira lang ang lakad niya.

The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon