Chapter Nine

3.5K 71 16
                                    

Iminulat niya ang mga mata, nasaan siya? Bago lang sa kanya ang kwartong ito. She immediately sat eventhough it was difficult. Ramdam niya ang sakit ng kanyang mga kalamnan. Ano ang mga nangyari? Wala siyang maalala. Blangko lang ang lahat.

Jaime? Shit! Nasaan si Jaime?

Hinanap niya ang binata. Damn! Ano na bang nangyari? Paano kung nasaktan na ito ng mga kalaban? Nasaan na din si Adrianne? Fuck! Matindi ang sakit ng kanyang ulo, daig pa ang pinupukpok ng martilyo. Malapit sa salamin, she saw the half-vampire. Nakahiga ito.

"Jaime!" She went to his side. Wala itong malay. What happened? Bakit ganito ito? Takot ang namuo sa kanyang puso. "Gumising ka, Jaime. Please, open your eyes."

Niyuyugyog na nga niya ito ngunit pikit pa din ang mga mata. Hindi niya alam kung tatalab ang kanyang gagawin pero sinubukan pa din niya, mouth to mouth resuscitation. First try, wala siyang nakuhang response. Sinundan pa niya ng CPR, but nothing happened.

Please wake up, Jaime. I don't want you to die. I'm not ready, I will not be ready!

Hindi pa din siya nawawalan ng pag-asa. Patuloy pa din siya kahit nahihirapan na. Nahihirapan na nga siyang huminga para sa sarili. Unti-unti, iminulat nito ang mga mata. Goodness gracious, he is alive! Thank God!

"Jaime! Salamat sa Diyos, buhay ka!" Hindi pa din tinatanggal ni Leigh ang pagkakahawak sa kalahating-bampira.

Tuluyan na niyang nakita ang mga mata nito. She saw the different pupils that captured her heart. Imbis na matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya, blangkong ekspresyon ang ibinungad nito. Bigla na lamang siyang hinawakan sa leeg na halos hindi na siya makahinga. What was happening? Bakit nagkakaganito ito?

"H-hindi a-ako makahinga. Jaime, s-stop!"

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa 'kin?"

"J-Jaime!"

He wasn't releasing her. The man that she loved, hindi na iyon ang nakikita niya ngayon. Bakit nangyayari ito? Anong sumanib sa lalaki? May masamang salamangka bang gumana dito? Hanggang dito na lang ba ang buhay niya, nakatadhanang mamatay sa lalaking pinakamamahal? Si Jaime ang huling makikita niya sa pagbagsak ng kanyang mga mata.

Hindi na niya kaya, nawawalan na siya ng pag-asa. Kaunti na lamang ay mawawala na ang kanyang consciousness. Nothing could stop this from happening. This was the end of her life, the end of Leigh.

Malakas na pagsabog, nakakasinag na liwanag ang tumama sa likod ng kalahating bampira. Nabitawan siya tuloy nito. What happened? Who saved her? Bumungad sa kanya si Adrianne.

"You," iyon lang ang lumabas sa bibig niya. She was within the magician's arms. "Why-"

"Wala ng oras para magpaliwanag. Kapag nanatili tayo dito, hindi ko kakayanin na labanan si Jaime. Lalo na ngayong ganyan siya, mas matindi pa 'to sa sumpa ni Ophelia."

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan. Magpaliwanag ka!"

"Nakikinig ka ba sa 'kin? Ang sabi ko-"

The sorcerer couldn't continue his words, bigla kasing sumugod ang kalahating-bampira. Nakagawa kaagad si Adrianne ng force field, hindi sila nasaktan. The soft and gentle Jaime she knew, wala na dito. Paano nangyari iyon? Ang nakikita na lamang niya sa mukha nito ay karahasan, isang bampirang uhaw sa dugo't laman.

Her eyes started to release drops of tears. Hindi niya kayang makitang ganito si Jaime. Gusto niyang makatulong ngunit paano niya magagawa iyon? Hindi niya alam kung papaano. Isa lamang siyang mahinang tao na laging inililigtas ng dalawang binata.

The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon