Chapter Seven

4K 66 15
                                    

Naalimpungatan si Jaime, ilaw ng buwan ang sumisinag sa kanya. Sa di-kalayuan, isang maitim na pigura ang kanyang nakita. His eyes were blurry, kagigising niya lang kasi. Kinuskos niya, naging malinaw. Si Leigh ba ang kanyang nakikita? Dapat sa mga oras na ito ay tulog na ito.

"Leigh," he called her. Lumingon ito sa kanya, ngumiti. May kakaiba sa babae, hindi nga lang niya masabi kung ano. "Bakit gising ka pa?"

Wala itong sinabi, ibinalik nito ang tingin saliwa sa kanya. Pagkatapos, umalis ito. Saan ito pupunta? Hindi ito pwedeng basta-basta na lang umalis, baka nasa paligid lang ang mga kalaban. Alam naman nitong delikado ang mundong ito lalo na sa gabi. Kailangan niya itong sundan, dapat niya itong pagsabihan na hindi dapat aalis ng walang kasama, na hindi siya kasama.

Sinusundan niya lang ito, nasa likod lang siya. Hinahayaan niyang mauna ang babae sa kung saan ang nais puntahan. Habang naglalakad, pakiramdam niya may mali sa mga nangyayari. Ano kaya? Kung ano man ang nararamdaman niya, hindi niya masyadong binigyan ng pansin. Medyo malayu-layo na sila sa bahay ni Adrianne. Sa isang iglap, nakita na lang niya na pumunta ito sa entrada ng gubat.

"Stop!" sigaw ni jaime ngunit dere-deretso pa din ito.

The color of his eyes change, his energy also change. Hindi niya mabasa ang iniisip nito, mali ang nagaganap sa pagkakataong ito. Bumilis ang kanyang mga galaw, kasing bilis ng kidlat. Nakapasok na siya sa gubat ngunit hindi niya ito nakita. Nasaan na ito?! Kinakabahan siya, may mali sa mga nangyayari.

"Jaime," sa likuran niya nanggagaling ang boses. She stood behind his back.

Nakahinga na din siya sa wakas, kahit papaano nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib. "Huwag kang basta-basta aalis, Leigh. Alam mo naman na maaaring nasa paligid lang ang mga kalaban natin. I can't afford to lose you."

She just smiled at him, sexily. "Puwede mo ba kong halikan, Jaime?"

This was unusual. Totoo ba ang nadinig niya? She asked him to kiss her? His temperature was rising, his blood rushed. He could feel a need in his groin. This was not just a usual blood lust, hindi lang iyon ang kanyang kailangan. Parang may mali talaga sa mga nangyayari ngayon.

Sa kabila ng mga naiisip niya, hindi na niya namalayan na dahan-dahang lumalapit ang dalaga sa kanya. Yumakap ito, naramdaman niya ang kalambutan nito. Iba, iba talaga ang nararamdaman niya. Bakit hindi niya nararamdaman ang kabahan ng matindi ngayon? Why he couldn't perceive her sweet scent? There was something wrong!

Pinilit niyang tanggalin ang mga braso nito ngunit hindi niya magawa, masyado itong malakas. Her physical attributes change. Anong nangyayari?! Hindi ito si Leigh!

"Ako ang dapat isipin mo!" Inangat nito ang ulo. "Si Leigh pa din ang nasa isipan mo!"

His eyes widened. Hindi! Paano nangyari ito?! Si Ophelia, buhay?! Napatingin siya sa leeg nito, sinasabi na nga ba niya. Iyon lang ang posibleng dahilan kung bakit nabuhay itong muli, bampira na ito!

"Siya din ang naiisip mo kahit ako ang nandidito! Bakit ba hindi mo ko mapansin, Jaime?! Kahit anong gawin ko, hindi mo 'ko magawang mahalin!"

"Ophelia, huwag kang magpapadala sa kanila. Huwag kang magpapadala sa mga bampirang iyon."

"Tumigil ka! Sila ang bumuhay sa akin. At ngayong parehas na tayo, magiging akin ka na sa ayaw mo't sa gusto!"

Kumanta ito, isang magandang tinig ang kanyang nadidinig. Sumasaklaw sa buong sistema niya ang boses nito. Iba't iba ang kanyang nararamdaman. Unti-unting nararamdaman niyang inaantok na siya, anong nangyayari?! Nawawala ang kanyang lakas. Kahit anong pagpupumiglas niya, walang nangyayari. Hindi maaari ito! Hindi maaaring mahulog siya sa bitag ng babae! Kailangan niyang makagawa ng paraan.

The Virgin's BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon