Chapter 1

4K 43 1
                                    

John Pearce once said, home is a place you grow up wanting to leave, and grow old wanting to get back to. But that isn’t always the case. Not for Julie’s case.

“Julie!!!!” Nagmamadaling tumakbo papalapit  kay Julie ang isang pamilyar na lalaki. Hindi niya alam kung saan niya ito nakita pero tila ba’y matagal na niya itong kakilala. Nang magkaharap na sila ng lalaking iyon ay kaagad siya nitong niyakap ng ubod ng higpit. “Welcome back girl!” 

Kaagad namang humiwalay si Julie sa pagkakayakap sa kanya lalaking-hindi-niyamaintindihan kung ano ba ang kasarian. “Wait a minute, you called me girl? who and what are you?”

“Wow! Spokening in dollars!” Sambit pa nito habang tinitingnan ang pangmayaman na tindig ni Julie. “Iba ka na girl.”

“Teka lang-“

Nag-cross arms ito sa harapan ni Julie sabay bulong sa hangin. “Marunong naman palang magchikabels ng tagalog pinahirapan pa ako.”

Hindi napigilan ni Julie na itaas ang kanyang kilay nang marinig niya iyon mula sa feeling close na lalaki na lumapit sa kanya ng basta-basta na lamang.“First of all, it’s speaking in English and second of all, why are you talking to me? I don’t even know you.”

“Girl isa pang English mo dyan dadagukan na talaga kita.” Shinake niya ang magkabilang balikat ni Julie, nagbabakasakaling baka mabalik ang memorya ng kaibigan niyang parang nilimot na ang bawat detalye sa lugar kung saan ito nagmula. “Juliebels ako ‘to, si Fonsie, yung lagi mong tinatawag kapag gusto mong maglaro ng pen pen de sarapen?” Hindi parin siya maalala ni Julie kaya nag-isip na siya ng ibang paraan para maalala na siya talaga nito, at ang paraan na iyon ang pagkanta ng paborito nilang laro noong sila ay mga bata pa. “pen pen de chorvaloo, de kemerloo de eklavoo, hao hao de chenelyn de batuten-”

“Ah! I know you-” Saglit siyang nag-isip para alalahanin ang buong pangalan ng kanyang kaabata. “Ikaw si Alfonso Pit-pit Jr! Kamusta ka Alfonso? Hindi na kita nakilala ah.”

“Shhh!” Mabilis natakluan ni Fonsie ang bigbig ng kanyang kaibigan, takot na baka may makarinig sa kanila na ibang tao. “Girl pwedeng ibaon na natin sa limot yang kasuklamsuklam na pangalan na yan? Ako na ngayon si Fonsie at sa gabi, ako si Madam Chiki. Yan ang tawag sakin ng mga boylaloo ko kaya dapat yan narin ang tawag mo sakin. Inchendes na ba?”

Tiningnan muli ni Julie si Alfonso aka Fonsie mula ulo hanggang paa. “Talaga bang natuluyan ka na?”

“Girla hindi pa ba halata noon pa? Haller! Nandidiri nga ako sa baril-barilan di ba?!”

She laughed. “Fine. Wait, bakit ikaw ang sumundo? Nasaan si  Catherine?”

“Malaysia.”

“Ha? Nasa Malaysia si Catherine?” Napakunot ang noo niya. “Teka pano nangyari yun?”

“Hay nako Juliebels, ang shunga mong kausap.” Fonsie rolled her eyes. “Malaysia, ibig sabihin nun malay ko. Simula nung nagfly ka over there hindi ko na alam kung saan na napadpad si Catherine.”

“You mean wala ka na talagang balita sa kanya?”

“Waley na talaga. Choks na ba?”

“Nasaan na kaya yun?”

“Uh- uh.” Malanding nag- ‘No-No’ sign ito sa harap ni Julie. “Wag hanapin ang taong ayaw na magpakita, baka magpakita talaga.”

“She’s one of the reasons why I came back here tapos wala na pala siya.” Nginitian niya si Alfonso ng magtama ang tingin nila. “Syempre ikaw din Fonso-” She cleared her throat. “Fonsie pala.”

“Chenes ka. E hindi mo nga maalala kung sino ako tapos isa ako sa mga rason kung bakit ka bumalik dito.”

Tawa nalang ang isinagot ni Julie kay Fonsie dahil wala na siyang maihirit pa rito. Siguro, isa sa mga pinakamahirap niyang pagdadaanan ang pakikipag-usap sa isang lalakingbinabae na katulad ni Alfonso. Pero sa bawat tawa niyang  binibitiwan ay halata parin sa kanyang mukha na nabo-bother siya kung nasaan na ang nag-iisang matalik niyang kaibigan na si Catherine.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon