Chapter 25

2.2K 43 1
                                    

Nahihilo na si Fonsie sa panonood kay Julie habang paikot-ikot ang kanyang kaibigan sa bawat sulok ng condo nito. Para bang tuliro si Julie ng mga oras na iyon, ni hindi nito alam ang ginagawa niya o kung ano ba talaga ang dapat nitong gawin.

“Girl pwede ba pumirmi ka muna.” Hindi na napigilan pa ni Fonsie na magsalita dahil kung hindi niya gagawin yun mukhang malapit-lapit na niyang makita ang umiikot na five stars sa ulo niya.

“Fonsie kailangan ko talagang malinis lahat ng mga abubot dito.” Hindi pinansin ni Julie ang kanyang kaibigan habang tuloy-tuloy siya sa paglalagay ng mga gamit sa dalawang malaking box.

“Bakit ba parang urgent yang pag-aayos mo ng gamit? Ikakasal ka na ba?” Tanong ni Fonsie habang siya’y nainom ng apple juice.

Natigilan si Julie ng marinig niya iyon sabay buntong hininga at tingin kay Fonsie. “We’re not getting married. I’m going back to States.”

“What?!!!” Naibuga ni Fonsie ang iniinom niya sa sobrang gulat sa sinabing iyon ni Julie. “Julie sinasapian ka ba ng masamang espirito? Sabihin mo lang tatawag ako agad ngayon ng albularyo.”

“Fonsie totoo nga ang sinasabi ko, babalik na ako sa America.”

“Eh akala ko ba ayaw mo dun?” Ibinaba niya ang baso ng juice na kanyang iniinom para malapitan niya si Julie, nagbabakasakaling magising niya ito sa katotohanan. “Sinaktan ka ba niya?”

“Hindi.” Mabilis namang sagot ni Julie.

“Eh loka-loka ka pala eh.” Tiningnan niya ng masama si Julie. “Nasisiraan ka na ba ng ulo? Inlove na inlove ka kay Magayummy tapos iiwan mo siya?!”

Tiningnan din ni Julie ng masama si Fonsie. “Asawa ni Elmo si Catherine, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Ang agawan ng asawa ang bestfriend ko?”

“Wait, wait, wait.” Sambit ni Fonsie habang pumipilantik ang kanyang kamay. “Si Magayummy na jowa mo yung asawa ni Catherine?” Tumango si Julie sa tanong niya. “Weh?!?”

“Hay nako Fonsie kung ayaw mong maniwala edi wag.” Ibinalik nalang muli ni Julie ang atensyon niya sa ginagawa niya.

“Anyare ba? Bumalik na si Catherine sa buhay ni Magayummy kaya ichapwera ka na?”

“Catherine’s dead.”

“Eh anong pa ang proble-” Natigilan si Fonsie ng sinasabi niya ng maalala niya na ang Catherine na pinag-uusapan nila ni Julie ay ang Catherine na kaibigan nila. “Paki-ulit nga ng sinabi mo.”

Binitawan ni Julie ang frame na hawak niya para makaharap siya kay Fonsie. “She’s dead Fonsie.” Nag-teary eye na naman ang mga mata ni Julie ng bumalik na naman sa kanya ang katotohanang iyon. “Catherine’s dead.”

“Hindi, napaka-impossible. Malakas na babae yun-” Naiiyak narin si Fonsie. “Hindi talaga.”

Niyakap nalang ni Julie ang kanyang kaibigan para damayan ito. Alam niyang masakit, at sa unang pagkakataon nakita niyang umiyak si Fonsie kaya hindi na niya napigaln pang umiyak din.

“Fonsie that’s the ugly truth about life, we’re all going to die.”

“Pero hindi naman ganito kaaga-” Nangingiyak-ngiyak na sambit ni Fonsie sabay hiwalay sa mahigpit na yakap ni Julie. “Pinangako ko pa naman sa kanya na tatalunin ko pa siya sa ten-twenty.” Pareho silang natawa habang nagpupunas ng luha. “Bruhang yun, hindi man lang nagpasabi.”

“Gusto mo ba sabihan ka niya ngayon?”

“Ayoko.” He quickly said. “Catherine-” Tumingin siya sa paligid nila. “Kung nasaan ka man, dyan ka nalang.” Natatawang umiiling si Julie habang pinagmamasdan niya si Fonsie, takot kasi ito sa multo, one of the proofs na bading talaga ang kaibigan niya. “Please friend?” Pahabol pa niya.

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon