Chapter 12

2K 33 0
                                    

Ilang oras ng nakatingin si Julie sa blankong papel mula sa folder na iniabot sa kanya ni Elmo kagabi. She’s not sure if Elmo’s only doing this to hide something from her or if he’s really telling the truth. She can’t stop thinking about her contract with him since there’s still no progress apart from the incremental changes that she has done to him and to his family’s life.

Wala na siyang ibang alam na solusyon sa problema kundi ang kausapin si Stephanie at ang asawa nito tungkol sa sitwasyon ni Elmo. Sa lahat ng tao, alam niyang ang mag-asawang iyon ang bukod tanging nakikilala sa buong pagkatao ni Elmo dahil kilala na nila ang isa’t-isa since then.

Mabilis na kinuha ni Julie ang kanyang bag at ang susi ng kanyang condo. Hindi na siya nag-atubili pa na puntahan sina Stephanie dahil kung hindi niya gagawin iyon habang buhay siyang clueless sa sinosolve niyang relationship.

Habang nagda-drive siya hindi niya maiwasang mag-isip ng mga tanong na pwede niyang klaruhin sa mag-asawa. Mga tanong na maaaring magbukas ng kanyang mystery case. After an hour of drive, narating niya rin ang village kung saan nakatira sina Steph. Nakita niya ang asawa ng kanyang dating kliyente na masayang nakikipaglaro sa mga anak nito pagbaba niya ng kanyang sasakyan.

Nang mapansin ng mga ito ang pagdating ni Julie ay kaagad nilang pinagbuksan ng gate ang dalaga at pinapasok ito sa napakalaki nilang garden.

“Oh Julie, may problema ba?” Tanong ni Steph matapos niyang sarahan ang gate ng kanilang bahay. “Ano palang gusto mong kainin? Magpapahanda ako.”

Itinago ni Julie ang susi ng kotse niya sa bulsa ng kanyang skinny jeans. “Hindi na Steph, hindi rin naman ako magtatagal. May itatanong lang ako sayo about Elmo.”

“About Elmo?” Napatigil si Steph sa paglalakad sabay harap kay Julie. “What do you want to know?”

“Everything Steph.” She heaved a sigh. “Alam mo bang sinabi niya sakin na wala siyang naaalala tungkol sa asawa niya? Napaka-imposible hindi ba?”

Hindi muna nagsalita si Steph para maiguide niya si Julie patungo sa garden table. Iniwan niya muna roon saglit si Julie para pumasok sa loob ng kanilang bahay at paglabas nito ay kaagad niyang inabot ang kapiraso ng papel sa dalaga.

“Psychiatrist?” Pinagmamasdan niya lang si Steph hanggang sa makaupo ito sa harap niya. “Sa tingin mo ba nababaliw na ako?”

Steph laughed. “Of course not Julie.” She laughs again. “That’s Elmo’s psychiatrist. If you want to dig more, you should try to talk to her.”

“Bakit may psychiatrist si Elmo? Is he insane?” She paused. “Steph naman bakit niyo ako pinasok sa ganitong gulo.”

“Julie-” Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Julie para pakalmahin ito. “Elmo’s a good man, he’s even more than that. Siguro nga if I met him before I met my husband eh siya na ang pinili kong pakasalan.” Natawa siya sa disgust na reaksyon ni Julie. “Just kidding. Pero seriously Julie, you’re with good hands. We pushed you to help him because we know you can.” She smiled at her. “And trust me, totoo ang sinasabi ni Elmo.”

“Wala talaga siyang naaalala about his wife?”

Tumango sa kanya si Steph. “Kaya nga sabi ko sayo if you want to know more, go to her psychiatrist. Mas marami siyang alam kesa sakin or sa asawa ko.”

“Okay. Thanks Steph.” Tumayo na siya at bumeso rito dahil hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras. She wants to help Elmo. She wants him fixed as soon as possible.

“Julie-” Tumigil siya sa paglalakad sabay tingin muli kay Steph na ngayon ay nakaupo parin sa garden table. “Please help him. He needs you.”

The LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon