5th Chapter: New Student

2.5K 74 13
                                    

5TH CHAPTER: NEW STUDENT

*ring ring* *ring ring*

Ugh. Ano ang maingay na yun. Tinakloban ko nalang ang tenga ko ng unan para hindi ko marinig ang nakakarinding ring na yan.

*ring ring* *ring ring*

"Ugh!" Kinuha ko yung cellphone ko bedside table at marahas na sinagot yung tawag. Bwisit! Umagang umaga ehh. "What?!" sigaw ko sa kabilang linya.

[Well, goodmorning to you too sweetie] sarcastic na sabi nung nasa kabilang linya. Tss.

"Ano bang kailangan mo tita?! Umagang umaga nangiistorbo ka ng tulog. And you know how I hate people disturbing me in my sleep" irita ko namang sabi sa tita ko. Yes. Si tita elloisa yung kausap ko ngayon, and apparently disturbed me in my deep slumber.

[Hahaha. Hindi ko yun nakalimutan sweetie. Ang sarap mo lang talaga inisin. Hahaha] Ugh. Sadista. Amputek.

"Yan lang ba sasabihin mo? Kase matutulog na ako" naiirita na ako. Ayoko talaga ng istorbo, especially when I'm sleeping.

[Nope, I'm not done yet. I just called to say goodluck on your first day!] masayang sabi ni tita.

"Tss. K. I'm hanging up" akmang ibababa ko na yung telepono ng magsalita muli si tita, pero nagiba na ang tono ng boses niya. Naging seryoso...

[Don't show anyone your nullification power. Use your powers when necessary, not in worthless fits. Don't be to open and trust only those who has the spark in their eyes. Remember your limitations and take care sweetie. I love you] mahabang lintaya ni tita. Marami sana akong itatanong kung bakit yan ang sinasabe niya saken, pero next time nalang.

"I love you too tita" yan nalang sinabe ko, dahil feeling ko yun lang ang kailangan kong sabihin. Narinig kong binaba na ni tita yung telepono kaya binaba ko na rin yung akin.

Why would she say those things. para namang may mangyayare saken dito. Wait. Scratch that. Marami palang pwedeng mangyari saken dito lalo na't may mga kapangyarihan sila. And why should I hide my powers

Aish. Makaligo na nga.  Di na ako inaantok dahil kay tita. pagkabangon ko tinignan ko kung anong oras na at 6:00am palang mamayang eight pa klase ko ehh.pumasok na ako sa banyo at nagsimula nang maligo, matapos kong maligo nagbihis narin ako ng uniform. 

[HIATUS] Wisteria Academy: Search for the QueenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora