6th Chapter: Initiation gone wrong

3.1K 116 51
                                    

6TH CHAPTER: INITIATION GONE WRONG

-Logan Green/ Mr. Green-

Malapit na akong humagalpak sa tawa dahil sa nakikita kong itsura ng mga estudyante ko ngayon. Masyado silang hindi makapaniwala na may bago silang kaklase. Kahit nga ako hindi makapaniwala nung una dahil ang alam ko ay walang kapangyarihan 'tong dalagang 'to. Ngunit nung nakita ko siya kanina sa gubat namangha ako sa kaya niyang gawin. Hindi ko aakalaing yung babaeng iniismiran lang ako nung bata pa siya at pinagtitripan kong ampon ay may kapangyarihan pala. 

FLASHBACK

Andito ako sa bubong ng eskwelahan nakaupo habang nagmamasid sa mga estudyante. Dito ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa o kung gusto kong takasan yung maharot na babaeng yun. Habang nagmamasid ako napako ang paningin ko sa pinakagitna ng gubat kung saan makikita ko ang isang babae at lalake na magkasama. Madali ko lang makita lahat dahil malapit lang sa kinalalagyan ko ang gubat. Nahuli rin ng mga mata ko ang alaga ni Ash. pano napunta yang buhok na yan dyan?

Tinitigan ko ng mabuti yung dalawang estudyante sa gitna at nakilala ko kung sino yung binata. Kung hindi ako nagkakamali yun yung SC Vice president. Tinignan ko naman ng mabuti ang babae. Nanlaki ang mga mata ko mapagtanto ko kung sino ito. 'Anong ginagawa niya dito?'

Hindi ako makapaniwalang andirito yung babaeng yun na sa pagkakaalam ko ay walang kapangyarihan. Itinuon ko lalo ang atensyon ko sakanya nung itinukod niya ang isang tuhod niya at inilapat ang kamay sa sahig. 'May nararamdaman akong kakaiba' sabi ko sa aking isipan. Sa pagkakataong ito ginamit ko ang kapangyarihan ko at lumingon muli sa dalawa. Sa ngayon nag-iba na ang kulay ng mga mata ko, galing sa berde ay naging puti. Madali kong makikita kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng isang nilalang dahil sa mata kong to, makikita ko rin kung may inilalabas ang isang tao na kapangyarihan kahit patago pa ito. Sa ngayon ay tinitignan ko kung may ilalabas ba siyang kapangyarihan. 

Ilang sandali ay nanlaki ang singkit kong mga mata sa nakita kong lumabas sa katawan niya. Kitang-kita ko kung paano magsilabasan ang daan daang mga gintong linya na mabilis na pinalibutan ang buong gitna ng gubat. Mukhang patago niya itong inilabas dahil wala akong nakitang ni isang reaksyon sa mukha ni Hans nung ilabas niya kapangyarihan niya. 'paano niya natago ang ganyang kalakas na kapangyarihan saken?'

Naalala ko pa nung bata pa lamang iyang dalagang yan ay palagi kong ginagamit sakanya ang mga mata kong to dahil gusto kong malaman kung anong kaya niyang gawin ngunit bigo ako dahil ni kapiranggot ng kapangyarihan ay hindi ko nakita sakanya. Ngayon nasasaksihan ko gamit ang mga mata ko ang kapangyarihang taglay niya. 'Magaling kang magtago' sabi ko sa aking isipan sabay ngisi. Mailap ka ngang bata ka tulad ng sabi niya. Ngayon ko lang muli naalala ang mga salita niyang yun. Nung mga panahong palagi niyang sinasabing malakas ka ngunit hindi ko pinaniwalaan. Nasabihan pa akong bulag ng taong yun dahil sayo eh mas matalas pa mga mata ko kahit kanino.

'Bulag ka nga. paayos mo na nga yang mga mata mong ipinagmamalaki mo. Ni hindi mo nga makita ang Corona niya eh. Hahaha'

Wait-- Corona? Ngayon ko lang naalalang may nabanggit siyang corona ngunit noon hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Tinignan ko muli yung dalaga upang hanapin ang sinsasabi saking corona noon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid niya ngunit wala parin akong masagap na corona. 'pinaglololoko lang ata ako nun eh' Napako naman ang mga mata ko sa ulo niya ng may makita akong mahinang liwanag roon. Tinutukan ko ng mabuti ang liwanag at napagtantong hugis corona ito. 'It's a faint crown...'

[HIATUS] Wisteria Academy: Search for the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon