Chapter 3: Nasan na'ng mga tao?

187 11 2
                                    

Binabaybay ng Toyota Fortuner ang mahabang provincial highway ng Olongapo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Binabaybay ng Toyota Fortuner ang mahabang provincial highway ng Olongapo. Sa isang side, malawak ang tanawin ng ginintuang bukirin, sa kabila, mga bahay—kubo, bato, gawa sa simento. 30 minutes na ang nakakalipas at wala pang nakakasalubong sina Paulo at Clara ni isang sasakyan. Ni tricycle o bisikleta, kahit na magsasaka na nakasakay sa kalabaw, wala.

"Pati ba naman dito wala ding tao?" ang himutok ni Clara, "I mean this is fuckin' Olongapo."

"Okay nga e. You know, walang traffic," sabi ni Paulo, sabay kibit ng balikat.

Ita-try ni Clara ang radio. Sasalubungin siya ng tunog static.

"Fuck. Bakit walang radio?!"

"Easy ka lang," sagot ni Paulo. "May radio kaya—yung FM ang hindi makasagap."

"Ha. Ha," ang sarcastic na reply ni Clara.

Pipindutin ni Paulo ang switch ng AM.

"Baka sa AM meron..."

Bubulaga ang boses ng radio announcer. Malalim at kahindik-hindik.

"...Mahirap paniwalaan. Nguni't tutoo ang nangyayaring ito. Sa kasalukuyan, ang buong Metro Manila ay nasa Red..."

Mapuputol ang pahayag dahil pinindot ni Clara ang off switch.

"Ba't mo pinatay?!"

"Yuck! I mean, AM? Really?! I'd rather listen to Air fuckin' Supply!" sagot ni Clara, habang kukuha ng mapapatugtog na CD sa glove compartment. May ilang CD siya na naroon, mga personal favorites. Magkaiba sila ng musical taste ni Paulo. Mahilig naman si Clara sa indie music. Radiohead, Death Cab for Cutie, Vampire Weekend, St. Vincent, Cat Power. Bubuksan niya ang case ng album ng Broken Social Scene at kukunin ang disc. Mapapansin niyang hawak ni Paulo ang iPhone nito.

"Ano 'yan?" sita ni Clara.

"Baka nagtext si Ryan."

"Brother mo magtetext? Talaga lang ha. About what?"

Checheck sana ni Paulo ang messages niya pero aagawin ni Clara ang phone at itatabi.

"Save your battery, Paulo. Malayo pa tayo sa Manila and we need that for emergency. You should've gotten a car charger."

Sisimagot si Paulo.

"Car charger? E sayo kaya ang kotseng ito."

"SHH!" mabilis na saway ni Clara dahil tumutugtog na ang pinasok na CD, "I love this song."

All these people drinking lover's spit. They sit around and clean their face with it.
They listen to teeth to learn how to quit. Tied to a night they never met.
I know its time that we grow old and do some shit.

Sa kalagitnaan ng kanta'y may matatanaw si Clara sa dulo ng kalsada. Isang sasakyan ang papasalubong.

"Look!"

"Sa wakas! May ibang sasakyan na din," hudyat ni Paulo.

"At convoy pa sila," dugtong ni Clara.

True. Nang makalapit, tatlong sasakyan ang magkakasunod. Isang lumang Hi-Ace, isang Pick-up truck at isang pampasaherong Jeepney. Puno lahat ng mga sakay: Bata, matanda, lalaki, babae, buntis, and what have you. Siksikan sa loob, tao at mga kagamitan. Sa bubong ng mga oto, magkakapatong ang mga bagahe, kahon, appliances tulad ng bintilador, TV at oven toaster, at kung anu-ano pang mga ari-arian.

"Is that a fuckin' sofa on top of the van?" ang nagtatakang tanong ni Clara.

And yes, isang sofa na nakatali ng lubid sa bubong.

Ang mas nakakataka ay ang mismong mga tao na nakasakay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang mas nakakataka ay ang mismong mga tao na nakasakay. Pagka't nang magtatapat ang Toyota Fortuner at Hi-Ace, ay sumesenyas ang mga sakay nito na para bang may sinasabing babala. Parang warning. Sumisigaw at tinuturo ang direksyon pabalik ng Olongapo, na taliwas naman sa direksyon nila Paulo.

Dahil na rin sa tugtog sa car stereo at nakasarang bintana ay hindi na-gets nila Paulo at Clara ang sinasabi ng mga tao sa van.

"What the fuck? Ano ba yung sinisigaw nila?"

"Dalawa lang naman 'yan e," dikta ni Paulo, "A) Akala nila ako si Colin Farrell, o B) Baka flat 'yung gulong natin."

"Or C) Akala nila retarded ka," agad na dagdag ni Clara.

"Ansakit mo namang magsalita," buntong-hininga ni Paulo.

Anyway, hindi na nila malalaman ang dahilan, pagka't nakalampas na ang convoy.

"Itabi mo muna. Baka nga flat tayo."

Babagal ang Fortuner at ipaparada ito ni Paulo sa side road na malubak. Kapuwa sila bababa at agad na magtatakip ng ilong dahil sa alikabok na iniwan ng mga dumaang sasakyan. Che-check ni Paulo ang mga gulong.

"'Di naman flat eh! Anubayan!" inis na sabi ni Paulo.

Galit na bibigyan ng dirty finger ni Clara ang nakalayong convoy, sabay sigaw ng:

"Mga adik!"

Iiling si Paulo, huhugutin ang nangangalahating pack ng Marlboro sa side pocket, kukuha ng stick at magsisindi. Tila may malalim siyang minumini-muni, "Hmm. Pwede din akong mapagkamalang si Hugh Jackman."

Si Clara nama'y tinatanaw ang convoy. Bagama't inis siya, ay umiikot-ikot sa isipan niya ang kataka-takang asal ng mga tao sa van. Mismong ang convoy—ang sisksikang tao, ang mga kagamitan. May hindi tama. Parang may tinatakasan sila. Tulad ng mountain resort. May similarities ang dalawang pangyayari.

"Weird. Totally weird," bulong niya sa sarili.

Zombinoy Book 1Where stories live. Discover now