Chapter 6: Isang Virus

181 11 0
                                    

Nagdidilim na din ang kalangitan sa Cebu at nagtago na sa likuran ng bundok ang araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagdidilim na din ang kalangitan sa Cebu at nagtago na sa likuran ng bundok ang araw. Sa hotel na tanaw ang dagat, kung saan naka-check-in ang Presidente at pamilya niya, binisita ng First Lady si Linda sa kanyang hotel room at nasa balcony sila't taimtim na nag-uusap. Sa loob ng kuwarto, nakaupo sa kama ang mga batang sina Carlo at Cindy at nanonood ng cartoons.

Malamig ang simoy mula sa 6th floor ng hotel.

"May news ako from Manila," pabungad ng First Lady, "Nagkita na si Mon at Allan at magkasama na sila ngayon. Alam ko kung gaano ka ka-worried, Linda. Pero, I'm sure na mahahanap nila agad si Clara."

"I hope so, Diana," sagot ni Linda.

Bilog ang buwan at ang liwanag nito'y nagre-reflect sa dagat.

"Kumusta ang Presidente?"

"Linda, naman. You need not be too formal," sagot ni Diana, "You can call my husband by his first name. Or better yet, "Dok." He likes to be called Dok by his closest friends."

Saglit na katahimikan. May malalim na buntong-hininga na bibitawan si Diana, sabay ilalabas ang saloobin.

"Hindi na ko magpre-pretend, for his sake, that he's doing okay. Because he's not," ani niya. "I mean, to be president and a doctor. He meant to take care of this country. Sabi niya, corruption is a sickness, and he wanted to cure it. And for the better part of his term, he was successful."

May lungkot sa tono ng First Lady, at awa sa malaking responsibilidad na hinaharap ng kanyang asawa.

"But this, this epidemic. It seems incurable."

At galit din at desperasyon.

Hahawakan siya ni Linda sa balikat, "Maaga pa para mawalan ng pag-asa, Diana."

Tatango ang First Lady, "I know, Linda. But even if we find a cure, even if the country gets over this crisis and everything goes back to normal...nangyari pa rin ang lahat."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Paano makaka-get over si Tonio after all the death and suffering? It will haunt him for the rest of his life," diin ng First Lady.

Mai-interrupt usapan nila nang tatawagin si Linda ni Carlo mula sa loob.

"Mommy!"

"Yes, Carlo?"

"Nasa TV na..."

Agad na papasok sina Diana at Linda para tignan ang tinuturo ng mga bata sa TV. Mauupo sila sa magkabilang dulo ng kama habang sina Carlo at Cindy ay nasa gitna.

Flash report, boses ng news anchor:

Ladies and gentlemen, an unprecedented event of biblical proportions has occurred that will ultimately shock the world...

***

Sa CNEWS, siryoso ang mukha ng Amerikanong news anchor habang nagpapahayag.

Zombies. What we fear only in horror movies have in fact, became a reality. Unbelievable as it seems, this is what's happening right now in Manila.

Zombinoy Book 1Where stories live. Discover now