Chapter 7: You're So Fucking Dead

154 8 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Humaharurot ang Toyota Fortuner sa kahabaan ng provincial highway sa Pampanga patungo ng Maynila. Bumagsak na ang dilim kaya't bubuksan ni Paulo ang headlights para mailawan ang daan. Mula lisanin nila ang gas station, wala pa silang hintuan. Madiin ang apak sa gas pedal ni Paulo, hindi bumababa sa 80 kp/h ang takbo ng sasakyan. Determinado siya na makaiwas sila ni Clara sa anumang panganib pa, kaya't ganun na lang ang paspas niya sa pagpapatakbo.

Sa AM radio, tumutugtog ang isang lumang awitin.

Oh, my love, you were the only one.
Now you're gone and I'm alone.
All my friends, they say what's done is done.
I pretend but deep down I know.
If I should love again.
If I find someone new.
It would be make-believe for in my heart, it would be you...

"Now, it's Barry Manilow?" angal ni Clara. "Muntik na tayong kainin ng buhay, Paulo, and you're playing Barry fuckin' Manilow? I mean, what the fuck?"

Hindi magre-react si Paulo.

"Paulo?"

Diretso tingin ni Paulo sa daan, ang pagka-seryoso ng muka ay tila ba mananapak siya ng tao. Magkahalong galit, kaba at nerbyos ang nararamdaman niya. Napansin naman ito ni Clara at kahit paano'y makakaramdan siya ng takot. Marahan niyang hahawakan si Paulo sa balikat, at sa mahina at maamong boses, sasabihin, "Dear, slow down. Conserve natin what little gas we have left."

Gagaan ang apak sa gas pedal ni Paulo. Makakaramdam siya ng kalma sa hawak ni Clara.

Patatapusin muna ni Clara si Barry Manilow, bago niya ililipat ang station sa news. At maririnig ang over-excited na boses ng mamamahayag.

...I-lock ang mga pinto. 'Wag magpapapasok ng kahit na sino. Kahit na kakilala nyo. Kahit na kamag-anakan nyo. Kahit 'yan pa'y magulang nyo, o anak, o asawa. Malaki ang posibilidad na hindi na sila ang mga mahal n'yo sa buhay. Sa mga oras na ito, buong Metro Manila ay infected na ng nasabing virus kung saan ang mga kababayan natin ay naging mga...zombies!

"Shet, zombies nga."

"Yeah, everything's so fucked up."

Sa kalangitan, nagpakita na ang mga bituin, bumulaga na ang buwan, at kasindilim ng daan ang hinaharap ng dalawang magkasintahan.

***

Makaraan ang kalahating oras ng pagbibiyahe, wala silang success na maka-kontak sinuman sa Maynila. Mahina ang signal at "out of coverage area" ang sabi sa cellphone.

"Fuck! 'Di ko ma-contact sila Mommy at Daddy," inis na sabi ni Clara. "Baka kung napano na sila!"

"Military daddy mo, siguro nasa ligtas na lugar na sila."

Patuloy naman ang pagsubaybay nila sa balita sa AM radio.

Nagpapatuloy ang news report...mga tagapakinig, kung may kakayahan kayong maglakbay, magtungo sa Subic Airport kung saan ine-evacuate ang ating mga mamamayan patungo sa mga ligtas na lugar.

"Subic!" sigaw ni Clara, at na-realize na niya kung bakit ganon ang asal ng mga tao sa nakasalubong na Hi-Ace.

"That's what those people were shouting! Kailangan nating pumunta sa Subic."

Agree si Paulo. Pero, bigla na lang...

..tunog ng pagpugak ng Toyota Fortuner. VRUGG. VRUGG.

"Paulo...," kabadong sabi ni Clara.

VRUGG. VRUGG.

Babagal ang sasakyan. Kumakadyot-kadyot.

"Paulo...," tatalon puso ni Clara. Nararamdaman na niya ang mangyayari.

CLANK!

At nangyari na nga.

Tumirik ang Toyota Fortuner dahil sa kawalan ng gas.

"FUCK!!!" sigaw ni Clara.

"Shet," sabi ni Paulo.

Balik taray-mode.

"Great! We're in the middle of fuckin' nowhere! Now what?!" galit na sabi ni Clara.

Umiiling si Paulo. Naisip niya na sana inuna niya ang pagkarga ng gas bago siya nagpunta sa CR. Shet, ang tanga ko, naisip niya. Pero, hindi naman niya inakalang may zombie outbreak pala na nangyayari. At ngayon, naiihi naman siya. Bubuksan nya ang pinto at bababa siya ng sasakyan.

"San ka pupunta? Don't leave me here!" nanlalaking mata na sabi ni Clara.

"Naiihi ako."

"Great! Maybe we could use your urine as gasoline and get us out of here," ang sarcastic na dabog ni Clara.

Lalakad sa may likod ng Fortuner si Paulo para dyuminggel sa damuhan. Tahimik ang lugar. Madilim sa kawalan ng street lights. Ang tanging sound ay kuliglig at ilang palakang kokak.

Naka-stare sa madilim na kalye si Clara.

"Fuck, Paulo. We need to contact someone!"

Sisigaw mula sa malayo si Paulo.

"Si Ryan. Tawagan mo si Ryan."

Kukunin ni Clara ang cellphone ni Paulo. Nasa isip niya na sinusubukan na ni Paulo na tawagan ang nakababatang kapatid, kaya't:

"Okay, redial..." at pipindutin ito.

Magri-ring ang number na dinial.

Maya-maya'y may sasagot, pero, hindi boses ni Ryan.

Kukunot ang noo at magdidikit ang mga kilay ni Clara habang maririnig ang boses ng babae sa kabilang phone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kukunot ang noo at magdidikit ang mga kilay ni Clara habang maririnig ang boses ng babae sa kabilang phone.

Paulo, is that you?
Where have you been?
I miss you!
You must come and get me!
I need you and I love you!
Hello, Paulo?
Hello? Hell--

Ika-cancel ni Clara ang tawag. Madilim ang paligid, pero mas nagdidilim ang paningin niya...sa galit.

Babalik si Paulo, nagsasara pa ng zipper. Sasampa siya sa driver's side at titingin kay Clara na walang kamalay-malay. Magtataka siya dahil tahimik ang girlfriend at siryosong nakatingin sa malayo, and without looking, sasabihin sa kanya ni Clara:

"Paulo...

you're...

so...

fucking...

dead."



Zombinoy Book 1Where stories live. Discover now