Relationtrip: An Accident

174 4 0
                                    

"WHOOOOOOO! kAYO NALANG NI Marjo mithz, bagay kayo!" Kantyawan at hiyawan ng mga impakto kong kaklase.

Nakakahiya sila mygad! Nakita kong napakamot ng ulo si Marjo, kaklase ko kasi siya. Hindi kami close ni Marjo, pero minsan na kaming nag kausap nung mga panahong down na down ako.

Hindi pa ako ready na mainlove. Ayoko pa. Masakit pa yung alaalang iniwan sa akin dulot ng pesteng pagmamahal na yan.

"SA ARAW NA ITO AY DINIDEKLARA KONG SI MARJO AT MITHZ AY MAG JOWA NA! WOOOOOOOO!" sigaw ni Gha Go. Half chinese kong kaibigan.

Punyetaaaaa! Nakakahiya! Humanda ka sa akin mamaya Gha go! Arg!

"March 3, 2014 naging sila mga klasmeeeeeeeyt! Tandaan natin yan WHOOOOOOOO!" Sigaw rin ni Ga Gha. Half Brazil.

Wow ha? Hiyang hiya naman ako sa inyo! Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Sobrang nakakahiya sila!

Maya maya ay nag kumpulan sila, ewan ko ba kung ano yung pinag uusapan nila pero naka tingin sila sa akin. Mga damuho!

Lumingon ako para tingnan si Marjo, kahit pulang pula na ako sa kahihiyan sinikap ko paring lingunin siya.

Ohmy! Nakatingin rin siya sa 'kin! Kaya mas lalo akong nag bu blush! Potek ka Marjo wag mo akong titingnaaaan!

Papalapit siya sa 'kin.

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

Kinakabahan ako. Bakit!

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

Pinagpapaawisan na ako sa kinatatayuan ko habang papalapit siya. Walang hiya!

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale...

***

"Di ko ini expect na maging tayo Mithz" Panimula ni Marjo. Nasa may park kami kung saan wala masyadong taong pumaparoon. Dito muna kami dumeretso pagkatapos ng klase. Pero bago kami naka punta dito, isang walang humpay na kantyawan ang inabot namin sa mga walang hiya kong kaklase. Lalo na sila Ga Gha at Gha Go! Humanda ang dalawang bugok na yun. Kailangan ko itong bawiin. Hindi pa ako ready na pumasok sa isang relasyon lalo na at hindi ko mahal ang isang tao. Kaka break ko lang Last week tapos eto ngayon? Ni hindi pa nga nag hihilom ang mga sugat na iniwan sa akin ng manloloko kong Ex.

"Mag isip kaya tayo ng tawagan natin?"

HUH? Ok ka lang Marjo? Tawagan pinagsasabi nito? Kailangan ko itong bawiin. Pero nahihiya akong sabihin eh.

"Mylabs nalang kaya?"

Ew. Korni. Jejemon ba to?

"NO!" Gosh nagulat ako dun ha!

"Mahal nalang. Simple pero malaman." Ngumiti siya. Ngumiti rin yung singkit niyang mata. Yung ngiting sobrang nagpa blush sa akin.

Hindi ako maka imik...

Ano ba Mithzzzz bawiin mo yan diba? Mag isip ka nga! Baka lolokohin ka lang ng Marjo na yan!

"S-sige"

WAIT! Did i say 'sige?' OMG! Babawiin ko nga diba? Tapos umagree pa ako!

"I LOVE YOU MAHAL"

Namilog ang mata ko. Seryoso 'to? Ang bilis naman yata? Arg! Kung nababasa ko lang ang iniisip nito eh. Pero kilig na kilig na ako sa mga nangyayari. GAAAAAAAAAAAAAD.

"i love you din mahal"

KILIGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG! Teka! Ano ba 'tong pinasok ko? Tsk! Di pa nga ako handa diba? Hayy. Wala na akong lusot. Napasubo na yata ako nito. Papano ko pa ito mababawi? Ano nalang mangyayari sa amin?

Relationtrip: An AccidentWhere stories live. Discover now